Our conversation lasted for about three hours.
Kung hindi lang nag-aya si Jillian na manood na kami ng movie ay hindi pa kami mahihinto. Puyat na puyat kami kaya kinaumagahan, tinanghali kami ng gising. Panay na ang bomba sa akin ng tawag ni Mama.
Ang resulta? Nalowbat na ako bago pa kami makaalis sa bahay nina Anika.
Pinapasunod nya ako sa ospital dahil nanganak ang ninang ko na kapitbahay namin. Nagmadali na kami ni Jillian na mag ayos para lang makauwi samantalang aalis din naman ngayong araw papuntang Baguio ang pamilya ni Anika.Habang nasa ospital, hindi mawala-wala sa isip ko si Casper. Masaya siyang kausap. Maraming kwento at napakadaldal.
Pakiramdam ko tuloy, marami kaming mapapagkasunduang gawin.
Gusto ko mang i-open ang Holla, hindi ko magawa. Paano ba naman kasi si Mama, maya't-maya ang hanap sa akin.
Gustong-gusto ko na ngang umuwi para makapag charge. Naiwan ko kasi ang charger ko sa bahay kaya kahit gusto ko mang mag charge kina Anika kagabi, hindi ko nagawa. Hindi naman ako makahiram ng charger niya dahil iPhone user ang bruha. Si Jillian naman, ganoon din. Wala ding baon na charger.Gabi na kami nakauwi ni Mama galing sa ospital.
Pagod ang pakiramdam ko at antok na antok. Puyat ako kagabi at ngayong araw naman ay hindi din ako nakabawi ng tulog.
Deretso agad ako sa kwarto para makapag pahinga at maicharge ang aking cellphone. Finally!May message kaya siya? Sana naman ay meron. Kung hindi ay malulungkot ako sa aking pagsintang pururot.
Sabi nya kasi kagabi ay mag-uusap daw uli kami ngayong araw ang kaso lowbat naman ako maghapon.
Lumabas muna ako para makaligo at makapagpalit ng pantulog, bumaba sandali at kumain kasabay ni Mama. Bumalik rin agad ako sa kwarto para icheck ang cellphone ko.
17% palang, binuhay ko na ito. Hindi ako mapakali kakaisip na sana may message sa akin si Casper. Umaasa ako na sana makapag kwentuhan uli kami ngayong gabi.
Nahiga ako habang hinihintay na maopen ang cellphone ko.
Pumikit muna ako habang hinihintay na mag-load ang cellphone ko.
Sandaling pagkaka pikit ng mga mata ko ay naglakbay na kaagad ang diwa ko sa sobrang antok at pagod.Mabilisan ang pagkilos ko kinaumagahan. Panay pa ang sermon sa akin ni Mama tungkol sa pagbangon ko ng late.
I'm sorry, okay?
Sobrang antok ko na ang plano kong 5 minutong pag idlip lang kaninang umaga ay naging isang oras pala mahigit."Ayan! Paalarm alarm ka pa hindi ka rin naman pala babangon! Kakasimula palang halos ng pasukan eh. Paano pa pag tagal nyan?" mahabang litanya ni Mama.
"Di ka na nga pumasok kahapon tapos ngayon naman mahuhuli ka pa talaga!"Alam ko naman na hindi ako aabot sa first class ko ngayong umaga kahit anong pilit. Maling mali talaga na pumikit uli pagkarinig mo ng alarm clock.
Traffic pa!
Ang dapat na 30 mins tuloy na byahe ko papuntang school ay inabot ng isang oras.
Sa may gate ay kitang kita ko ang pinsan kong si Jillian na nakaabang na sa akin.
Isa pa rin 'tong late comer eh.
Totoo nga talagang birds of the same feather, flock together.Lima ang klase namin ngayong araw. Magkkaklase lang kaming tatlo kaya naman iisa lang ang mga subjects namin. Wala si Angel ngayon.
Dumeretso na kaagad kami ni Jillian sa room namin at doon na naghintay. Iilan pa lang kaming nandito sa loob. Ngayon naman, masyado kaming maaga para sa sunod na subject.Lunchtime, kavideocall namin si Agelika gamit ang cellphone ni Jillian. Ngayong araw ang Birthday niya. Tinatanong niya kami kung ano ang gusto naming pasalubong para sa pag-uwi nila.
Nag-request nalang kami ng strawberry jam at na dalhan niya kami ng isang lalaking mala Carrot Man sa kagwapohan. Tinutukoy ay iyong gwapong lalaking tubong Baguio o Benguet na nag-viral sa internet.
Napangiwi nalang siya sa amin.
Bukas pa ang balik nila dito sa Maynila. Buti pa ang babae, palaging nakakarating ng Baguio.
Palibhasa taga doon ang pamilya ni Tita Agnes, ang Mama ni Angelika.Ini-open ko ang data ko pagkatapos naming makausap si Angel. Bumaha sa akin ang disappointment ng walang notification ang pumasok mula sa Holla. So... wala siyang message? Dahil sa pagka dismaya ay hindi ko na inopen pa ang app at maghapong hindi na gumamit ng data. Nawalan ako ng gana!
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
RomanceShe loved him too early. He loved her too, but it was too late. She fell first and he fell the hardest. Fate took its toll and he wasn't there for her. Still, she waited. He played it safe until she cannot take it no more. A not-so-lovestory.