Itong kwentong ito ay pawang kathang isip lamang..
Si Jun, 18 anyos isang working student. Madalas tuksuhin ng mga klasmeyt nya na "Virgin" pa sya. Pero totoo yun. Kahit na ganun pa sya, nagsisikap pa rin syang mag hanap buhay para ipang tustos sa matrikula niya.
Isang hapon, habang pauwi sya galing trabaho, nakasalubong nya si Dmitri, klasmeyt nya na isa rin sa mga tumutukso sa kanya..
"pre, sama ka naman sakin, saglit lang." ani ni Dmitri.
"san naman tayo pupunta?" tanong naman ni Jun.
"doon sa may abandonadong bahay, msy ipapakita lang ako sa iyo, saglit lang promise." sabi ni Dmitri.
Walang pag aalinlangang sumama si Jun sa klasmeyt. Nang marating nila ang abandonadong bahay, may parang malamig na hangin ang dumapo kay Jun.
Dumiretso sila sa loob, nagpaalam muna si Dmitri na mag babanyo muna sya at maiwan muna saglit si Jun sa may sala.
Pinagmasdan muna ni Jun ang bahay, sobrang luma, ito kase ang tambayan ng mga tropa ni Dmitri, dito rin nila dinadala ang mga babaeng ginagalaw nila. Maraming kwarto. Nabulabog si Jun ng may marinig syang ingay ng isang babae..
"ahhh!! ahhh!! wag diyan!! masakit!!"
Inisip ni Jun na may kasamang babae si Dmitri dito. Hindi nya ito pinansin. Muli na naman nyang narinig ang ingay ng isang babae, sa pagkakataong ito, parang nagmamakaawa na,
"parang awa mo na!! tama na!! masakit!! sshhh aahhh!! huwag po masakit!!"
Sinundan ni Jun ang ingay, sa 2nd floor, unang kwarto sa kanan, sinilip nya. Laking gulat niya na may isang hubo't hubad na babae at may 3 lalaki na naka uniporme ng duktor. Duguan ang babae at putol putol na ang mga braso at binti. May bagay na natapakan si Jun sa likod nya habang umaatras sya, biglang lumingon ang tatlong lalaki sa kanya. Sabay takbo si Jun.
Pagka baba ni Jun, nakita nya si Dmitri,
"pare anong nangyari? pawis na pawis ka?"
"Dmitri!! aalis na ako!! slaughterhouse pala to!!" ani ni Jun.
Umalis si Jun sa abandonadong bahay. Humingi sya ng mga impormasyon tungkol sa bahay na iyon, may nakapagsabi sa kanya na ang bahay na iyon...
.. dati palang clinic ng mga Hapon noon, at naging Torture house nila..
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Katatakutan
HorrorAll about sci-fi, urban legends and real ghost experiences