Hindi ako madaling maniwala sa mga haka haka hangga't di ko napapatunayan na totoo. Kahit naman kayo di ba? Aminin niyo man o hindi, d rin kayo maniniwala agad.
Ako si Raniel, totoo ko tong naranasan nung nag ttrabaho pa ako sa Vikings megamall as a Server. Habang nasa byahe ako ng bus, naiisip ko yung mga kwento ng matatanda sa amin tungkol sa batang gradeschool na laging nagppakita doon sa amin. Naka uniform na pang grade school, naka back pack, at kung ngumiti ay abot hanggang tenga.
12:51 ng madaling araw ng makababa ako sa bus, sa commonwealth kasi ako nakatira. Naalala ko, wala nga palang kuryente noon dahil sa bagyo (nakalimutan ko yung pangalan ng bagyo pero dumaan yun last August or September 2014). So, as usual naglakad ako sa dilim, maluwag naman ang kalsada kaso maputik dahil ginagawa yung kalsada namin. Nang marating ko yung gitna, napaisip ako,
"ano kaya dadaanan ko? kaliwa o kanan?"
Dalawa kase ang pwede kong daanan, pareho lang dn ang layo, kaso maputik sa madalas kong dinadaanan yung sa kanan, kaya dun ako sa hindi maputik sa kaliwa.
Sobrang dilim tlga, pero salamat pa rn kase may konting liwanag mula sa buwan. Nang naglalakad na ako, may sumusutsot sa akin.
"psssst!!"
"psssst!!"
"psssst!!!!!!!!!!"
sa pangatlong sutsot nya parang may halong gigil, lumingon ako sa likod at may naaaninag akong bata. Medyo lumapit ako, bata nga, naka uniform ng grade school at naka back pack. Di ko pinansin.
Bigla akong nagising sa katotohanan ng naglalakad ako, yun yung bata na kinukuwento ng mga matatanda! Naka uniform ng grade school at naka back pack. May animo'y parang humahatak sakin pabalik para silipin ulit yung bata. Pero wala na sya dun.
Laking gulat ko, pag harap ko nandoon yung bata!! Mga ilang metro ang layo sakin, bigla syang nagsalita..
"kuya, larooooo taaayooo!!"
Napatitig na lang ako sa kanya, at habang sumesenyas sya ng pagbaba-Bye, lumulutang ito paatras, nangitim ang mga mata at ngumiti na abot hanggang tenga! Nawala ang bata at karipas ako ng takbo sa kanan na lagi kong dinadaanan.
Thanks for reading :))
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Katatakutan
HorrorAll about sci-fi, urban legends and real ghost experiences