Chapter 8

3 0 0
                                    


Aero and I become a fake couple.
Lagi niya lang akong sinusundo sa bahay and iuuwi ng hapon.
Magiging sweet kapag na sa school na then back to normal na ulit kapag nasa sasakyan na kami.

Ganun ang naging routine namin sa buong linggo.
We act like a couple in the morning then back to normal in afternoon.

Wala naman naging problema sakin sapagkat hanggang holding hands lang talaga kami sa public and minsan hindi maiwasan ang aakbayan niya ako.

Today is Sunday and kahapon pa walang paramdam si Aero pero wala namang kaso sakin but duh!
Ano kayang ginagawa ng mokong na yun? At kahapon pa walang paramdam?
Nakuuu pag nakita ko yun sasabunutan ko siya tapos kunwari makikipagbreak ako sa public!
Pero syempre joke lang, wala pa nga yung kapalit eh.

"Nanay Bel?" Tawag ko sa mayodorma namin dito sa bahay, nanay tawag ko kasi simula bata palang siya na nag-aalaga sakin tuwing wala ang mga parents ko sa bahay.
Kaya nanay ko tawag ko sakanya and siya rin ang tumayong pangalawang nanay sakin nung bata ako.

"Bakit anak?" Sulpot nito mula sa kusina habang may dalang pinggan at pamunas.
Siguro katatapos lang mag hugas at pinupunasan na ito.

"Nay pahingi po ako ng juice at sandwich lang po, pakidala nalang sa garden nay. Salamat po nay"

"O sya hintayin mo nalang, ihahatid ko ito sa ibang yaya" ngumiti ako sakanya at iniwan na siya dun at dumiretso na sa garden.

Umupo ako sa swing, yes may swing dito.
Matagal na to, simula bata palang ako ay nandito na ito.
Diko ito pinatanggal sa tao dito, dahil dito ay nagkaroon ako ng kaisa-isahang kaibigan na di nagtagal ay umalis din upang manirahan sa ibang bansa but I still remember his name.

"Luke" banggit ko

Napangiti ako sa aking sinabi, hinding hindi ko siya makakalimutan dahil siya ang tumayong kaibigan at kuya sakin.
Only child kasi hayst.

"Eto na Adri" sabi ni yaya Elen at nilapag ang aking pinapakuha.

"Salamat yaya" sabi ko dito at nginitian lang ako nito at tumalikod na upang bumalik sa trabaho.

Habang kumakain ay nagring ang aking cellphone.
Tinignan ko ito at nakitang si Aero ang tumatawag, dali dali kong binitawan ang aking kinakain at dali daling sinagot ang tawag niya.

"Oh? Napatawag ka?" Naiinis kong tanong dito at kinuha ulit ang kinakain na naudlot dahil sa pagtawag niya.

"May gagawin kaba ngayon?" Tanong nito.
Nilunok ko muna ang aking nginunguya bago siya sinagot.

"Wala naman, why?"

"Magbihis kana, puntahan kita diyan" sabi nito at pinutol na ang tawag.
Aiii bastusan lang?
Hindi man lang sinabi kung san pupunta at agad agad akong binabaan?

Bahala siya sa buhay niya, hindi ako magbibihis, manigas siya diyan tsk.

Nanatili pa rin ako sa garden at dinadamdam ang simoy ng hangin.

Hayst ang sarap matulog.
Iidlip na sana kaso nakarinig ako ng sigaw.

"Adri!? Where are you?"
Sigaw nito, agad nanlaki ang aking mata ng pamangsino ang may-ari ng boses na yun?

Di ko nalang ito pinansin at tinuloy matulog, arhggg antok na talaga akoooo!

"Adri!" Napalingon ako sa likod ng marinig ang sigaw na yun.

"What?" Naiinis na tanong ko at binalik na ang tingin sa harap ng Hindi siya sumagot.
Inis na sumulpot siya sa harap ko.

"Diba sabi kong magbihis ka?" Sabi nito sa harap ko.
Inirapan ko lang ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fall Again (On-hold)Where stories live. Discover now