Yang Mark pov
Eto na yung araw na yun yung birthday ni kuya Tyron. Pumunta sya rito kahapon at buti na lang kakatapos lang ng girls sa ginagawa nila kaya hindi nakita ni kuya Tyron yung ginagawa namin.
Si Yin naman hindi na bumaba sa kwarto nya simula ng nangyaring sagutan kagabi.
"Guys puntahan ko lang si Yin sa kwarto nya. Tapusin nyo na lang lahat ng deco then sa pagkain" paalam ko sa kanila.
Naglakad ako tungo sa kwarto ni Yin sa itaas.
Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot kaya sinubukan kong buksan ang pintuan at hindi naman naka lock kaya pumasok na ako.
Nakita ko syang nakaupo sa swivel chair nya, natutulog at kaharap ang laptop, notebook at kung ano ano pang papel ,nakita ko rin ang braso nyang may benda na.
Naalala ko tuloy bigla si Yuan sya palagi yung gumagamot kay Yin kapag may sugat sya, sya yung palaging nandyan nung time na wala ako, nung time na wala akong kwenta.
Gumalaw sya ng kaunti kaya sinara ko kaagad ang pinto at tinignan na lamang sya mula sa labas ng kwarto nya.
Nagising na nga sya. Naginat inat lang sya at binuksan kaagad ang laptop saka nag type ulit at ilang segundo pa lamang ang lumilipas ay dismayado nyang binaba ang papel ma hawak nya saka napahawak sa ulo nya na tila sumasakit ito.
Ano kayang ginagawa nya? Mukang kagabi nya pa ginagawa yan ahh. Hindi pa nga yata sya kumakain.
Napbuntong hinga na lang ako at saka sinara ng dahan dahan ang pinto saka pumunta sa kusina. Kumuha ako ng tinapay saka pinalamanan ng nutela na paboritong paborito nya. Halata naman eh simula pa nung bata kami hapos limang garapon ng nutela ang nauubos nya sa isang araw lang.
Nagtimpla naman ako ng gatas. Matapos kong ihanda ang mga iyon ay pinuntahan ko na sya sa kwarto nya.
Kumatok ako ng tatlong beses.
"Come in" maikli nyang saad.
Binuksan ko naman ang pinto at lumaput sa kanya.
Ganun pa rin ang ayos nya, mukang dismayadong dismayado si twiny ngayon ahh.
Napabuntong hinunga na lang ako saka binaba ang laptop nya at nilapag ang tinapay na may palamang nutela saka glass of milk.
"Kumain ka na muna. Hindi ka pa kumakain mula kagabi and remeber bukas na rij ang father's day at bukas ka na magpe-perform" saad ko sa kanya.
"Yeah thanks Yang.... nga pala may balita na ba si tito Sean kay Yuan?" She asked.
"Wala pa rin"
Mukang wala nga talag syang kinalaman sa pagkawala ni Yuan. Kahapo. Kasi sabi ni tito Sean nakita daw ng private investigator nya na may pinuntahan si Yin at alam naman ng mga pinsan namin na malapit talaga si Yuan kay Yin kaya hindi impossible na alam ni Yin kung nasaan si Yuan. Maski si Adrian na kapatid ni Yuan ay sinasabing possible nga daw na alam ni Yin kung nasaan si Yuan dahil wala naman daw syang ibang kakilalang kaibigan o kalapit lang man kundi si Yin lang at halos araw araw nga ay si Yin ang bukang bibig ni Yuan. Pero sa mga sagot ni Yin mukang wala nga syang alam. Bakit ba kasi sya na lang palagi? Sya na lang yung palaging nasisisi.
BINABASA MO ANG
Yin and Yang
ActionShe's SMART ENOUGH She CAN DEFFEND HER SELF She HAS HER FRIENDS She was A SERIOUS TYPE She was STRONG ENOUGH She was FEARLESS She was ALMOST PERFECT But behind those personality there's a tragic memories, there's a pain, theres a tears. She was...