"What time are we gonna meet today? You know, I really look forward to this day"
Nasa sala siya ng hotel room nila nang tumawag sya sa akin. Nasa school naman ako. Abala sa pagku-kopya ng mga notes na tinopic namin kahapon. Isinandal ko ang aking cellphone sa tumbler ko para mas maayos ko siyang makita habang patuloy pa rin sa pagsusulat.
Absent ako kahapon dahil masama ang pakiramdam ko. Malamang dahil ito sa pabago-bagong panahon. Samahan pa ng palaging pagpupuyat.
Madalas kasing umulan ngayon tapos biglang iinit.
Casper is looking so good as ever. Kahit parang bagong gising.Wala sina Jillian at Angelika para bumili ng pagkain namin sa canteen. Hindi na ako sumama pa dahil nagmamadali ako sa pagsusulat. Mamayang gabi kasi ay hindi ko ito magagawa.
Napag-usapan namin kagabi ni Casper na mamaya magkikita kami sa SM Aura, hindi kalayuan sa Market Market. Manonood lang ng sine at magdidinner. Sinabi kong hindi ako pwedeng umuwi ng late dahil may pasok pa kami bukas.Sinabi niya namang ayos lang at kailangan niya ring umuwi ng maaga dahil ayaw rin ng Lola nya na magpagabi siya ng sobra.
Sigurado na ako ngayon na sisipot ako sa usapan naming dalawa. Bahala na kung anong magiging kalalabasan ng mangyayari mamaya.Noong isang araw, imbes dumeretso ng uwi after ng lakad naming tatlo sa Market Market, bumili ako ng isusuot ko para sa araw na ito. Masshort ako sa budget pero naisipan ko pa rin bumili ng bagong damit at sandals. Para naman maging maayos ayos ang itsura ko. Dumaan din ako sa Watson para bumili ng paborito kong Lipice. Naubos na kasi ang ginagamit ko.
Kahit hindi maganda ang panlasa ko ngayon dahil naulanan ako noong pauwi na, desidido na talaga akong ituloy ang lakad namin. Bahala nang lagnatin.
Ang dalawa kong kaibigan ay wala pang kaalam-alam sa plano ko.
Sasabihin ko nalang sa kanila pagkatapos na naming magkita ni Casper.Pang ilang subok na namin 'to na magkita. After nang nangyari noong nakaraan sa Market Market, sinubokan uli namin. Kaya lang, bago pa kami magkita ng tuluyan, bigla siyang hindi na nakapag reply sa akin.
Wala akong pang tawag ng araw na iyon kaya umasa nalang akong siya ang ku-contact sa akin pero dahil wala namang tawag na dumadating...Ulan pa ng ulan kaya naman nang lumipas ang isang oras na wala pa rin siyang paramdam, napag desisyonan kong tumambay na lang sa isang coffee shop habang nagpapatila ng ulan. Buti nalang may mga libro akong dala. Makakapag rereview review ako dahil may mga reporting kami sa susunod na araw.
Nagkausap kami ng gabing 'yon. Panay ang hingi niya ng pasensya.
Naubusan daw kasi ng battery ang cellphone nya.
Maghapon daw siyang nasa labas kasama ang matatanda. Namasyal daw sila dahil nag datingan noong nakaraang araw ang mga pinsan niya galing din sa Romblon. Hindi na siya nakapag charge pa ng matagal at umuwi lang siya saglit sa hotel para maligo at magbihis.
Sinabi niyang dahil hindi niya na ako matatawagan, umasa nalang siya na mamumukhaan ko siya. Nasa tapat siya ng National Bookstore naghintay dahil inaasahan daw niyang pupunta ako doon. Alam niya na kasing mahilig ako sa mga libro. Isa pa, kinukulit din siya ng pinsan niya at nagpumilit sumama sa Market Market. Buti nga daw at natakasan niya. Iniwan niya daw sa isang coffee shop, sa Market Market lang din. Nang araw na iyon, nasa isip kong sa NBS magpalipas ng oras habang malakas pa ang ulan kaya lang ay natatakot akong matukso na naman kaya hindi na ako pumasok ng Mall. Baka kasi may mabili na naman akong libro at masira na naman ang budget ko.Ipinagpasalamat ko nalang rin na hindi kami uli natuloy noong araw na iyon dahil baka umatras lang ako kapag nakita ko na may iba siyang kasama.
Hindi naman sumama ang loob ko na naghintay ako ng halos isang oras sa kanya sa may tapat ng Ferris wheel bago ako lumipat sa isang coffee shop sa labas lang din ng Mall. Ako naman ang naunang mang indian kaya ayos lang na ako naman ang hindi sinipot. Hindi niya naman sinasadya eh. Gumaan pa nga ang pakiramdam ko dahil tingin ko'y patas na kami. Isa pa, kahit masama ang pakiramdam ko noon, hindi din naman nasayang ang pinunta ko dahil nakapag aral naman ako sa coffee shop.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
RomanceShe loved him too early. He loved her too, but it was too late. She fell first and he fell the hardest. Fate took its toll and he wasn't there for her. Still, she waited. He played it safe until she cannot take it no more. A not-so-lovestory.