Matt's POV
Naisipan kong maglakad palayo ng apartment namin nung araw na 'yon, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero nagpatuloy lang ako sa pag-iisip kung paano ko mairaraos ang gamot ni nanay.
Ni hindi ko nga maramdaman yung hapdi ng mga sugat ko dahil sa sobrang pag-iisip.
Sumabay lang ako sa direksyon kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Hindi ko alintana kung masyado na bang malayo sa uuwian ko o hindi ko na alam ang pabalik sa tinutuluyan namin
Nang naramdaman kong medyo kumikirot na ang mga sugat ko sa paa.
Inilibot ko ang mata ko sa lugar kung nasaan ako ngayon.
Mukhang pamilyar ang eskinitang ito.
Saka ko lang naalala na dito pala ang unit ni Sarah. Natawa naman ako sa isipin na yon.
Dito pa talaga ha?
Hindi ko na lang inisip na sinasadya ng panahon 'yon.
Nagtuloy lang ako sa paglalakad at hinayaang makaramdam ako ng pagod para mabawasan ng bahagya ang sakit na nararamdaman ko. Di ko na pinansin ang hapdi ng mga sugat ko kahit medyo masakit na talaga.
Hindi ko ginustong maging ganito ang sitwasyon namin, kaya nga nagpupursigi akong mag-aral para maiahon ko sila sa hirap at mapagamot na si Nanay.
Sa eswelahan naman pilit kong pinapalabas na may kaya kami dahil ayokong kaawaan nila ako.
Naalala ko nung unang araw palang ng klase at wala akong papel. Dinahilan kong nakalimutan ko lang sa bahay namin pero ang totoo, wala akong pambili.
Natatakot akong husgahan nila ako, kaya pilit kong ipinapakita na may kaya kami pero alam kong hindi sa lahat ng oras mapapanindigan ko 'yon.
Dati ay sinubukan ko ring lumapit sa mga kamag-anak ng nanay at tatay ko.
May mga kamag-anak kaming mayayaman ngunit hindi rin namin malapitan dahil ang tingin nila sa amin ay mga basura lamang, kapag lumalapit kami d'on tila umiiwas sila sa amin, parang allergic sila sa amin.
Hindi ko maintindihan ang mga ugali nila, walang kasing sama.
Ganon naman ata talaga e, kapag hindi ka asensado, hindi ka nila kamag-anak.
Parang mababaliw na ako sa kakaisip.
Wala pa rin sa sarili akong naglakad ngunit
Nakita ko ang ang isang pamilyar na bulto, na papalapit sa akin.
Alam na alam ko kung sino ito. Bigla akong napangiti ng hindi ko namamalayan, pero agad ko namang pinigilan para hindi nya mahalata.
Nang lumakad pa ako ng bahagya mas nakita ko na ang mukha nito. Ang ganda nya. Maganda parang biglang pumanatag ang loob ko. Kumalma ang isip ko kasabay ng pagbungad nya sa mga mata ko.
Nakita kong tumatakbo sya papunta sa akin kaya sinalubong ko ito ng mahigpit na yakap.
ISANG MAHIGPIT NA YAKAP NA NAGING DAHILAN PARA MAGING KALMADO ANG PUSO'T ISIP KO
Gusto kong magsumbong sa kanya, gusto kong sabihin lahat sa kanya ng nangyari sa akin ngayong araw. Gusto kong maging totoo sa kanya, hindi ko alam kung bakit pero gusto kong makilala nya ang tunay na ako.
Nakita kong nabigla ito sa ginawa ko ngunit hindi nagtagal ay yinakap nya rin ako pabalik. Ang saya ng puso ko.
Hindi ko na maintindihan lahat ng tinatanong nya sa akin dahil parang biglang nablangko ang isip ko ng makita ko sya.