Gaya-Gaya, puto maya#2

172 0 0
                                    

Ito ang pangalawang pagkakataon kong makakita ng Doppelganger..

Isang gabi, naglalakad ako sa may street namin upang maghanap ng makakain. May sumalubong at tumapik sa aking harapan na sya namang hindi ko agad napansin..

"niel! san punta?"

Si Arn (di tunay na pangalan), kaibigan ko..

"ahh, doon lng pre, naghahanap ako ng pantawid gutom hehehe". biro ko.

"ahh ganon ba, sige, dito na ako." ani naman niya.

Naghiwalay kami ng direksyon. At nakakita ako ng fried isaw. Pagtapos kong kumain, naglakad akong pauwi muli. Habang may nililingon lingon ako sa paligid, nagulat ako ng may tumapik muli sa aking balikat, parang kanina lang.

"niel! san punta?"

Si Arn ulit!! Ang akala ko sumalungat sya sa direksyon ko.

"akala ko Arn dun ka pupunta? Bakit nandito ka?"

"ahh ganon ba, sige dito na ako" ani niya.

Parang hindi niya sinagot ang tanong ko. Natigil ako sa pwesto ko mga ilang saglit. Nahimasmasan ako ng makita ko si Arn na nakaupo sa may sa tindahan at nagyoyosi sabay tawag sakin..

"niel! yosi muna!"

Nagulat ako, lumapit ako sa kanya sabay tanong..

"pre, di ba nandoon ka kanina?" sabay turo sa direksyon kung saan talaga sya pumunta.

"oo pre, pero kanina pa ako nandito, nakita nga kitang kumakain ng isaw eh, d ka man lang mamahagi hehe" pabiro niya.

"pre kase kanina, nung tapos na akong kumain, nakasalubong ulit kita. Parang naulit lang yung tanong at sagot mo sakin knina." ani ko.

Natulala si Arn nung sinabi ko yon. Parang kinabahan din sya. Sabay alok sa kin ng yosi at nagpahinga kami saglit.

Thanks for reading :))

Mga Kwentong KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon