Gaya-Gaya, puto maya

167 1 0
                                    

Marahil ang iba sa atin nakaranas ng makakita ng tinatawag na "Doppelganger". Ano nga ba ang Doppelganger? Ang Doppelganger ay isang elemento o engkanto na may kakayahang gayahin ang isang bagay, o karaniwan ay isang tao upang linlangin ang kapwa tao. Ang kwentong ito ay base sa aking tunay na karanasan.

October 2013, nang maospital ang aking ina. Nakatoka ako upang bantayan siya ng isang magdamag. Kinabukasan, nakipagpalit sa akin ang aking Ama sa pagbabantay. Umuwi ako ng mga 5pm. Bago ako umuwi, nag withdraw muna ako ng pera, ito ang huling sahod ko sa huli kong kumpanya.

Nakauwi ako sa bahay, mga 6:28pm. Sobrang kalat ng terrace, nagkalat ang mga basura, kinalat pala ito ng aming aso. Naalala ko hindi pala ito napakain ng aking Ama. Pinakain ko muna ang aming aso. Nagdesisyon ako na pumunta sa Puregold upang lagyan ng laman ang tindahan ng aking Ina.

Nakabalik ako sa bahay, mga 7:30pm. Pagbukas ko ng ilaw sa kusina, may nakita akong ihi ng aso, agad akong pumunta sa banyo para kunin ang mop. Nang matapos ko ng punasan, nilinisan at binanlawan ko ang mop ng may marinig akong...

"eeeeeeennnggggg...."

tunog yun ng pinto namin sa may kusina palabas kung saan kami naglalaba. Nagtataka lang ako, nilock ko pa yun bago ako lumabas kanina. Pinuntahan ko iyon at isinara. Pag harap ko, laking gulat ko ng makita ko ang aking sarili. Talagang kamukhang kamukha ko, hindi ko alam kung nananaginip lang ako, may hawak akong mop, nakasuot ng sleeveless hoody at short, ganun na ganun din ang suot ng kamukha ko. May nasambit akong tanong sa kanya..

"si-sino ka?"

Habang tinanong ko sa kanya iyon, sumabay ang kanyang labi. Parang nagsasalamin lang talaga ako. Pumikit ako saglit, nawala na ito.

Bumalik ako sala upang maupo. Sumalubong ang aso ko. Nang mahimasmasan ako, bigla na lang akong kinilabutan.. Isa iyong Doppelganger.

Mga Kwentong KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon