Chapter 2

6.2K 146 11
                                    

" Aidan, meron kang bagong secretary. I want you to be nice to her. Hindi mo pwede gawin sa kanya ang mga ginagawa mo sa dati mong secretary."

Nag angat siya ng mukha mula sa pagkain. At napatingin siya sa kanyang ama na si Adam Santillian.

" Pa, I am always nice to my secretary."

Nakangiti niyang baling dito. Nanalaytay sa ugat niya ang magandang lahi na namana sa kanyang ina at ama. Dagdag pa na pareho silang bilyonaryo. He is the ultimate dream boy ng mga kababaihan.

" Kaya pala walang secretary ang lumalampas sa probationary period."

Singit ni Ava ang kanyang kambal, na sa ngisi pa lang alam nito ang kalokohan niya.

" If you're new secretary will not last until probationary period. Si Mitzi na lang ang I appoint ko sa iyo."

Sabi ng ama na halos lumuwa ang kanyang mata.

" What? No way!"

Reklamo niya. Sanay na siya sa mga secretary niya na sexy at magaganda. Hindi pwede ang kasalukuyan na secretary ng ama na matandang dalaga.

" Aidan, buhat ng umupo ka as president of Santillian Empire which is one year ago almost twenty secretaries na ang dumaan sa opisina mo. It's either nagpapakita ng motibo sa iyo na pinapatos mo naman at nagbibitaw na lang dahil sa takot maging flavor of the month mo."

Mahabang sabi ng ama na hindi niya alam kung ilang beses na nitong nasabi iyon sa kanya.

" It's not my fault, daddy. Having Mondragon and Santillian in my name makes me this popular."

Pagtatanggol niya sa sarili.

" Aidan, hindi babaero ang papa mo."

Singit ng kanyang ina.

" I mean, Mommy. Hindi ko kasalanan na pareho kayong gwapo at maganda. Kaya ang kinalabasan ko super gwapo. Ewan ko lang anong nangyari kay Ava kung saan nagmana."

Pag iiba ko sa usapan na alam niya walang katapusan. Titigil lang siguro ang magulang niya kung matatali siya sa kasal na wala pa siyang balak gawin.

" Conceited! We're twins you jerk!"

Agad na angil ng kanyang kapatid.

" Nasa harap tayo ng pagkain."

Sansala ng kanyang ama, sa bangayan na gusto niyang simulan para maiwas ang usapan sa kanya.

" Take good care of your Tito Shaun's daughter, she will be your secretary."

Halos malaglag ang kanyang panga sa sinabi ng ama.

" What?! Daddy naman!"

Na ibagsak pa niya ang kubyertos sa narinig.

" Wag kang gagawa ng bagay na ikakasira ko kay, Shaun. Matagal na kaming magka ibigan wala kaming naging away. At ayaw kung ikaw ang sisira sa pag kakaibigan namin."

Parang nawalan ng lasa ang pagkain sa hapag.

" Sinapak niya ako papa, hindi ko siya malilimutan."

Naalala pa niya ang ginawa nito sa kanya noon mga high school days niya.

" Poging pogi ka kasi sa sarili mo, kaya napikon siya."

Sabi ni Ava na natatawa din ito sa ngyari noon.
Kinindatan lang naman niya noon ito pero sapak ang ganti sa kanya. Muntik na mawala ang kumpyansa niya sa mga babae dahil doon.

" Kaya nga, tinanggap ko na din suggestion ng tito Shaun mo kasi siya lang ang babae na kilala ko na hindi na ga gwapuhan sa iyo."

Sabi ng ama na may sinusupil na ngiti sa labi. Marahil naaaliw ito sa isipin na may isang babae sa panig na ito ng mundo na hindi puso ang lumalabas sa mata pag nakatingin sa kanya, kundi yelo. Dia is cold to her, iyon ang natatandaan niya sa dalaga.

" She did not see me for a long time. Pag sisihan niya ginawa niya sa akin."

After that incident, he refused to attend parties na makikita ang babae. At ang huling balita niya mula kay Stan na siyang nakakasama niya lagi ay sa UK ito nag aral ng college.

" I will bet my Aston Martin, sa halip na halik. Sapak ulit ang matatanggap mo sa kanya."

Kumpyansang sabi ni Ava.

" Tigilan ninyo iyan, hindi iyan maganda."

Sansala ng kanilang ina. Pero sa tinginan namin ni Ava alam na namin ang kahulugan noon.

" Aidan, I'm warning you. Don't you dare touch Shaun's daughter?"

Babala ng kanyang ama.

" Ibang usapan na papa, if she is the one who wants to touch me."

Nakangisi niyang sabi, tanda na payag siya sa pustahan nila ng kapatid. Alam niya ang gusto nito, ang kanyang private island.

" If you lay your finger to her, you have to marry her. At hindi ako nag bibiro."

Madiin na banta ng kanyang ama. Maang siyang napatingin sa kanyang mga magulang pero hindi niya kakakitaan na nag bibiro ito.

" Burn!"

Natatawa na sabi ni Ava. Laglag balikat na umakyat siya sa kanyang silid. Matatapos na ang kanyang maliligayang sandali.

Pero meron naman itong sariling kompanya, kaya sigurado siyang hindi ito magtatagal na mag trabaho sa kanya bilang secretary niya.

Naiiling na lang siya pag naalala ang araw na iyon. Siya pa lang ang babae na dumapo ang palad sa kanyang mukha sa ibang kadahilanan.

Ang pagkakatanda niya maganda ito at matangkad, papasa itong modelo o beauty queen. Pero meron itong kagaspangan ng ugali. Patunay na nanapak ito ng gwapong lalaki.

" Yow!"

Bungad ni Ava pagpasok ng kwarto niya. Malaki ang ngisi nito.

" Anong kailangan mo?"

Aniya na nakatuon ang kanyang tingin sa tv monitor. Tumabi ito sa kanya.

" Nagbago na ang isip ko. Sa hitsura mo pa lang ngayon alam ko na talo ka kung makipag pustahan ako sa iyo."

Sabi nito, pero alam niya na reverse psychology lang nito iyon.

"Ava, hindi pa ipinapanganak ang babae na aayaw sa akin."

" Ipinanganak na, si Dia Golda."

Napasimangot siya sa pag banggit nito ng pangalan ng dalaga.

" Ang gintong araw na iyan, sa akin din babagsak kung gugustuhin ko."

Tumawa ito sa kanya. Kahit noon pa kung hindi Golden days ay Gintong Araw ang tawag niya dito.

" Sus, pupusta talaga ako. Siya ang babae na hindi luluhod sa iyo, kapatid."

Muling pambubuska nito sa kanya.

" Tipaklong ang tawag niya sa iyo!"

Natatawa nitong sabi at pinakita ang conversation nito sa social media.

" Kumusta ang tipaklong mong kakambal? Matino na ba? I have to work for him. I have no choice, it's my chance to become a chef."

" Hah! Tipaklong pala."

Tuwang tuwa naman si Ava sa reaksiyon niya.

" At ni re playan mo talaga na tipaklong pa din?!"

Mabilis naman nitong naagaw ang pinaka latest na I phone bago niya maihagis sa sahig.

" Mas  worst ka pa nga ngayon, pa salamat ka di ko sinabi."

Sabi nito na masaya sa pagkawala niya sa mood. He is so annoyed thinking about Dia Golda as his secretary.

" Anong tingin sa akin ng babae na iyan?"

" Tipaklong nga!"

Nakatawa nitong sabi at nagmamadali ng lumabas ng kanyang silid. Naramdaman siguro ang kanyang matinding inis.

Humanda sa kanya ang Dia Golda na ito!

Boss Series 1: The Boss and the BossyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon