Chapter 4 - With Barkada

7.6K 72 17
                                    

Hi! Comment naman kayo kung panget! Ok lang, promise :)

Raine's POV

"Wrong move yung nasabi ko kanina. Aishh! Pansin ko na nag iba agad yung mood ni Macee nung sinabi ko na si Naydean at Coleen na. Kitang-kita sa mukha niya na gulat na gulat siya. As what I expected. Makikita mo sa kanya na she likes Coleen. Pero tinatago niya. Sakin niya lang yun hindi maiitago. Eh magkadugo kami ii. Alam ko kung ano ang dumadaloy sa utak niya."

"Kaya nung sinabi niya na aalis muna siya at pupunta sa mga kaklase siya. Umoo agad ako. Alam kong gusto niya lang umiwas. Kaya bigla niya yung nasabi. Wrong move lang talaga ako kanina."

"Pero ewan ko sa kanila ha? Pansin ko din kasi na gusto ni Coleen si Macee. Ako lang naman tong hadlang eh. Kung binigay ko lang sana agad sa kanya ang number ni Macee, di sana hindi na nakaepal tong si Naydean sa kanila. Tssk! Pero talagang nagulat ako nang malaman kong si Naydean at Coleen na agad."

"Kasi as I expected, si Macee ang gusto niya at hindi si Naydean. Tsaka bakit kay Naydean pa siya pumatol. Parang "ewww" Luhhh. Ewan ko. Kahit kaklase ko siya. Mas ko gusto ko si Macee para kay Coleen. Kasi sila naman talaga dapat, naging selfish lang ako sa pinsan ko kasi broken siya nung mga panahong yun nung nagkita sila ni Coleen. Ewan talaga. May kakaiba eh."

"Napailing na lang ako. At kumpleto na ang barkada ngayon. Nasa grade school building kami nakatambay. Mga adik lang ei. Mga high school tas nasa grade school. Haha! Pero makalipas ang isang oras. Bumalik na si Macee. At kita ko sa mata niya na malungkot siya, pero she's pretending na ok lang siya. Tsk! Magulo talaga tong pinsan ko."

Macee's POV

"Papabalik na ako, at kumpleto na ang barkada. As expected, andun na din si Naydean at Coleen. At ang sweet nila T_T"

"Para namang dinudurog yung puso ko nito. Kailangan ko mag pretend na ok ako. Para wala silang mapansin na kahit ano sa akin."

"Oh andyan kana pala." sabi ni Ara.

"Ah hindi, picture ko lang to." sabi ko.

"Tawanan silang lahat. At si Coleen, I caught her, she's staring at me. Waaah! Pwede na po akong matunaw. Pero magkaholding hands sila ni Naydean. Woooh! Sasabog na ako! :("

"Puro ka kalokohan. Tara! Bili tayo ng nestea." sabi ni Ara.

"Tumango na lang ako, para makalayo ako ng ilang minuto sa kanila. Thank God!"

"Medyo natagalan ng 20 minutes yung pagbili namin, sobrang haba kasi ng pila. Sa sobrang dami ng tao. 10 nestea binili namin. Hiya naman namin sa kanila if kami lang yung bibili di ba? Di inilibre ko na sila."

"Pagbalik namin, dambahan agad sila sa nestea. Mga uhaw lang tong mga to eh. May mga pera naman, hindi bumili. Talagang nag aantay pa ng libre. Tsk! Isama mo pa tong pinsan kong si Raine. Patay gutom lang eh. Gusto na naman magpalibre ng makakain. Ewan ko sa kanila."

"Niloloko na nila ako kay Ara. What's wrong with this people? Sinamahan ko lang bumili ng nestea. Kung anu-ano na agad ang mga sinasabi tungkol samin. Kesyo bagay daw kami. Kami na lang daw. Kaloka tong mga to! Isa pa tong si Raine, nakikisali sa pang aasar. Yari to sakin mamaya. Grr!"

"Tsaka hindi kami talo no? Duhhh! She's not my type. Payat-payat niya eh. Parang buto na mangangalas na. (Devil me. HAHAHA) Tunay naman kasi. -__-)

"Lagi akong napapatingin kay Coleen. At nahuhuli ko din siyang nakatingin sakin. Her eyes! Her eyes! I love her eyes. It is so adorable. Ayaw niya ng tinititigan siya. Nagblublush daw siya kapag ganon. Kaya ang ginawa ko, tinititigan ko lang siya. Deh matunaw siya. Magsawa siya. Sa gusto ko siya titigan eh. Haha! Ang ganda lang niya."

SHE! BOOK 1 (girlxgirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon