Hindi kami nag-video call noong gabing iyon. Tumawag siya pero sinadya kong hindi sagutin. Baka kasi i-open niya na naman ang tungkol sa meet-up. Wala pa akong desisyon tungkol doon kaya naman nag-chat nalang kami kahit pa sandali lang din. Sinabi kong kailangan kong mag review dahil may mga quizzes ako kinaumagahan kahit wala naman talaga.
Ganoon pa man, gaya ng madalas na mangyari, puyat na naman ako. Hindi na ako naka bawi ng sapat na tulog. Okay lang naman noong nakaraan kasi masaya naman ako. Ngayon, puyat ulit ako tapos hindi pa magaan ang pakiramdam ko.
Kaya nagkaka pimple na ako sa noo eh!Umaga na ako nag reply kay Casper ng pamatay kong "I will let you know when I'm free. Kinda busy rn b'cos of school."
Matagal at paulit-ulit ko pinag isipan 'yon kagabi. Kung ano ang pinaka magandang maging alibi ko. Hanggang panaginip nga, nadala ko ang pag-iisip ng meet-up na 'yon eh.
Sumagot naman siya sa text ko noong lunch time na.
"Sige" daw. Ang cold. Iyon sana ang iisipin ko kaya lang nagpahabol naman siya ng smiling face na emoji kaya napanatag din agad ako.May iilan ilan namang tagalog words na nalalaman si Casper. Kapag nga magka video call kaming dalawa, sinusubukan niyang magsalita ng tagalog. Kahit hindi tuwid. Atleast may effort. Kahit minsan ang conyo o slang niyang pakinggan.
Kaya lang talagang nahihirapan siyang magsalita noon. Nakaka intindi din naman siya ng straight tagalog. Kailangan nga lang medyo bagalan mo ang pagsasalita. Para bang inaabsorb muna niya ang mga sinasabi sa kanya bago niya maunawaan.
May ibang tagalog na salita din naman na nalalaman siya kaya lang minsan sala ang gamit. Ang mahalaga naman, nandoon ang point niya.
Kagaya ng isang beses na tenext ko siya na "wait! Let me compose myself first before we video call" katatapos lang kasi namin sa PE noon eh. Noong nag pahinga kami, katext ko na naman ulit siya. Nagreply siya sa akin na "Madali haha" na sa tingin ko ang ibig niyang sabihin ay "Faster" o bilisan ko. Madali ang ginamit niyang salita. Natawa nga ako doon. Ang cute niya. Nakakatuwa ang effort.Akala ko, maaga akong dadating sa school dahil maaga naman akong umalis ng bahay. Hindi din naman matraffic.
Kaya lang ay naunahan pa rin ako ni Jillian. Wala pa si Angelika nang dumating ako sa classroom namin. Si Jillian naman nasa labas pa ng room. Kausap ang isa naming kaklase, si Dominic, iyong madalas bansagang 'Banal' ni Angel.
Hindi ko na muna siya kinausap at dumeretso na lang ako ng pasok sa room. Mukhang seryoso kasi ang pinag-uusapan nila. Pagka upo ko, isinubsob ko kaagad ang ulo ko sa armchair ko para umidlip.Ginising din naman ako ni Jillian nang dumating si Misis Nofuente, ang Professor namin sa subject na iyon. Si Angel, ayun at nasabon ng slight. Paano dumating saktong nagtatawag na ng attendance si Mam.
Kahit ng maupo siya sa kanyang upuan ay nagawa niya pa rin akong tingnan ng mariin.
Alam ko, pagkatapos ng klase raratratin ako ng tanong ng dalawang 'to."Hoy Elizabeth! Anong ginawa mo? Mukha ka na talagang panda. Itim ng paligid ng mata mo!" sita agad ni Angel.
Mukha na nga akong patatas na hindi pa nahuhugasan tapos ngayon naman nagmukha na rin akong panda. Saan na ba ako lulugar?
"Sige puyat pa. Bukas bukas makaka pag check in ka na sa Hotel De Luna" tinutukoy niya iyong kasalukuyan niyang pinapanood na Kdrama. Tungkol iyon sa isang Hotel na nagpapatuloy ng mga kaluluwa bago tumawid sa kabilang buhay.
Napa irap ako sa sinabi niya.
"Dapat may oras lang ang tawagan n'yo ni Casper. Para naman hindi ka laging puyat. Wala ka na atang dugo eh!" sermon naman ni Jillian.
Pumapasok naman sa isip ko ang sinasabi nila. Hindi ko lang talaga inaabsorb.
Bakit ba kasi ang gwapo ni Casper?
Maliit na nga akong tao, mas nangliliit pa tuloy ako lalo dahil sa itsura ko.
Ano na kayang iniisip niya ngayon? Kahapon pa ako hindi nagrereply ng maayos. Baka iniisip niya nang umiiwas ako sa kanya. Na natakot ako dahil sa meet up na sinabi niya.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
RomanceShe loved him too early. He loved her too, but it was too late. She fell first and he fell the hardest. Fate took its toll and he wasn't there for her. Still, she waited. He played it safe until she cannot take it no more. A not-so-lovestory.