Chapter 1

26 2 0
                                    

SOPHIA GAIL'S POV

"Cody, alis na ako." Paalam ko. Tuluyan na akong bumaba at hindi ito tinignan sa mga mata.

Ganito lagi kapag papasok ako sa eskwelahan kapag umaga, hindi ko siya tinitignan o tinititigan. Kahit naman hindi pasukan ay hindi ko siya tinignan sa mga mata.

Dahil sa tuwing magtatagpo ang aming mga mata, bumabalik lahat ng sakit at galit saakin. Hindi ko matanggap kung ano ang nangyari noon.

"Teka!" Pigil nito saakin, dahilan para mapahinto ako kung nasaan ako. "Hindi ka ba sasabay saakin?" Sa tanong niyang ito, ay may pakikiusap at umaasang tono nito.

"Hindi." Malamig kong tugon sakanya, at tinuloy ang aking paglalakad.

"Sophia! Ano ba ang nagawa ko at gan'yan ang pakikitungo mo saakin?! Hindi mo man lang ako matignan sa mata?! Anong ginawa ko at nagawa ko?! Araw araw humihiling ako na sana, sana magkaayos tayo!" Sa pangalawang pagkakataon ay napatigil ulit ako. Sa boses niyang iyon ay halatang halata na umaasa siya.

"Tungkol ba ito sa nakaraan?! Kasi ba hindi ako naniwala sa'yo?!" Nagtatakang nitong tanong.

"Oo." Malamig kong tugon.

"Alam mong hindi toto---"

Sa pagkakataong ito ay humarap ako sakan'ya at tinitigan ang kaniyang mga mata, kasabay nito ang pagpatak ng luha ko.

"ALAM KO ANG NAKITA AT NARINIG KO! KAYA WAG MONG SABIHING HINDI TOTOO IYON! DAHIL UNA! AKO ANG NANDODOON AT HINDI IKAW! TOTOO ANG MGA BAMPIRA! TOTOO SILA!" Sigaw ko, na ikinatigil niya. Napahagulgol na ako sa pagkakataong ito.

Wala siyang karapatan para sabihin ang hindi totoo o ang totoo, dahil una nandodoon ako at nasaksihan ko kung paano sila nawalan ng buhay! Pangalawa, alam ko kung ano narinig ko at nakita!

"Wala kang karapatan sabihin kung ano ang pinaniniwalaan mo, dahil ako mismo ang nandoon, hindi ikaw, KUYA" Pagdidiin ko sa salitang "KUYA". Sa pagkakataong ito ay huminahon na ako, at tinalikuran ito.

Wala na ang mga magulang namin, kaming dalawa nalang ang natira. Kung nagtatanong kayo kung nasaan ang lola o lolo ko or tita at tito ko, wala rin kaming alam.

Kung nagtataka kayo kung bakit Cody ang tawag ko sa KUYA ko, ay gusto lang. Ayaw ko na tinatawag siyang kuya, dahil tuwing tinatawag ko siyang kuya ay labag sa loob ko.

Si Cody lamang mag-isa nagtratrabaho, dahil hindi pa ako pwede. Wala kaming sapat na pera para pang kuryente, tubig, pagkain at sa baon ko pa. Kaya naglalakad lamang ako tuwing umaga, kaya lagi akong nabangon ng maaga. Iyong mga pinabaon saakin ni Cody, kapag sobra ang ibinibigay niya saakin ay tinatabi ko. Kapag naman ay may natira ay iniipon ko.

Ako ay isang grade 10 student, nag-aaral ako sa pribadong paaralan. Ayaw ko sa pribadong paaralan mag-aral, dahil sa gastusin. Ngunit, mapilit si Cody, kaya wala 'kong nagawa. Madali naman akong kausap.

....

Nasa harap ako ngayon ng paaralan na pinapasukan ko. Nang mapatingin ako sa pangalan ng aming paaralan ay kusang umikot ang aking mga mata. Paano ba naman, ang pangalan ng aming universidad ay "Bella University". Mer'on ba non? Ay.... meron pala. At kami 'yon. Sa pangalawang pagkakataon ay kusa ulit umikot ang aking mga mata, at hindi na iyon pinansin at tumuloy na sa paglalakad.

At dahil maaga akong dumating, ay wala pa masyadong studyante. Kaya napagpas'yahan kong pumunta sa hardin, kung saan tahimik at masarap ang hangin.

"At sa inaasahan ko. Walang tao." Sabi ko saaking sarili at hindi na nagulat pa.

Sa totoo lang ay ayaw kong mapag-isa, dahil natatakot ako. Natatakot akong may umataking bampira saakin, at baka ganoon ang gawin saakin, kung ano ang ginawa nila sa pamilya ko.

Puno ng galit at puot ang puso ko. Gusto ko makipaghiganti. Wala silang awa.

Kung nagtatanong kayo kung wala ako kaibigan, ay wala, wala akong kaibigan ni isa wala.

"Ano ba Sakari! Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo, mamaya may makirinig saatin!" Sabi ng isang babaeng mahinhin ang boses.

Nakuha nito ang atensyon ko kaya napalingon ako kung saan kinaroroonan ang boses. Isang babaeng mamumukhaan mo talagang mahinhin, maganda siya, at mahaba ang pilik mata, may matangos na ilong at mapupulang pisngi at labi, mahaba din ang buhok nito at tuwid. Katulad ng kasama niya ay maganda rin ito, mahaba ang pilik mata at singkit, matangos rin ito at may mapupulang pisngi at labi, at ang kaniyang mga mata naman ay sobrang itim, hindi katulad ng kasama nito na tama lang. Hindi tulad niya na kapag nagkatitigan kayo ay tataas ang balahibo mo. Ang kaniyang buhok naman niya ay may pagkakulot at tuwid.

"Oh, bakit? Wala namang tao dito. Atyaka, totoo ang mga sinasabi ko. Totoo ang nakita ko noong gabi, isang bampira!" Puno ng takot ang boses nito.

Sa sinabi niyang iyon ay kinalibutan ako.

Tumaas ang balahibo ko. Bumabalik na naman saakin kung anong nangyari noon.

"Pinagkakatiwalaan kita sa mga sinasabi ko, Sakari. Ngunit, magdahan dahan ka naman sa iyong pananalita, masyadong malakas ang iyong boses! Baka may makarini---"

"May alam kayo tungkol sa mga bampira?" Putol ko sakanila na ikinagulat nila. Kitang kita sa reaksyon nila na hindi nila alam ang kanilang gagawin.

"Sakari! Sabi ko naman sa iyo, magdahan dahan ka sa pananalita mo!" Bulong ng babaeng mahinhin, ngunit rinig ko naman.

"Sabihin niyo saakin na may alam kayo. Hindi iyong, nababaliw ako sa kakaisip na akala ko ako lamang ang nakakaalam." Ang mata kong malalamig ay napalitan ng magmamakaawa at pakikiusap.

Nakita ko naman ay mas lalo silang nagulat. Nagulat dahil sa ipinakita kong reaksyon sakanila.

"We will tell you all we know. But first, i want to introduce myself. I am Sakari Syche." Pakilala nito saakin.

"I am Yeshia Mae Vilasquez, nice to meet you." Pakilala rin nito at ngumiti ng mahinhin.

"I am Sophia Gail Smith, you can call me "Gail" or "Sophia"." Pakilala ko rin.

"Siguro, magkita kita tayo dito. Mamaya namin ikwekwento kung ano ang nalalaman namin." Nakangiting saad ni Yeshia.

"Bakit hindi nalang ngayon?" Tanong ko at napakunot ang noo. Ang mga kong kaninang nakikiusap at nagmamakaawa ay napalitan ng malamig.

"May tamang oras diyan. Marunong ka naman siguromg maghintay?" Sarkastik at may pagtataray sakaniyang boses... o mataray talaga. Kung hindi ako nagkakamali ay si Sakari ito.

"Sakari naman! Pagpasensyhan mo na Sophia." Ngumiti namin ito at sa ngiting iyon ay naghihingi nga ito ng paumanhin.

Tumango nalamang ako, para sabihing sumasang-ayon ako.

To be continued--

I'm Inlove With A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon