Chapter 3 - Evades & Coleen with Naydean

8.3K 74 8
                                    

Hello. New update here! Thanks.

Raine's POV

"Hi. Ako nga pala si Raine. Makulit. Masayahin. Medyo chicboi. Haha. At napakahilig ko maggitara. Pinsan ko yang si Macee."

"Bata pa lang kami, lagi na kami nagkakasama. Kaya kilalang-kilala ko na yan."

"Nung nalaman ko na nagbreak sila ng bf niya. Sinamahan namin siya ni Ate Camille. Para makapag aliw. Dami lang ng pera neto at gastos niya lahat. Kaya nga kami sumama eh. Libre! Haha."

"Nung niyaya ko siya mag jamming, pumayag agad siya. Hilig na naming magpinsan ang tumugtog eh."

"Tapos biglang dumating sina Jess habang kumakanta at natugtog kami. Kaya napatigil ako at binati sila. Kasama din pala niya si Coleen. Napansin ko na nakatingin si Macee sa kanya. At gayun din si Coleen. Kala niyo di ko yun kita ha? Di ako manhid noh? Kita kong nagkatitigan sila."

"Kaya nakaramdam na ako na may spark itong dalawang to. Kasi iba yung tingin nila sa isat-isa eh. Aantayin ko yung araw na yun."

"Pero sa ngayon hindi na muna. Broken hearted si Macee eh. Ayokong makipag flirt siya sa iba. Gusto ko munang mag move on siya. Kaya nung gustong hingin ni Coleen number niya, hindi ko ibinigay. Selfish me. Haha."

Coleen's POV

"Palagi ko ng nakakatext si Macee. Halos araw-araw na. Hindi ko na nabibitawan cellphone ko kahit kumakaen. Imba lang ng hatak niya sa akin eh no? Haha."

"Gusto niya rin kaya ako?" Ako na assuming. Eh paano naman niya ko magugustuhan eh mukhang hindi naman yung katulad ko yung tipo niya. Hayy. Isip-isip."

"Paano ko kaya malalaman kung gusto niya rin ako? :("

"Malabo eh. Malabo niya akong magustuhan. Iiwas na lang siguro ako. Baka ako pa yung masaktan. :( Sobrang napapadalas na ung pag uusap namin eh. At lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. T_T"

Macee's POV

"Ilang araw ng hindi nagtetext sa akin si Coleen. Ano na kayang nangyari sa kanya? Nakakapag alala na eh. Laging off ang cellphone niya kapag gusto ko siyang i-contact. :("

"Hayys, hindi na ako mapakali. Pupuntahan ko siya sa classroom nila. Para malaman ko kung ano nangyari sa kanya, kung bakit hindi na niya ako itinetext."

"First time ko siya kakausapin ng personal, waaaah! Ako na kinakabahan. Ngayon ko lang siya makakausap."

"Ok. Lakad lakad. Malapit na ko sa classroom nila. Pero napatigil ako bigla ng makita ko sila."

"Si Naydean at Coleen magkasama, may hawak siyang bulaklak, bigay ata ni Naydean. Malapit sila sa may pintuan ng classroom. At masayang nag uusap."

"Aishhh! Tumalikod na ako at lumakad palayo habang hawak ang puso ko. Sh*t! Ang sakit! Naunahan na talaga ako T_T"

SHE! BOOK 1 (girlxgirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon