" Tigilan mo na ang katatawa baka kabagan ka."
Saway niya kay Ava. Dahil weekend at ang kanyang boss na kapatid nito ay nasa Thailand kasama pang binitbit ang Kuya Stan niya si Sebastian at si Logan Cervantes, pati ang abala na doctor na si Kai.
" Sira ulo talaga ang Kuya mo."
Sabi niya, pagpasok niya kinabukasan nasa labas ng opisina nito ang table niya. Baka tuluyan daw mawala ang appetite nito sa babae.
" Hindi pa din nun malimutan na sinapak mo siya."
Natatawa nitong sabi.
" Hindi ba natatakot ang Kuya mo magka AIDS? Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya, Aidan. Aha! Hindi na tipaklong ang itatawag ko sa kanya. Aids na, it suits him."
Pinagkiskis pa niya ang mga palad sa naisip.
" Kumikita ang company ng condom sa kanya."
Singit ni Iris ang pinsan ni Ava.
" Walang pagkalugi lalo na nagsama sama silang mga magkakaibigan."
Komento niya. Hindi mo naman masisi ang mga babae, dahil sila lang ang iilan na pinagpala ng magandang mukha, pangangatawan at karangyaan sa buhay. Hottest bachelor and every girl's dream iyon ang bansag sa mga ito pag na fe featured sa mga magazine.
" Czesta, bakit wala kang kibo diyan?"
Untag ni Ava sa dalaga na natitig lang sa inumin.
" Mommy will send me to Boston. Doon na ako magtatapos ng pag aaral."
Sabi nito, na halata ang lungkot.
" Bakit kasi naka ilan ka nang kurso? Pangatlo mo na ba?"
Tanong naman ni Iris dito. Tumango ito.
" I can't still figure out what I really want."
" Anong nakapagtataka? Kahit sa lalaki hindi ka makapili."
Natatawa na sabi ni Ava,bilang beauty queen ang dami nitong manliligaw.
" Si Kuya Sebastian kasi lagi na lang me pasabog sa mga manliligaw ko."
Sumimagot ang maganda nitong mukha sa pag banggit sa pinsan.
" Bantay sarado ba?"
Nakangisi na sabi ni Iris.
Hindi nagtagal dumating din sa high-end bar si Scarlet at Lavin.Lahat sila tumirik ang mga mata dahil sa mga nakasunud ditong mga bodyguards.
" Pero ano ang gugustuhin mo, si Sebastian ang magbantay sa iyo or tulad ng dalawang iyan?"
Tanong niya kay Czesta. Ngumiwi ito at umiling.
"Hello, girls."
Bati ng dalawa at agad uminom ng tequila pag upo sa kanilang table.
" I'm sorry girls, I can't go out without them."
Hingi ng paumanhin ni Scarlet.
" We understand."
Aniya na lang dito. Masyado protective ang magulang nito, ito at si Lavin ay muntik na ma kidnap kaya hindi ito lumalabas ng walang bodyguard.
BINABASA MO ANG
Boss Series 1: The Boss and the Bossy
RomanceAidan Mondragon Santillian - boss of chains of hotels and resorts all over the world. The young handsome and international playboy billionaire. He may be the boss but Dia Golda is bossy his new appoint secretary! Started: 23/10/2020 (First Local Le...