Chapter 9 - Telling the Truth

6.4K 46 0
                                    

Read lang kayooooooooooo! :)

Naydean's POV

(Ngayon lang ako nagkaroon ng POV si author kasi!)

"Hi, I'm Naydean. 3rd year high school, kaklase ko sina Raine. At girlfriend ko si Coleen. =)"

"Ako na daw ang pinakaswerte sa lahat sabi ng ibang tao. Kasi napasagot ko si Coleen. 1st girlfriend and hope to be last! Sobrang daming suitors ni Coleen pero lahat sila busted kaya sobrang swerte ko daw at sinagot ako. Oo, sobrang swerte ko. Mahal na mahal ko si Coleen. At lahat gagawin ko para lang mapasaya siya. At hindi ako papayag na mawala siya sa akin. Sa akin lang siya eh."

"Nag away kami ni Coleen last friday, nung family day. Hindi ko daw siya pahingahin. Hindi naman kasi sa ganon. Gusto ko lang lagi eh nasa tabi ko siya. Nagulat ako nung nagalit siya sa Mcdo. Ganon na ba talaga ako kaselfish? Na gusto ko siyang subuan at hawakan ang kamay? Pero ikinagalit niya yun. Gusto ko lang naman siya laging lambingin eh. :("

"Nagtampo ako. Hinatid ko lang siya sa paradahan nila at umalis na. Naghihintay ako ng texts ni Coleen. Pero kahit isa wala akong matanggap. Oo, alam kong ako ang may kasalanan, tapos ako pa ang nagtampo. Hays. Nakakainis! Kaya walang tigil ko siyang itinext at tinatawagan buong gabi. Pero ni isang reply niya, wala akong natatanggap. :(("

"Hanggang kinabukasan, ganon pa din ang ginagawa ko.. Text ako ng text, tawag ng tawag. At walang sawang nagsosorry sa kanya! Sobrang laki ba ng kasalanan ko at ayaw niya akong kausapin? T_T"

"Mahal na mahal ko si Coleen. Sobra! Kaya ganito ako sa kanya. Ayaw ko siyang nakikitang malungkot. At higit sa lahat. Ayaw ko siyang nakikitang nagagalit, lalo na sa akin. Pero anong gagawin ko. Ayaw niya talaga ako kausapin kahit anong text at tawag ko sa kanya. Nagpapatulong na nga ako kina Ara. Pero kahit daw sa kanila, hindi din nagrereply si Coleen. Sh*t! Nag aalala na ako ng sobra! Nag riring naman ang phone nya. Ayaw lang talaga siguro niya ako makausap. :(("

Coleen's POV

"Simula 4:30 katext ko na si Macee. Oo, puro Macee na ako. Simula pa kagabi. At wala akong pakealam kay Naydean. Alam kong pag sinagot ko ang tawag niya eh baka magkasigawan lang kami. Hindi ako magpaparamdam sa kanya hanggang bukas. Magsawa siyang maghanap sa campus sa monday. Tataguan ko talaga siya. Nasisira araw ko sa kanya ei."

"Pero si Macee, napapangiti niya ako lagi sa bawat text niya sa akin. Eh kasi naman, kahit ang iikli ng messages niya. Kinikilig pa rin ako. =) Ang babaw ko talaga."

Raine's POV

"Nagpapatulong sa amin si Naydean. Itext daw namin si Coleen at ihingi siya ng sorry. Tsk! Hanggang ngayon pala hindi pa sila nagkakaayos. At kahit isang reply daw wala siyang natatanggap galing kay Coleen simula pa kagabi. Cold war na to! Sawa siya. Hindi ko nga itinext si Coleen. Hahaha!"

"Tinext ko si Macee. Saturday ngayon. Jamming kami dito sa bahay syempre. :)"

"Ako: "Dude, punta ka dito sa bahay! Jamming tayo!"

"Macee: "K."

"Grabe lang ang haba ng reply sa akin ng pinsan ko nu? Unli naman siguro siya. Tsk! Wala pa rin siguro siya sa mood kaya ganyan siya. -_- Pero ilang minuto pa lang dumating na siya. Malapit lang naman ang bahay nila sa amin. Kaya madali lang siya nakakarating."

"Nung dumating siya parang wala akong makitang lungkot sa mukha niya. Mukhang ok na siya. Mabuti naman kung ganun."

"Dude, ok ka lang?" sabi ko.

"Oo naman. Gago!" sabi niya.

"Nagago pa ako. Ako na nga ang concern eh. Tsk! Nagtimpla ako ng juice. At yon walang katapusang paggigitara ang ginawa namin, pero minsan napapatigil siya at kukunin ang phone niya."

"Makikita ko siyang nakangiti habang nagtetext. Problema niya? Nauulol na ba siya? Ngayon ko lang ule siya nakitang ngumiti ng ganyan na wala akong nakikita lungkot sa mga mata niya. Siguro may bago na agad siyang napapagtripan? Tsk! Chicboi lang tong pinsan ko ei."

"Dude, problema mo? Nangiti habang nagtetext? Ano yan? Kinikilig? May bagong pinagtritripan?" sabi ko.

"Ulol!" sabi niya.

"Yun lang ang nasabi niya. Tsk! Kanina pa to ah. Kanina gago, ngayon ulol. Bangag lang eh! Bahala siya. Nababaliw na ata."

"Saan C.R niyo?" sabi niya.

"Tinuro ko kung saan. Iniwan niya ang phone niya sa sala. Narinig kong tumunog. Kaya tiningnan ko, may nagtext. Pinakealaman ko phone niya. Oo, ako na ang pakielamera. Gusto ko lang naman kasi malaman kung bakit ganon siya makangiti at sino tong bago niyang kaflirty. Hahahaha! Pagbukas ko ng phone niya."

"Nanlaki ang mata ko nung nakita ko ang inbox niya. Sh*t! Puro text ni Coleen ang laman ng inbox niya. Pero mga simple lang ang napapag usapan nila. Wooaaaaah! Agad kong binitawan ang phone niya. Baka mahuli ako. Eh di ba sabi ni Naydean, simula pa kagabi eh hindi pa siya itinetext ni Coleen kahit isa."

"Kinutuban ako bigla. Patay! Mukhang may mangyayaring hindi maganda dito. Tsk!"

"Oh? Problema mo? Tahimik ka ata bigla?" sabi ni Macee sa akin.

"Ha?" sabi ko.

"Ayy! Lipad ang isip? Ok ka lang dude? Ikaw ata ang hindi ok sa ating dalawa?" sabi niya.

"Gago!!" sabi ko.

"Nagulat lang talaga ako. Alam kong malaking gulo to, kapag nangyari ang hindi inaasahang mangyari. Oo, alam kong mahal ni Macee si Coleen. Pero alam ko din na alam niya yung limatation niya. Kasi siya na mismo ang nagsabi sa akin na ayaw niyang makagulo ng relasyon. Pero heto na nga at mukhang nangyayari na."

"Mahal ni Macee si Coleen, at alam ko, ramdam kong gusto din siya ni Coleen! Pero makakasakit sila kapag nangyari yun. Mahal na mahal ni Naydean si Coleen. Paano pag nalaman niya yung kay Macee? Baka bugbugin niya si Macee. Tsk! Hindi naman ako papayag na mangyari yun. Tssk! Isip-isip ng paraan. -__-"

"Blangko ang utak ko kaya itinext ko ang gf ko. At agad nakipagkita sa kanya. Pinaalis ko muna si Macee at nagdahilan ako na may pupuntahan ako. Kaya umoo naman siya. Sinabi ko sa gf ko lahat ng nalalaman ko, at first gulat na gulat siya. Syempre! Pero mas gusto nga niya si Macee kumpara kay Naydean. Adik lang ei. Mas bagay daw yung dalawa. Parehas nakakaattract. Bagay na bagay daw."

"Nangako ako kay Macee na wala akong pagsasabihan kahit kanino. Pero nangako naman siya sa akin na hindi niya sasabihin kanino. Nahingi lang ako ng payo sa kanya kung ano ang dapat kong gawin, para hindi mangyari yon."

"Pero wala siyang maibigay na payo sa akin. Hindi ko naman pwedeng hayaan si Macee. Kasi alam niya naman ang magiging epekto kapag nangyari yon! Wala talaga akong maisip na paraan. Paano mapapalayo si Macee kay Coleen? Tsk!"

"Umuwe akong bagsak sa kama. Nag iisip pa rin ako ng pwede kong gawin. Pero walang napasok sa isip ko. Grrrrr!"

Thankyou :*

SHE! BOOK 1 (girlxgirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon