" Golden days, anong plano sa buhay?"
Tinaasan niya ng kilay ang kanyang ama, si Shaun Carlisle Saavedra. Nakapa meywang ito habang nakatunghay sa kanya na nag sunbathing sa gilid ng kanilang malaking swimming pool.
" What's with that tone daddy? And I'm Dia Golda."
Tanong niya dito, ibinababa niya ang kanyang mamahaling sunglasses.
" You're name doesn't suit you, sinasayang mo ang mga araw mo. Naka graduate ka na wala ka ba plano mag work?"
Tanong nito sa kanya.Nakasalubong ang makapal na kilay.
" Daddy, wag mo akong itutulad kay mommy. Hindi uubra sa akin iyan. Hindi mo ako pwede ipagkasundo kung kanino."
Tumayo siya mula sa kinahihigaan at isinampay sa balikat ang beach towel na hinigaan niya.
" Of course, pero me ginawa ako sa mommy mo na hindi ko pinagsisihan. I'm proud of it."
Sumilay ang mga ngiti nito sa labi. Thinking about her mother his father never changed. Physically he changed but the love is still the same.
" You're just bored, daddy. Bakit kasi hindi ka na lang sumama kay mommy at nang hindi ako ang nakikita mo?"
Sabi niya dito, hinalikan niya ito sa pisngi at patalilis na iniwan habang meron itong iniisip.
Ang kanyang ina ay katulad pa din ng dati na mahilig sa kawang gawa. Samantalang ang kanyang Kuya na si Nathan ang pumasok sa pulitika.Sa murang edad nito siya na ang Mayor ng kanilang bayan. Sigurado siya malayo ang mararating nito sa pulitika. Ang kanyang Kuya Stan Lee naman ang sinasanay ng kaniyang ama maging CEO ng nangungunang TV network sa bansa.
At siya bagong graduate lang sa kursong business management. Pero ang hilig niya magluto at mag bake, hindi niya hilig ang mag work. Ginagawa na nga siyang cook ng magagaling niyang Kuya.
" Wow! Baked sushi!"
Malaki ang ngiti ng kanyang Kuya Nathan na bagong dating.
" Kumusta ang mga ghost employee?"
Nakangisi niyang tanong dito. He is hardworking, pero merong pagkakataon na hindi nito maharap ang lahat ng obligasyon. Kailangan nito ng mapagkakatiwalan na tao na tumayo bilang siya.
" Maasahan naman."
Anito at tinanggap nito ang inabot niyang merienda.
" Meron bang nangyari at may suhol ka?"
Nakangiti nitong tanong matapos tikman ang pagkain.
" Si daddy kasi, tinawag niya akong Golden Days. Alam mo na baka kung ano ang ipapagawa sa akin."
Tumawa ito sa kanya,napaka gwapo nito. Ang swerte ng mamahalin nito.
" Isa lang ibig sabihin noon pag tinawag ka niyang Golden Days. Hindi siya natutuwa sa iyo."
Napangiwi siya kasi iyon din ang naiisip niya.
Hindi na natutuwa sa kanyang prinsesa ang hari ng tahanan na iyon." Anong gusto mong gawin ko?"
Tanong nito habang umiinom ng tubig na kanyang inabot din dito.
" Mayor ka naman, bigyan mo ako ng work. Kahit ano lang para matuwa si Daddy sa akin."
Sinamahan pa niya ng paglalambing ang sinabi.
" I see what I can do!"
Sagot nito at hinawakan siya sa ulo. Lagi nitong ginagawa iyon sa kanya. She's the only sister after all! Kaya spoiled siya sa kanyang kuya Nathan. Maliban na lang sa isa niyang kapatid na si Stan Lee.
BINABASA MO ANG
Boss Series 1: The Boss and the Bossy
RomanceAidan Mondragon Santillian - boss of chains of hotels and resorts all over the world. The young handsome and international playboy billionaire. He may be the boss but Dia Golda is bossy his new appoint secretary! Started: 23/10/2020 (First Local Le...