Isa ito sa mga kwentong hinding hindi ko makakalimutan. I have a phobia in corpses, hindi ko masikmurang sumilip sa bangkay ng isang pumanaw. One night, my friends Ian, Totoy and Golem (mga di tunay na pangalan) invited me to come with them sa lamay.
"niel sama ka! lamay tayo." sabi ni Golem.
"ayoko pards, alam niyo naman na takot ako sa mga bangkay." ani ko naman.
"di ka naman sisilip eh, maglalaro lang tayo ng baraha tapos iinom ng kape, at least di ba nandun yung pakikiramay ntn kina Vincent. (di rin tunay na pangalan.)" ani naman ni Ian.
"eeeeeh sige sige, basta wag niyo ko pipilitin na sumilip, ayoko talga." sabi ko naman.
11:30pm ay nakarating kami sa lamay, inalok kami ng kape at biskwit. Maya maya nkkaramdam ako na naiihi ako at naki CR.
"uhm ate, san po ba Cr niyo?"
di ako sinagot at tinuro na lamang ang CR. Magandang babae yung napagtanungan ko, sobrang ganda. And I have no idea who she is, but she's familiar.
Bigla akong kinilabutan, napagtanto ko na ate pala yun ni Vincent, mga bata p kase kami nung huli ko syang makita at pumunta ng sya ng states.
Pag tapos ko mag CR nasalubong ko si Vincent, tinanong ko sya..
"Vince, gumanda ate mo ah? kaso parang ang sungit, tinanong ko kase kung saan yung CR, pero poker face lang sya at---" putol na kwento ko.
naputol ang kwento ko ng humawak sya sa balikat ko at sabing..
"niel, pumunta ka ba dito para mang asar? o para manggulo?" tanong niya na parang galit na galit.
"ba-- bakit pre? hindi ah, hindi," ani ko nmn.
"pare, yung nag iisang ate ko, biktima ng molestiya sa singapore, hinalay ng ilang beses at pinatay, sya ngayon yung pinaglalamayan natin!!" sabi ni Vincent.
napapamura na lang ako sa sarili ko at napapatanong, "bakit di ko naitanong kung sino ba yung paglalamayan namin nila Ian?"
Nang mahimasmasan ako, umupo ako saglit sa sofa, nakaramdam ng antok habang sila Ian, Totoy at Golem naglalaro sa labas. Idinilat ko ang mga mata ko at may nakita akong nakaputi na babae sa may kusina, tinitigan kong mabuti, puro dugo ang mukha at walang mga mata! Lumalapit sa kin na lumulutang, kumurap ako saglit at nawala, pag kurap ko ulit nasa harap ko na ang magandang ate ni Vincent,
"tulungan mo ako..
"tulungan mo ako..
.... tulungan mo.. a---- KOOOOOOOO !!!! WAAAAAAAHHHHH!!!!!!"
Yung sigaw na yun ay parang sigaw sa mga horror movies, pagsigaw niya napalit ng nakakatakot na mukha ang magandang mukha ng ate ni Vincent.
Ginising ako ng mga kaibigan ko, at sinabing binabangungot ako.. sabay sambit ko..
"BAKIT KASI SUMAMA PA AKO!!? "
sabay takbo ng mabilis palabas ng bahay nila Vincent..
Thanks for reading :))
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Katatakutan
HorrorAll about sci-fi, urban legends and real ghost experiences