Chapter 5

5.7K 117 2
                                    

" Dia, walang balak umuwi?"

Sabi ni Stan sa kanya. Umiling lang siya dito.

" The night is young, Kuya. And Harold will come. I will wait for him."

Sagot niya dito. Sa pagitan ng pag simsim ng alak, sinusulyapan niya ang boss niya na hindi maiipinta kahit ni Picasso ang mukha.

Ano kaya ang ginawa ni Ava? Sinabotahe marahil nito ang lakad ng kapatid.

" Aidan, baby. Happy to see you here."

Isang balingkinitan na babae ang lumapit, para itong mannequin na nabuhay. Halata ang pag enhance nito ng hitsura, o dahil sa kapal ng make up.

Nakita niya ang pagbabago ng mukha nito. Malambing itong ngumiti sa babaeng nakatayo. Hinila ng bahagya ang mga kamay at lumanding sa kandungan ng binata.

" C'mon, Dia. Let's dance."

Hinila siya patayo ni Iris, at nagpahila naman siya. Nahuli pa niya ng tingin ang paghahalikan ng dalawa. Hindi talaga nauubusan ng babae.

Nagsayaw sila sa maharot na tugtog, they're dancing like there's no tomorrow and they enjoyed it.

Bumalik siya sa kanilang table, at wala na si Aidan.

" Where's Aidan?"

Tanong ni Ava kay Kai na tahimik na umiinom, katabi si Sebastian na nakapanood lang sa nag sasayaw sa dance floor.

" You know him, Ava. Wag mo na hanapin."

Balewalang sagot ni Sebastian.

" Ganun talaga siya?"

Tanong niya kay Ava, muling sumisim ng alak.

" Yup. Sana makatagpo na siya ng katapat niya."

Anito na katulad niya uminom din ng alak.

" Tsk. Pambihira ang kapatid mo Ava, kahit poste yata papatusin."

Sabi niya dito na sinang ayunan naman nito.

" Sinabi mo pa. Asan na boyfriend mo? Darating pa ba? I'm excited to see him."

Pag iiba nito ng usapan.

" Just a friend Ava. Wala pa akong boyfriend."

Pagtatama niya dito, noon naman lumapit si Harold sa kanila.

" Hello, Dia."

Bati nito at humalik sa kanyang pisngi.

" I'm sorry, late na natapos ang meeting."

Paumanhin nito sa kanya. Nakilala niya ito sa UK noong nag aaral pa siya. Mabait ito at gentleman kaya nakapalagayan niya ng loob at naging kaibigan.

" No problem. Come ipapakilala kita kay Kuya."

Hinawakan niya sa braso ang binata at dinala kay Stan na tahimik na umiinom.

" Kuya Stan, this is Harold, my friend."

Pakilala niya sa dalawa, magalang naman inilahad ni Harold ang kanyang mga palad. Ang kanyang Kuya at tinatamad na inabot iyon.

" Stan, pare."

Sabi nito, at agad ding binawi ang mga palad.

" Harold."

" Manliligaw ka ba?"

Tanong ni Stan, na alanganin naman na ngiti ang sagot ni Harold.

"Kuya, we're just friends."

Siya ang sumagot at hinila si Harold sa dance floor. Nagsayaw sila at tumigil lang ng makaramdam ng pagod.

Bumalik sila sa upuan nila at agad na inabot ang shot na inabot ni Lavin.

Bumaling siya sa pwesto na upuan ng kanyang Kuya at katabi na nito si Aidan. Nakatingin ito sa kanya at tumaas ng sulok ng labi ng magtama ang tingin nila.

"Nakaraos na siguro ang mokong!"

Inirapan lang niya ito. Nakadama siya ng hilo marahil dahil na rin sa ginawang pag sasayaw at mixed na inumin.

" I will go to the loo."

Paalam niya kay Harold na nasa tabi niya. Tumango naman ito.

Naghilamos siya ng pumunta sa banyo, Umaasa na mabawasan ang pagkahilo. Nag retouch din siya.

"Naks Dia, hindi ko alam me mahuhulog pala sa charm mo na iyan?"

Nakangisi na mukha ni Aidan ang nasalubong niya sa pasilyo. Marahil patungo din ito sa restroom.

" Tse, hindi kita boss pag nasa labas tayo. Kaya kung ayaw mo masapak, tigilan mo ako."

Panunuplada nito dito. Akma niya itong lalampasan pero, napigilan ang braso niya.

" Wag mo akong hawakan ng madumi mong mga kamay. You just touched it to some dirty whore!"

Angil niya dito, at ipiniksi ang mga braso.

" Dia, Dia.. you have no idea how I can make a woman scream with my hands. At tinatanggihan mo ang hawak ko?"

Pumapalatak nitong sabi, pero tinaasan lang niya ng kilay.

" I'm not that kind of woman Aidan. And will never want your filthy hands to touch my skin."

Tinalikuran na siya nito. Nagtatangis ang kanyang bagang habang sinusundan ito ng tingin. Ang mata ay natuon sa maganda nitong pang upo.

" Damn you girl! If I have given a chance I will make you eat every word you said."

Nagpupuyos ang loob na pumasok siya sa men's room.

Bumalik siya loob at nagkasya na lang sa pag inom ng alak. Habang panaka nakang napapasulyap kay Dia na magiliw na nakikipag usap sa lalaki na kasama nito. Handsome yes, but definitely lamang siya ng sampung paligo.

She never smiled at her like that. Aaminin niya na crush niya ito noon, pero dahil hindi siya naka first base man lang. Muntik pang mawala ang tiwala niya sa angking kagwapuhan, kinalimutan niya ito. At ibinaling ang atensyon sa mga babae na nagpapakita ng motibo sa kanya.

Didn't know, after a couple of years na magdalaga ito ay lalo itong gaganda.At tina traydor siya ng kanyang mata, utak at puso.

" Stan Lee, wala kang balak iuwi ang kapatid mo? Baka maiuwi iyan nong boyfriend niya."

Untag niya kay Stan Lee, na beast mode lagi.

" Malaki na iyan si, Dia. She can take care of herself."

Sagot nito, gusto sana niyang sabihin na siya na mag uuwi pero imposible. Kailangan muna niya patulugin marahil ang dalaga para sumama sa kanya.

" Why she's so much against me?"

Wala sa loob na tanong niya kay Stan na kinunutan siya ng noo.

" Are you hitting on her?"

Mariin naman siyang tumanggi.

"Hell no! She makes me feel like I'm pangit, pandak, mataba,walang Abs puro pimples. At mabaho.You know?"

Pilit ipinahihiwatig niya na hindi niya gusto ang pakikitungo ng dalaga sa kanya.

" Maybe because she doesn't like man whore!"

Singit ni Kai na nakikinig pala sa kanila.

" Tsk, forget it. I don't give a damn anyway."

Pagputol niya sa usapan at baka sumali pa si Logan at Sebastian sa usapan.

Hindi niya napansin ang makahulugan na tinginan ng mga kaharap. Nagkasya na lang siya sa panonood sa mga ito na sumasayaw sa pagitan ng pag iinom ng mga alak.

Boss Series 1: The Boss and the BossyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon