Akala mo hindi kita mahuhuli??

156 0 0
                                    

Isa ito sa mga kwento ng aking lola, hindi ako masyadong kinilabutan pero gusto ko lang ibahagi.

Noong nasa middle age na ang aking lola, mga 50+ daw sya nun, ay nakulam sya.

Ang nangyari daw sa kanya, sobrang bumaho ang kanyang ihi, amoy bulok na itlog.

Hindi nya malaman ang gagawin nun, ng isang araw may nkapag sabi s knya ang dapat na gagawin.

Kumuha sya ng bote na may mainit na tubig, ipinasok nya sa knyang puwerta. Laking gulat nya na biglang may aparisyon na lumabas sa bote, biglang naaninag nya na mukha ng kanilang kapitbahay, si Aling Myrna (d tunay na pangalan) isa sya sa mga kilalang mangkukulam sa probinsya nila noon.

Hindi malaman ng lola ko kung ano ang kanyang ngawang mali kay aling Myrna kung bakit sya kinulam nito.

Kinabukasan, nakita ng lola ko na naglalakad si Aling Myrna sa tapat ng bahay nila, kumuha ng itak si lola at tinuktok sa bintana sabay sabing..

"humanda ka lang sakin!! papatayin kita!!" panggigil na salita ni lola.

Buhat noon, araw araw ng ginagawa ng lola ko yung pagtuktok ng itak sa bintana nila kapag nkikita nyang dumadaan sa harapan nila ang mangkukulam. Pumayat ito ng labis at hindi na halos makilala.

Thanks for reading:))

Mga Kwentong KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon