I immediately went straight to my unit after hearing that
Si Mama nakauwi na? Bakit gusto nya akong makita? May dahilan pa ba?
Pilit kong iniisip kung ano magandang maidudulot nito sa akin pero wala, imposibleng mangyari 'yon.
Nagtungo ako sa may kusina para maghanap ng makakain pero wala akong nakita
Nakakalimutan ko na rin mag grocery! Nakakainis!
Pumunta ako sa malapit na convenience store dito sa labas ng unit ko pero nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin
"Hey!"
Bigla akong napalingon, hinahanap kung sinong tumatawag sa akin pero masyadong madilim para maaninag ko kung sino kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad
"Hey, you!" patuloy nitong tawag.
"Are you calling me?" tanong ko dito kahit hindi ko talaga masyadong makita ang itsura nya
"Don't you recognize me?"
"Ha? Paano kita makikilala kita mo ngang ang dilim dilim dito! Magnanakaw ka ba? Kasi kung oo, sasabihin ko na wala akong pera ngayon. Iba na lang puntiryahin mo." Tinalikuran ko ito saka mabilis na naglakad para makarating na ako sa pupuntahan ko
Nasa may maliwanag na parte na ako ng daan ng makita ko kung sino ang tumatawag, yung kaklase ko! Yung nanghingi ng papel sa akin
ano naman kayang ginagawa nito dito? Sinusundan ba nya ako?
Nakita kong nasa likod ko pa rin sya kahit hinarap ko na din
"Ano ba?! Talaga bang susundan mo ako hanggang dito?" Sigaw ko sa kanya
"Ha?! Hindi kita sinusundan ah! May bibilhin rin ako kaya ako nandito." Nauna na itong pumasok sa loob.
Hindi ko na lang pinansin ito. Hindi ko na rin alam ang pangalan nya haha basta ang alam ko kaklase ko sya.
Bumili ako ng walong boteng alak
Nagtataka akong tignan ng cashier pero hindi ko na iyon pinansin
"Eto na po ba lahat, Ma'am?"
I nodded.
Tumambay muna ako sa harap ng tindahan na 'to at doon uminom ng alak.
Bahala na kung hindi ako makapasok bukas. Kailangan ko lang talagang ilabas lahat 'tong nararamdaman ko.
Gusto ko ng kausap pero wala akong matawagan. Gusto kong isigaw lahat pero wala akong lakas ng loob gawin 'yon kapag ako lang mag-isa. Ayoko namang istorbohin si Shin, dahil hangga't kaya kong sarilinin ang problema ko, gagawin ko.
Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni
ng biglang makita ko sa di inaasahang pagkakataon ang kotse ni Daddy sa isang building na malapit sa convenience store na pinagbilhan ko.May kausap syang babae at halatang naglalambingan ang dalawa. Mabilis akong nagtago sa isang sulok at pinagmasdan ang ginagawa nila. Kasabay ng paglagok ko ng natitirang alak ay ang pagtulo ng mga luha ko.
Naalala ko lahat lahat ng sakit ng sabihin nila sa aking maghihiwalay na sila ni Mommy. Mahal ko sila pareho pero sila rin ang nagparamdam sa akin ng matinding sakit bukod sa paghihiwalay nila.
Hanggang ngayon umaasa akong mabubuo ang pamilya namin at babalik sa normal pero mukhang imposible na lahat mangyari iyon.
Kailangan ko na lang talagang tanggapin.
Kailangan ko na lang harapin ang bawat araw na hindi bitbit ang mga alaalang 'yon.
Muli kong ibinalik ang tingin sa kanila.