Chapter 7

7 1 0
                                    

Nakanguso akong pumasok sa bahay namin, sa sobrang inis ko kay Aero ay padabog kong isinirado ang pintuan kaya napalingon ang mga maid na naglilinis sakin.
Hindi ko na lamang sila pinansin baka sakanila ko pa maibaling ang inis ko.

Padabog akong umaakyat ng hagdan habang inis na sinasabunutan ang aking buhok.

Humanda sakin si Aero bukas, maaga pa naman akong nagising at nag-ayos tapos hindi ako sisiputin?

Kung hindi siguro siya nagtext na hindi kami makakalabas ay baka 4 na oras na akong naghihintay sa gate ng bahay namin.

Arghhh!!
Bahala talaga siya bukas, hinding hindi ko siya papansinin kahit magmakaawa pa siya or lumuhod bukas.

Nakaka disappointed ang ganun kaya ekis na siya sa crush list k--
I mean ekis na siya sa friends list ko, mali lang kayo ng basa.
Friends list yun Hindi crush.
Wala kayong nabasa okay!

Nagpalit ako ng pambahay at humiga sa kama
Hindi ko namalayan ay nakatulog ako.

Naalimpungatan ako sa mahinang pagtapik sa aking pisngi.

"Hmmm" ungot ko.
Ang sarap matulog ehhhh.

"Gising na baby, kakain na ng hapunan."

Napabalikwas ako ng higa sa narinig.

What the? did I heared hapunan?
Binalingan ko ng tingin si Dad na nakatingin lang sakin.
Yes, it's dad who wake me up.
Boses palang alam ko na and sa paraan ng pagtapik niya sa pisngi ko ay alam na alam ko.

"Dad anong oras na?" Tanong ko dito.
Tinignan niya ang kanyang relo at tinignan muli ako

"6:00 pm na baby"

"What the? So its mean 7 hours akong nakatulog?" Hindi ako makapaniwala.

Kanina sobrang inis ko kaw Aero sa Hindi niya pagsiput sakin.

Nagtext ba naman ng

"Hindi tayo makakalabas ngayon, may susunduin lang ako sa airport"

Yun ang text niya, bahala siya sa buhay niya basta bukas hinding hindi ko siya papansinin bukas.

Tsk, pag naaalala ko yung hindi pagsiput niya sakin parang gusto ko na siyang tuluyang itapon sa mars.
Grrr. promise yun!

*********

As I promise, hindi ko talaga pinansin si Aero kahit na lumuhod siya sa harap ko pero mali kayo, imbes na magsorry sakin at hindi ko siya papansinin ay siya pa ang hindi nampansin.

Attitude si ghorl?
Hanggang sa matapos ang klase sa umaga ay hindi man lang ako nito pinansin.

Inis na inis kong inayos ang aking gamit pabalik sa aking bag at padabog na tumayo.

Papahakbang palang ako ay may pumigil na sakin, binalingan ko ito ng masamang tingin.

"What?" Inis na tanong ko at tinaggal ang kamay na nakahawak sakin.
How dare him?

"Sabay na tayong maglunch" he said and tinalikuran na ako at nagsimula nang maglakad.

Naiinis na sumunod ako sakanya, naiinis din ako sa sarili ko dahil imbes na hindi siya sundin at hindi samahan maglunch ay eto ako humahabol sa naglalakihang hakbang niya.

Ang higante ammmpp!

Matangkad ako, yung tamang height para sa mga babae pero hanggang leeg niya lang ako.
Ang tangkad ba naman tong bakulaw na to.

"Abah! Hintayin mo naman ako, hindi ako kasing tangkad at kasing laki ng mga hakbang ng binti mo!" Inis na sigaw ko dito kaya nakaagaw nanaman kami ng atensyon, bahala sila sa buhay nila.
Sariling buhay nila ang pagkaabalahan nila wag akin or sa iba!.

Fall Again (On-hold)Where stories live. Discover now