Buong gabi ay nasa anak ko lang ang aking atensyon.
Pinakain ko ito pagkatapos ay pinag half bath at pinatulog.
Nasa tabi ko ito habang nakayakap ng mahigpit sa aking beywang na animo'y kala mo iiwan.
Sa sobrang titig ko sakanya ay hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Nagising ako ng maramdaman ang mumunting halik sa aking mukha.
Idinilat ko ang aking mukha at napangiti na lamang ng makita ang nakadungaw na aking anak.
Mas malapitan ko itong nakita, ang kanyang mata na nakuha sa kanyang ama pati na rin ang ilong nito.
"Good morning baby" bati ko sakanya at hinalik halikan ang mukha.
Nakikiliti ito sa aking panghahalik sa kanyang mukha kasama na rin ang kanyang leeg.
"S-stop mommy!" Sigaw nito habang iniiwas ang mukha mula sa aking halik.
"No baby, nanggigigil ka kasi" saad ko na wala paring hinto sa pag halik sa kanyang mukha.
"M-mommy!!" Hiyaw niya ulit t dun ay tuluyan na akong huminto.
Mamula mula ang kanyang buong mukha at pati na rin ang leeg.
"HAHAHA cute" nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ang naka nguso kong anak.
"Let's go, ipagluluto kita ng breakfast"
Sabi ko dito at binuhat siya.Bago lumabas ng kwarto ay tinignan ko muna ang cellphone ko kung ano ng oras.
6:32 am palang kaya maaga pa.
Binaba ko sa upuan ang aking anak.
"What do you want to eat baby?" Tanong ko dito habang inaayos ang apron sa aking katawan.
"Pancake will do" sabi nito at tumingin na muli sa aking cellphone na kinuha niya sakin kanina.
Hindi na ako sumagot at pinagluto nalang siya ng gusto niya.
Pagkatapos ko itong lutuin ay iniharap kona sakanya ang pancake.
Paglapag ko pa lamang sa kanyang harap ay agad niya itong nilantakan.
Kinuha ko nalang ito ng tubig ay kumain narin.
Habang kumakain ay may biglang kumatok.
"Sandali!" sigaw ko dito.
Sumubo muna ako ng isang hiwa ng pancake at dumiretso na sa pintuan."Oh Cristy napaaga ka yata?" tanong ko sakanya nang makita ko siya sa harap ng pintuan.
"Diba maaga ka ngayon sa trabaho ate?"
"Oo nga pala, sige pasok ka" saad ko at nilakihan ang bukas ng pintuan.
Nang makapasok ito ay tinignan ko muna ang labas ng condo.
Para akong nadismaya ng hindi ko makita ang lalaking lagi kong nakikita tuwing sisilip ako sa labas.
Wala ang lalaking nakajacket ng itim.
Hindi ko na lamang ito pinansin at pumasok na sa loob ng condo.
Pag pasok sa kusina ay nadatnan kong sinasabayan na rin ni Cristy ang anak ko sa pagkain ng pancake.
"Say aaaa tita" sabi ng anak ko habang nakaharap ang kutsara sa bibig ni Cristy.
Agad naman itong sinunod ang anak ko.
"Yummy right tita?" Tanong ng anak ko habang nakatuon na ulit ang tingin sa kanyang pinggan.
"Yes baby" sagot nito.
YOU ARE READING
Fall Again (On-hold)
RomanceLife is so cruel!. Are you ready to face your past, the past you don't want to go back. History repeat itself! Pano kung ang taong kinakainisan mo ay bumalik upang guluhin ulit ang mapayapang buhay na meron ka? What will you do? Are you ready to fac...