Prologue

57 3 0
                                    

Finction

This work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any recemblance to actual persons, living or dead, is purely coincedental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or creative derivative works from or exploit contents of their story in any way. Please obtain permission.

Plagiarism is crime!!!

Thank you for reading!

...

"Nay?" Napamulat ako dahil sa sigaw na aking narinig.  Bumangon ako at kinuha ang aking manika at niyakap ito.

"Nay? Tay? Kuya?" Sumod sunod kong tawag.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa dereksyon kung saan nagmula ang sigaw.

Madalim at nakakatakot.

Napahigpit ako sa pagkakayakap saaking manikang dala.

Naiiyak ako, natatakot.

Panaginip ba ito? Kasi kung oo, ay gusto ko ng gumising. Masyadong nakakatakot, ayaw ko nito.

Dahan dahan akong bumaba at pumunta sa kusina, ngunit walang tao rito.

Tuluyang nanginig ang aking mga kamay dahil sa nagkalat ang pulang hindi maintindihan.

Dugo ba ito?

Hindi lamang nagkalat ang mga ito, kundi pati ang mga gamit.

Mas lalo kong hinigpitan ang aking pagkakayakap sa manika.

Dahan dahan akong lumabas sa kusina, ngunit dahilan din kung bakit nabitawan ko ang aking manika.

"AHHHHHHHH!" Sigaw ni inay at ni itay.

Puno ng dugo.

Nakakatakot.

Dahang dahang lumipat ang mata niyang namumula saakin.Pulang matang nakakatakot, mga pangil na puno ng dugo.

Lalapit na bali siya saakin, ngunit...

"UMALIS KA NA DITO! TUMAKBO KA NA!" Sigaw ni itay, na namimilipit.

Napatigil ito, at dahang dahang lumipat ang tingin niya kay itay! Kasabay non, ang paglapat ng kaniyang mga pangil sa leeg ni itay.

Kasunod noon ang paglaho niya na parang bula.

"Nay! Tay!" Sigaw ko at tuluyan ng humagulgol.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila....

Puro dugo...

At wala ng buhay.

....

"Nay! Tay!" Napabangon ako dahil sa isang bangungot na naman.

Lagi nalang ba? Na sa t'wing gusto ko ng kalimutan, lagi nalang ipinapaalala? Ipinapaalala kung paano sila nawalan ng buhay? Habang ako ay walang ginawa?

Lagi nalang ba?

To be continued--

I'm Inlove With A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon