Chapter 2

27 1 0
                                    

SOPHIA GAIL'S POV

Buong oras ng klase ay wala ako sa aking sarili dahil sa nangyari kanina. Kaya hindi ko namalayan na lunch time na pala.

Kaagad kong niligpit ang aking mga gamit at nagmamadaling lumabas, ngunit napatigil din ako ng may makabunggo ako.

"Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Galit na pasigaw saakin ni Natalia.

Kung hindi niyo siya kilala, ako na ang magpapakilala para sakan'ya.

Siya si Natalia Mae Dizon, isa siyang bully campus. Walang bumabangga sakaniya, pero wala akong paki sa mga sinasabi nila. Dahil mundo nila 'yon, may sarili akong mundo.

"Pasensya na." Paumanhin ko.

"Sa susunod nga, magdahan dahan ka. Payo lang. Ingat ka lang, baka mamaya iba na ang makabunggo mo. 'Yong nakabunggo mo pala, maling tao na. Kaya dapat, mag-ingat ka sa mga taong nakakabunggo mo." Ngumiti naman saakin si Aira, at may halong pananakot rito.

Si Aira Leigh Caeron, ay kaibigan ni Natalia. Sila ang tinuring na campus bully. Ewan ko nga kung magkaibigan ba talaga sila or nagplaplastikan lang.

"Siguro nga, kailangan ko na mag-ingat. Kayo rin ha? Mag-ingat rin kayo sa taong binubunggo niyo, tignan niyo muna kung may pake sila." Mapang-asar na saad ko at ngumiti ng nakakaasar, na mas lalong ikinasira ng mukha ni Aira.

Naghintay akong humingi si Natalia ng paumanhin, ngunit tinarayan lamang ako nito at umalis na kasama si Aira. Ano pa bang maasahan ko sa isang bully? Hihingi ng tawad? Hindi uso sakanila iyon.

Hindi ko na ito pinansin at nagtuloy sa hardin.

Ng makarating ako ay wala pa sila, kaya napagdesisyonan kong umupo muna.

...

Limang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa ang mga ito.

"Pinaglalaruan ba nila ako?" Inis na tanong ko sa aking sarili.

Kung nakikipaglaro sila, ay wala akong panohan para doon. Nag-aaksaya lamang pala ako ng oras.

Tatayo na bali ako ng may tumawag saakin.

"Sophia!" Tawag saakin ng may mahinhin na boses.

Kaagad akong tumingin kung saan ang kinaroroonan ng boses, at tama nga ako si Yeshia nga ito.

"Pagpasensiyahan mo na at ngayon lang kami, eto kasing si Sakari." Ngumiti naman ito ng paumanhin.

"Anong ako na naman?" Sabat naman ni Sakari.

"Ikaw naman talaga! Hindi ba't napakabagal mong kumilos, at ayusin ang gamit mo? Para ka pa ngang nagdadalawang isip kung sasama ka ba saakin o hindi!" Panunumbat ni Yeshia kay Sakari.

"Ako na naman ang 'yong nakita mo!" Pagtataray naman ni Sakari.

Magsasalita na bali si Yeshia ng maunahan ko ito.

"Hindi ako nandito para panoorin kung paano kayo magtalo at mag-away, nandito ako para alamin kung ano ang nalalaman niyo tungkol sa mga bampira." Seryosong sabi ko na ikinatahimik Yeshia. Habang si Sakari naman ay kusang tumaas ang kilay.

"Kung ayaw mong makita kaming nagtatalo, pwes, umalis ka dito." Palabang at mataray na sabi nito.

"Kung gan'on, nag-aaksaya lang pala ako ng oras dito." Tatayo na bali ako ng may humawak sa aking kamay.

Si Yeshia.

"Sophia, pagpasensyahan mo na itong si Sakari. Gan'yan talaga iyan, masasanay ka rin." Ngumiti naman ng paumanhin. "Pwede bang isipin mo muna lung bakit ka nandito? Kung anong dahilan kung bakit ka naparito? Diba may dahilan ka? Kaya gawin mo 'yong dahilan na 'yan para mawala man ang inis mo at kumalma ka." Ngumiti ito saakin na ikinaiwas ko ng tingin.

Itinuon ko ang aking tingin sa ibang bagay. Ilang segundo din kaming tuhamik ng may bumasag nito.

"Anong gusto m---"

"Bakit alam mo ang tungkol sa bampira?" Pagpuputol ni Sakari sa sasabihin ni Yeshia. Kusang napalinga ako noong sinabi niya 'yon.

