"Sarah! Why are you alone here?" Shin asked."Kailan pa ba ako nagkaroon ng madaming kasama, Shin? Maliban sayo wala na akong gustong kasama."
She rolled her eyes to me then shrugged her shoulders and sat beside me.
I'm actually the type of person who pushes people away not because I don't want to be close to them but to save myself from thinking that maybe someday I'll become a nuisance to all of them.
Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako pero hindi ko na maalis sa sarili ko na mag-isip ng mga ganong bagay. Siguro nga dahil na rin sa mga pinagdaanan ko.
Unang araw namin bilang college student ni Shin. Siya lang ang kasama ko palagi dahil sya lang naman ang totoong bestfriend ko mula pagkabata. Nakita nya lahat ng paghihirap ko. Lahat lahat. Sa kanya lang ako nakakapagsabi ng mga problema ko. Siya lang pinagkakatiwalaan ko. Siya lang ang meron ako at sapat na 'yon.
"Tara na! Baka malate pa tayo!" sigaw ni Shin sa akin
"ano ba! Ba't ang ingay mo? Katabi mo lang naman ako ah!" sigaw ko pabalik sa kanya
"Wala lang, para marinig mo ng maigi." Natatawang sagot nya
"Baliw ka na" sabay talikod dito
"Mas baliw ka" habol habol nyang sabi sa akin
Papunta na ako sa room namin, naghiwalay na kami ng direksyon dahil hindi naman pareho ang kursong kinuha namin.
She chose BSEd while I really want to be a doctor so nag med ako, wala namang nakakagulat dun diba?
Nasa loob na ako ng classroom namin.
Iginala ko ang mata ko dito.
Maaliwalas, malaki at malinis ito.
Sinimulan kong tignan ang mga taong makakasama ko sa isang buong school year.
Hanggang kailan ko sila kailangang pakisamahan? Natatakot na akong makihalubilo sa iba.
Bigla kong naisip, ano na naman kayang alaala ang mabubuo sa loob nito?
Everything in this room makes me feel uneasy, hindi talaga ako sanay sa masyadong crowded na lugar.
Malawak naman ito pero madami pa rin kaming magkakasama at hindi ko gusto iyon. Pinilit lang naman akong mag-aral dito gusto ko talaga sa ibang bansa kaso kailangan ko daw magstay dito sa Pilipinas so wala akong choice kundi sundin sila. Yes sila, my parents.
Habang pinamamasdan ko ang silid aralan biglang pumasok ang magiging prof namin.
"Okay, everyone stand up! Let's pray!"
ano ba 'tong prof na 'to?! Elementary ba kami para sabihan pa kami ng ganito?! omighad.
Sumunod naman kami at nagdasal pagkatapos nun ay nagpakilala na sya at kung anong subject ang kanyang ituturo sa kalauna'y ipinaliwanag nya ang mga homeroom policies.
In short, Boring. Sobrang nakakabagot. Inaantok na nga ako eh.
Ngunit bumalik ako sa realidad ng bigla nyang sabihing
"get a paper, any type of paper will do then write your name, your guardian's name and cellphone number on it. make sure updated lahat ng 'yan. If ever you fail on my class, I'll immediately give them a call."