Chapter 32 - (I don't know?) XD

4.9K 44 14
                                    

Read! READ! Read! :)

Macee's POV

"Matapos ng pag aaway namin ni Coleen. Nagkausap na kami ni Gab!"

---------------------- Flashback -----------------------


"Macee, please let's talk!" sabi ni Gab.


"Para saan pa? Pagkatapos nung nangyari kahapon. Makikipag usap ka sa akin? Ang kapal din naman ng mukha mo noh?" sabi ko.

"Ano bang nangyayari sayo? Nagayuma ka ba ng babaeng yun? At ganyan na ang ugali mo? Hindi ka naman ganyan dati ah." sabi niya.


"Oo, nagayuma niya ako. Hindi ako nagbago. Eto pa rin ako. At pwede ba. Wag mo na pakealaman ang buhay ko. May sarili kang buhay." sabi ko.


"Macee, please give me a last chance." sabi niya.


"Tama na, please. Hindi na natin maiibalik ang mga bagay na nawala na." sabi ko.


"Luluhod ako sa harapan mo. Bigyan mo lang ako ng last chance para patunayan sayo na sincere ako sa pakikipagbalikan ko sayo." sabi niya at lumuhod nga siya.


"Tumayo ka nga dyan. Please naman Gab. Nag aaway kami ni Coleen ng dahil sayo eh. At ayaw ko ng mangyari ulit yun. Mahal ko siya. At hindi na kita kayang mahalin pa ulit. So please, tigil na 'to. Pwede naman tayong maging magkaibigan di ba? Hanggang dun na lang ang kaya kong ibigay sayo." sabi ko.


"Wala ka na ba talagang feelings para sakin?" sabi niya.


"Wala na talaga Gab. Kaibigan na lang ang turing ko sayo." sabi ko.


"Kung ganun, wala na pala talaga akong magagawa. At least ginawa ko ang lahat para bumalik ka, kahit na bigo ako. I love you for the last time." sabi niya at niyakap niya ako.


"So friends?" sabi ko, tapos iniaro ko ang kamay ko sa kanya.


"Nope. Lalayo na ako." sabi niya at umalis na siya papalayo sa akin.


---------------------- End of Flashback ----------------------



"Nalungkot ako sa sinabi ni Gab. Ayaw niyang maging friends kami. Hays. Kahit na nakakalungkot, ok lang. At least titigil na siya sa mga ginagawa niya. Ayaw ko na din naman makasakit pa. Kasi alam ko sa sarili ko na wala na talaga akong feelings para sa kanya."

SHE! BOOK 1 (girlxgirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon