Pagkadating na pagkadating pa lang namin sa tapat ng unit ko nakita ko na agad ang mapaghinalang tingin ni Shin sa akin at dito sa lalaking kasama ko.
Gusto ko syang sapakin kasi panigurado iba na naman ang tumatakbo sa isip niya. Masyado syang halata.
Pang ilang beses na ba 'to? Halos lahat ng makasama kong lalaki pinagkakamalan nyang boyfriend ko. Pero isa lang naman talaga ang kilala nyang nagustuhan ko talaga.
Bigla akong nainis sa sarili ko ng maalala ko na na naman sya. Badtrip!
Nakatulala pa rin sya kaya ako na ang nagsalita.
"Hoy! Ba't ka ba nakanganga dyan?!" Inis na tanong ko sa kanya.
Hindi nya ako sinagot ngunit binigyan nya ako ng isang mapanuksong ngiti.
Letse talaga!
Di ko na ito pinansin saka binalingan si Matteo
"Salamat ah, salamat talaga." Sinserong sabi ko
"You're welcome. Alis na din ako, oras na." Paalam nito sa akin at kay Shin. Sumakay na ito sa kanyang motor at pinaharurot ito.
Pagkaalis nito nagsimula ng mag "rap" itong kaibigan ko. Sabi ko na nga ba eh
"Jowa mo 'yon?! Hoy babae ka! Kakasimula lang ng klase may lalaki ka agad? Gwapo naman tsaka muk----"
Heto na naman po sya. Nagsisimula na naman syang gumawa ng sarili nyang kwento. Galing talaga ng imagination nito!
Di na nito natuloy ang sasabihin nya ng sumigaw ako.
"Ano ba! Tigilan mo nga ako. Hindi ganon 'yon. Nagkataon lang talaga na sya ang kasama ko ngayon. Hindi ko ginusto 'yon, nangyari lang. Kaya wag mo na akong asarin sa lalaking yun ha?! Hindi ko sya gusto at hinding-hindi ko sya magugustuhan. Neveeeer" mahabang paliwanag ko sa kanya. Paakyat na sana ako ng kwarto ko pero biglang nagsalita ito.
"Sabi mo 'yan ah? Di ka magkakagusto 'don! Isasali ko sa notes ko 'yon para di mo makalimutan. Tignan natin!" sabi nito sabay kumaripas ng takbo sa banyo.
Parang tanga! Ba't naman ako magkakagusto dun? Hindi ko naman type 'yon. Gwapo nga pero hindi ko talaga gusto.
May iba pa kasi akong gusto. Hanggang ngayon sya pa rin at hindi ko alam kung paano ko sya aalisin sa sistema ko.
Daglian kong winaksi ang naisip kong iyon.
Hindi ko na dapat sya iniisip.
Masyado na akong maraming problema para dumagdag pa sya.
Kailangang magfocus lang ako sa pag-aaral ko. Wala ng iba.
Sarili ko muna bago ang iba. Sana kahit ngayon lang magawa kong makumbinsi ang sarili ko na ako muna bago ang mga taong nakapaligid sa akin.
Habang nag-iisip ako nakaramdam na rin ako ng antok.
Sana nga panaginip na lang lahat nitong nararanasan ko kasi ang hirap at ang sakit sakit.
"Shin pakilock na lang lahat ng pinto kapag aalis ka na or kung dito ka matutulog i-lock mo din. Matutulog na ako! Ang ingay mo kasi! Nakakarindi."
KINABUKASAN (School)
Nasa labas na kami ng classroom ko, kasama ko pa rin si Shin. Inaantok ako. Ngunit bigla nawala iyon ng tawagin ako nitong bestfriend kong maingay. Nuknukan ng ingay.
"Hoy!"
Hindi ko ito pinansin.
"Hoy! Saraaaaaaah ang munting prinsesa!"