"Bakit ko sasabihin? Hindi ako nagtitiwala." Kasabay n'on ang pag-angat ng aking kilay. Ngunit, ngumiti namin ito ng sarkastik na mas lalo kong ikinainis.

"Mukha nga... mukha ka ngang hindi nagtitiwala saamin." Sarkastik nitong sabi. "Kung hindi mo kami pinagkakatiwalaan, wala ka ngayon dito. Hindi ka pupunta kasi hindi mo kami pinagkakatiwalaan, so bakit ka nandito?" Mapang-asar nitong tanong saakin.

Ako naman ay natameme at hindi alam ang sasabihin.

"So know, Sophia. Would you answer my question, or should i repeat it?" Nakangiti nitong pang-aasar. "Okay, i'll just ask again. I'll adjust. So, Sophia.... bakit alam mo ang tungkol sa mga bampira?"

Sa pagkakataong ito ay napatigil ako. Napatigil, hindi dahil nabarado niya ako kundi napatigil dahil hindi alam ang gagawin.

Should i say it to them? Or should i keep it? But the question is.... I am ready? I am ready to tell them?

Nahalata naman nilang natigilan ako kaya kaagad na nagsalita si Yeshia.

"If you aren't ready, it's okay. We can wait." Ngumiti naman ito kasabay ng pagpatak ng aking luha. Mas lalo kong ikanahagulgol ang pagyakap saakin ni Yeshia, habang si Sakari naman ay nakatingin lang saamin.

....

Ilang minuto din akong umiyak. Tumigil lamang nung ako'y huminahon na.

"Ano? Tumahan ka na naman, siguradong sasab---"

"Ano ka ba Sakari! Kakahinahon lang niya! Maghintay ka nga." Putol ni Yeshia kay Sakari, dahilan ng pagnguso nito.

"Magkwekwento na ako. Hindi ba't nagtanong kayo, kung bakit may alam ako sa bampira?" Tanong ko, at kaagad naman tumango si Yeshia, habang si Sakari naman ay napaikot ang kanyang mga mata. "Noong bata ako, nagising nalang ako dahil sa isang sigaw. Hindi ko alam kung paano ako nakakuha ng lakas maglakad noon. Takot na takot ako. Sobrang dilim.... na sana, hiniling ko lang na... panaginip ang lahat. Ngunit nagkamali ako." Kasabay n'on ang pag ngiti ko ng mapait, at kasabay rin n'on ang pag tulo ng luha ko. "Mismong sa harap ko.... nasilayan ko, kung paano sila kinagat at patayin ng bampira..... alam kong mag-isa lamang siya noon, ngunit alam kong hindi lang siya ang bampira dito sa mundo. Alam kong marami sila, at gusto kong maghiganti." Kaagad kong pinunasan ang aking mukha gamit ang kamay.

Tinignan ko silang muli, at nakikita kong may kalungkutan sakanilang mata.

"Ngayo'y alam niyo na ang kwento ko, maari ko na bang malaman kung ano ang nalalaman niyo sa bampira?" Tanong ko.

"Sa totoo lang, Sophia. Wala kaming alam sa bampira." Sabi ni Yeshia, na ikinanoot ng aking noo. "Wala kaming alam, dahil katulad mo, nabiktima rin kami. Nawalan ako ng ate dahil sa bampira, alam ko ang nakita ko noon. Malayo man, ngunit alam ko ang nasaksihan ko." May pait na kwento nito. "Gusto din namin may malaman kami, ngunit kahit anong impormasyon ay wala kami. Kahit magsearch lamang sa google ay wala kaming makita. Dahil lahat ng iyon ay hindi totoo." May pag-alalang sabi nito.

Kaagad ko namang tinignan si Sakari para siya naman ang magkwento, ngunit tinaasan niya ako ng kilay.

"Simple lang akin, muntik na akong makagat." Ngumiti naman ito ng peke ngunit mabilis ding inalis.

Ibig sabihin ay pare parehas kaming walang alam? Ngunit dahil pare-parehas lamang kaming nabiktima.

"Ang akala ko ay ako lamang ang nakakaalam sa mga bampira, ngunit nagkamali ako. Meron pa pal---" napatigil ako sa pagsasalita ng may kumaluskos kung saan dahilan para mangilabot ako... kami.

Ano iyon?

Ano ang kaluskos na iyon?

Saan nang gagaleng?

To be continued---

I'm Inlove With A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon