Chapter 3

5.4K 115 9
                                    

Nasa kanyang desk na si Aidan ng pumasok siya ng silid nito. Ang kunot noo at smirk na nakahanda ay biglang nawala ng kasunod niyang sumunod ang ama nito.

" Good morning, Pa."

Bati nito sa ama, hindi nakaligtas sa kanya ang paghagod nito ng tingin sa kanya.Na nginisian niya.

" Aidan, this is Dia your new secretary. Be nice to her."

Pagpapakilala sa kanya ng ama nito.

" Thank you, tito Adam."

Inilahad niya ang kamay dito na hindi nag abalang tumayo sa desk niya.

" Hello Aidan, long time no see."

Sinamahan niya ng natural na ngiti ang pag bati dito. Inabot naman nito ang palad niya.

" Yeah, long time no see."

Pilit ang ngiti na binitiwan nito.

" So, paano Dia. Maiwan na kita dito. Me pag uusapan lang kami ng daddy mo."

Tinanguan niya at nginitian niya ang ama nito.

" Thank you po, tito."

Pagsara ng pinto, lumabas ang kanina pa pinipigil ni Aidan na pang uuyam sa kanya.

" What's with that fashion?"

Tanong nito at niyuko niya ang sarili. She dressed like an old maid. Mahabang skirts na maong at mahaba din ang manggas ng blusa niyang puti. Kahit ang kanyang buhok ay naka pusod, at suot ang salamin sa mata.

"Anong mali sa suot ko? Me dressed code ba dito?"

Maang niyang tanong dito. Alam niya na ang gusto nitong secretary sexy manamit.

" Na possess ka ba ni, Miss Minchin?"

Balik tanong nito na iiling iling sa kanya.

" Gintong araw, wag kang mag alala. Hindi kita papatulan kahit maghubad ka sa harap ko."

Panunuya nito sa kanya at talaga naman na nagpakulo sa kanyang dugo.

" Hindi ka pa din pala nagbabagong Tipaklong ka!"

Ganti niya dito.Tinawanan lang siya nito.

" Doon ang mesa mo."

Itinuro nito ang table na nanduon at padabog na tinungo iyon. Iiling pa din si Aidan habang hinahabol siya ng tingin.

Narinig niya na me tinawagan ito, at hindi nagtagal pumasok ang isang babae na maganda at sexy ang suot.

"Kyla, please orient her sa mga dapat niyang gawin. Just the basic only, I'm sure hindi siya magtatagal."

Malambing na sabi nito sa bagong pasok, at ginantihan naman nito ng matamis na ngiti.

Nakita na lang niya ang sarili na nakikinig at kinakabisado ang mga sinasabi nito. Bandang lunchtime, umalis ng table niya si, Aidan, at walang pasabi kung saan pupunta.

Siya naman ay nagtungo sa cafeteria at duon nanghalian. Pagbalik niya wala pa din ang lalaki sa mesa nito.

Pinagkasya niya ang sarili sa pag aayos ng mga folder. Noon naman bumukas ang pinto at pumasok si Aidan na may mga kasama.

" Well, siya ba ang bago mong secretary?"

Nilingon niya ang mga bagong dating.

" Kumusta na Dia?"

Tanong ni Stan na me sinusupil na ngiti sa labi.

" Dia?!"

Gulat naman na sabi ni Sebastian sa kanya. Inalis niya ang kanyang salamin at nginitian ito ng matamis. Inirapan naman niya ang kanyang kapatid.

" We just had lunch, ikaw tapos ka na ba?"

Tanong ni Sebastian sa kanya na nakangiti na ngayon sa kanya.

" Masyado bang possessive ang boyfriend mo at ganyan ka na manamit. You we're not like that last anniversary celebration ng parents mo."

Tumango na lang siya sa sinabi nito. Lalo naman siya tinawanan ni Stan.

" Days, ipagtimpla mo nga kami ng kape."

Utos pa ng kanyang Kuya sa kanya na alam niyang inaasara siya.

" Aidan, ipagtimpla mo ng kape bisita mo."

Utos niya kay Aidan na naka upo sa gilid ng desk nito.

" What?"

Maang nitong tanong na tinawanan naman ni, Sebastian. Ito ang kusang lumapit sa coffee maker at gumawa ng kape para kanila.

" Tsk, alam mo na kung bakit hindi siya pwede sa akin mag trabaho? Isang araw pa lang sisante na sa akin iyan."

Iiling iling na sabi ni Stan habang inaabot ang kape na gawa ni Sebastian.

" As if naman Kuya na mag work ako sa iyo. Kay Sebastian pwede pa."

Sabi niya dito.

" Nasabi na nga ng Kuya mo ng sabihin mong sa akin ka mag work ayaw mo. You prefer to work for Sebastian. I wonder why."

" Ay, nagtaka pa siya. Sa dami mong naging secretary sino gusto mag work sa iyo?"

" For your information, sila ang umaalis. They want me but they can't have me. That's the reason."

" Feeling talaga siya na pinakagwapo sa mundo."

Sinimangutan niya ito.

" Diyan nag sisimula iyan. Baka ending kayong dalawa ang magkatuluyan."

" No!"

Eksaherado niyang sagot.

" Imposible!"

Sagot din naman ni Aidan. Nag martsa na lang siya sa labas ng opisina nito at nagpunta ng banyo.

Pagbalik niya mag isa na lang itong nakatunghay sa laptop nito.Alam niya meron ding kanya kanyang kompanya na pinapatakbo ang dalawang lalaki kaya hindi ito magtatagal.

" Yes, I will spend my weekend with you."

" I miss you baby, can't wait to see you."

Tinig ng babae na sa accent pa lang alam niya na banyaga.

" Me too, sweetheart."

"I love you, baby."

Sabi ng babae na tawa lang ang sagot ni Aidan.

" Bye, honey. See you."

Pagkatapos noon isinara na nito ang laptop.
Hindi niya ito pinansin at umupo siya sa kanyang desk.

" Did you know what I'm doing during my siesta time?"

" I don't wanna know."

Sagot niya dito. Tumayo ito mula sa kanyang swivel chair at lumapit sa table niya.Itinukod ang dalawang palad sa mesa at yumukod sa kanya.

" I used to have sex with my secretary, or make out with them as my siesta."

Madiin niyang tinikom ang bibig, pero hindi niya iniiwas ang tingin dito.

" Open the last drawer."

Utos nito sa kanya. Dahil ayaw niyang inuutusan siya lalo na mula sa lalaki na ito tumayo siya.

" Ikaw ang nakaisip di gawin mo."

Sagot niya dito, napipikon naman na binuksan nito ang last drawer at ipinakita sa kanya ang kinuha.

" While you are the one using that table, hindi ko na magagamit ito."

Isang box iyon ng condom. Ngayon niya napatunayan na manyakis talaga ito.

" Hindi man lang ako tinitigasan sa presensiya mo."

Sabi nito sa kanya at binuntutan ng tawa.

" Tse, feeling mo? Hinding hindi ako bubukaka sa tipaklong na tulad mo."

Sigaw niya dito at iniwan ito sa opisina nito na tumatawa.

Boss Series 1: The Boss and the BossyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon