Nagising si Lineth sa vibrate ng kanyang telepono, isang mensahe mula sa kanyang kaibigan na si Mara, ang Yaya ng isa sa mga apo ng amo niya.
Nakilala niya ito nang minsang bumisita sa pinapasukan niyang bahay bilang tagaluto ang mga amo nito kasama siya."Hi" lamang ang laman ng mensahe nito. Napatingin siya sa oras ng kanyang telepono. "1:00 am na pala, bakit kaya nagtext siya?"
Pagtataka nito dahil hindi naman ito madalas na nagtetext sa kanya at minsan lang din sila magkita dahil hindi sila sa parehong bahay nagtatrabaho. Muling nag vibrate ang telepono "pwede ba akong magtext lagi?"Nagtataka man ay nireplyan niya ito "Hello, oo naman bakit gising ka pa?"
Ilang minuto rin silang nag usap hanggang sa nakatulog na si Lineth.Apat na araw ang lumipas at palaging pag sapit ng ala una ng madaling araw ay nagtetext ang kaibigan niyang si Mara.
Kinabukasan tinanong siya ng kanyang asawa na kasama niya ring nagtatrabaho sa pinapasukang bahay. "Alam mo na ba ang nangyari kay Mara?" Umiling naman siya at wari'y nagtatanong ang kanyang mukha.
"Patay na si Mara mag iisang linggo na, nagbigti raw, ang sabi dahil iniwan daw ng boypren".
BINABASA MO ANG
Mga Dagli ni Elle
RandomDagli: Isang espesyal na uri ng pampanitikang Filipino. Ito ay kilala rin sa tawag na isang maikling maikling uri ng kwento na maaaring hango sa pang araw-araw na buhay. DISCLAIMER: Ang mga isinulat dito ay pawang kathang isip lamang. Ang pagkakatul...