Chapter 19 - The Chereography Dance

5.6K 48 5
                                    

:)) Read lang!

Coleen's POV

"Nung tinanong ko si Macee kung ano yung napag usapan nila ng adviser niya, eh wala naman daw, napagsabihan lang daw siya sa hair niya kasi may highlights ng konti. Eh sa pagkakaalam ko pwede ang may highlights. Bakit siya pagsasabihan? Tsk! K. Never mind it!"

"Hindi ko makasama at makatext ng maayos si Macee this past few days. Pag sa hapon naman, ihahatid niya lang ako sa paradahan namin. Tapos kapag sa text. Palagi niyang sinasabi na may gagawin daw siya. Anong nangyayari sa kanya? She's so cold sa akin ngayon. May problema ba kami? May nagawa ba akong mali? Bakit bigla siyang nagkaganyan? T_T"

"Kaya I texted Raine. Baka magkasama sila o kung walang nababanggit na iba si Macee sa kanya."

"Raine, pwede magtanong?" text ko.

"Yup. Ano yun?" text niya.

"Kasama mo ba si Macee? May nasasabi ba siya sayo na kahit na ano?" text ko.

"Ah, hindi eh. Wala naman. Bakit? May problema kayo?" text niya.

"Hindi ko nga alam eh. This past few days. Ang cold niya sa akin. Hindi ko siya makasama at makatext ng maayos. :(" text ko.

"Ah. Hindi ko kasi alam eh. Pero sige, punta ko sa kanila. Kakausapin ko." text niya.

"Sige. Salamat ha! Text mo ako agad pagkatapos niyo mag usap!" text ko.

"Gusto ko ng magtanong kay Macee kung bakit ganon siya sa akin ngayon. Kung may nagawa ba akong kasalanan sa kanya? Sa pagkakaalam ko kasi, wala naman akong ginagawa para magkaganyan siya. Itinetext ko siya. Pero hindi siya nagrereply agad! Kung magrereply naman, sobrang late na :(( T_T Busy ba siya? Busy sa iba?"

"Sh*t! Hindi naman siguro. Baguhan pa lang kami. Alam kong hindi niya ako lolokohin. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Baka may ginagawa lang siyang importante kaya hindi niya masabi sa akin. (mas importante kaya yon kaysa sa akin? :(() Kalma lang Coleen. Just think positive :("

Raine's POV

"Nang magtext sa akin si Coleen. Agad akong pumunta kila Macee. Malapit lang bahay namin sa kanila. Pero ng makarating ako sa kanila. Wala daw siya don sabi ni tita. Tinanong ko kung saan nagpunta. Pero hindi daw alam ni tita kung saan. May inaasikaso daw."

"Ano naman kayang inaasikaso nun? Tsk! Kapag sinabi ko naman kay Coleen na wala si Macee sa bahay nila. Sigurado akong mag aalala yon. Ano na lang kaya ang sasabihin ko? Tsk! Sige, sabihin ko na lang. Para alam niya. Ano kayang problema ni Macee? Tsk! So I texted Coleen."

"Wala si Macee sa bahay nila sabi sa akin ni tita. May inaasikaso daw!" text ko.

"Ha? Wala siya sa bahay nila? Saan daw nagpunta?" text niya.

"Hindi daw alam ni tita kung saan nagpunta!" text ko.

SHE! BOOK 1 (girlxgirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon