"Liza, I'm back in the Philippines. I miss you"
It was sent today. Pakiramdam ko namamanhid ako habang nakatitig sa message nya.
Nakabalik na sya. Posible kaya na siya iyong nakita ko sa National Bookstore kanina?
Dapat ba nilapitan ko iyong lalaki para kumpirmahin kung siya nga iyon kahit pa ang dami nyang kasama.Apat na taon ko na siyang kilala. At nakakatawa dahil sa apat na taong iyon, apat na beses pa lang din kaming dalawa nagkikita ng personal.
Isang beses kada taon. Magdamag kami halos magkasama.Napahiga ako sa kama habang hawak-hawak ang cellphone. Paulit ulit kong binabasa ang mensahe niya.
Masaya ako dahil nagparamdam na naman siya ulit ngunit di ko din maitatanggi na nagtatampo talaga ako sa kanya kahit na dapat nasasanay na ako.Binalikan kong alalahanin kung paano nga ba dumating si John Kristoffer sa buhay ko.
***
June 27,2016.Kasama ko ang pinsan kong si Jillian na dumayo sa bahay ng kaibigan naming si Angelika dahil plano namin na makitulog at surpresahin sya.
Magbibirthday kasi sya sa isang araw. Ang kaso hindi namin siya makakasama dahil uuwi silang mag anak sa Baguio para doon i-celebrate ang Birthday nya sa bahay ng lola niya doon kaya naman sinamantala naming dumalaw ngayon.
Naabutan namin siyang tuwang-tuwa sa kausap niya sa kanyang cellphone.
Nanlaki ang mga mata niya sapagkat hind niya alam na dadayo kami ni Jillian dito ngayong gabi. Hindi namin siya sinabihan kahit pa maghapon naman kaming magkakasama sa school. Magpupuyat kami ngayon kahit pa lunes na lunes dahil aabsent kami bukas ni Jillian. Iyon ang usapan."Surprise!"
Malakas na sigaw namin ni Jillian."Ay puhtik !?" nanlaki ang mga mata ni Angel habang gulat na gulat na nakatingin sa amin.
Ginulo-gulo namin sya at basta-basta nalang sumilip sa screen si Jillian."Uy! Foreignoy! Hellooo!" walang hiya hiyang sumingit si Jillian sa usapan. Hindi naman siya madalas ganito kagulo.
Sa aming tatlo nga ay siya pa ang pinaka mahinhin at tahimik. Siya ang bersyon ng dalagang Pilipina noon. Mahinhin at madalas kalmado kumilos. Samantalang si Angelika naman ang kasalungat niya. Bersyon ng dalagang Pilipina ngayon."Wag kang magulo, Jillian" saway ni Angel.
"Your friends?" tanong ng Foreigner na kausap niya.
"Ah, yes yes! Sorry Andrew. We'll talk again later, okay? My annoying friends are here!"
Kumaway pa si Angel sa screen kaya pati kami ni Jillian ay sumilip na rin sa screen niya at naki kaway na rin."Annoying, huh? Annoying?" gigil na tanong ko nang maputol ang tawag.
"Mga baliw! Anong ginagawa nyo ba dito sa lungga ko ha? Who gave you the right to just enter-enter?"
Natawa kami ni Jillian dahil sa pinagsasabi nya."Baliw ka din! Ikaw ah foreigner na hanap mo ngayon" tukso ni Jillian.
"Gustong maka angat sa laylayan ng lipunan!"
Natawa ako sa biro ng pinsan."Gurang, nandito po kami para i-celebrate natin ang birthday mo!" tukso ko naman sa kanya.
"Kaso mukhang busy ka""Maka gurang? Eh next-next month, ikaw naman ang magbi-birthday. Mas matanda pa nga satin 'to si Jillian eh. Para dalawang buwan lang ang tanda ko sa'yo." naka ngiwing sabi niya.
Panay ang asaran naming tatlo habang kinakain ang pizza, cake at kung anu anong chichirya na dala namin ni Jillian.
Kwentuhang walang sawa kahit na 'yong iba naming topic ay pabalik balik nalang. Parang bago lang nang bago sa pandinig namin."Sakit sa tiyan pag nasosobrahan sa busog. Parang mapupunit na ang tiyan ko" natatawang reklamo ni Angel.
Bumangon siya sa pagkakahiga at inabot ang cellphone niyang nasa may drawer katabi lang ng kama niya.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
RomanceShe loved him too early. He loved her too, but it was too late. She fell first and he fell the hardest. Fate took its toll and he wasn't there for her. Still, she waited. He played it safe until she cannot take it no more. A not-so-lovestory.