Chapter 3

11 1 0
                                    

SOPHIA GAIL'S POV

Kaming tatlo ay hindi alam ang gagawin dahil sa tunog na iyon.

Saan nanggaling iyon?

Nakakakilabot.

"Meow..."

"AHH!" Sigaw ni Sakari dahilan para mapasigaw rin si Yeshia.

"Ano ka ba naman Sakari! Kung makasigaw ka!" Halatang gulat na sabi Yeshia.

"Anong ako?? Aba malay ko ba?!" Pagtataray naman ni Sakari.

"Meow..." ungot ng pusa.

Hindi ko makita kung saan. Kaya napagdesisyonan kong puntahan kung asan nanggaling ang pusang iyon.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Imosenteng tanong ni Sakari.

"Hinahanap ko san an---" napatigil ako ng makita ito, madungis at mukhang gutom.

Kaagad kong kinuha ang panyo ko sa aking palda at kinuha iyon gamit ang aking panyo. Ang cute ng pusa, madungis nga lang. Mabalahibo ito, at hindi siya iyong tulad ng mga pusang gala. Kung ipinagbebenta ito ay mahal.

"Hoy! Ano na?" Naiinip namang tanong ni Sakari, habang si Yeshia ay lumapit at tinignan ang hawak kong pusa.

Kaagad na lumambot ang ekspresyon ni Yeshia.

"Aww, ang kyut! Akin nalang!" Kukunin niya sana ito ng ilayo ko ito sakanya, kaagad naman siyang sumimangot.

"Ako ang nakakita kaya iuuwi ko ito." Matigas kong sabi.

"Bawal magdala ng hayop dito." Pagtataray naman ni Sakari.

"Oo nga, saan mo dadalhin 'yan?" Inosente namang tanong si Yeshia.

"Iuuwi ko na." Deretsong saad ko.

"Ano?! May pasok pa!" Gulat naman na sabi Yeshia. Habang si Sakari naman ay nakikinig lamang at parang tanga doon.

"So?" Maldita kong tanong. "Osige na, aalis na ako. Kuhanin ko lang ang mga numero niyo." Kaagad namang kumilos si Yeshia, habang ako ay ibinigay ko na ang telepono ko sakanya upang makuha ang numero nila.

"Ayos na." Nakangiting sagot ni Yeshia.

"Sige na, alis na ako." Paalam ko at kinuha ang aking bag at umalis na kasama ang pusa kong dala.

Maingat akong tumakas sa gwardya, baka mamaya makita pa ako. Lagot ako niyan.

Noong nasa labas na ako, ay nakahinga naman ako ng maluwag.

"HOY! BAKIT KA TUMATAKAS?!" Sigaw ng gwardya sa likod ko, hindi ko makita dahil nakatalikod ako.

Dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko ay kusa nalang akong napatakbo ng hindi ito tinitignan.

"HOY!" Sigaw nito.

Hindi ko na ito pinansin pa at tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalayo ako.

Ng masigurado kong wala namang naghahabol saakin ay saka ako nagpahinga muna. Tinignan ko naman si Kite, ang pinagangalan ko sakanya. Okay lang rin naman ito, mukhang ayos naman.

Mga ilang minuto din na pahinga ay tinuloy ko na ang aking paglalakad. Hinahaplos ko naman si kite at mukhang okay naman siya doon.

....

Sa bahay

Pagpasok na pasok ko ay dirediretso akong umakyat ngunit biglang may tumawag saakin.

"Bakit ka nandito? Hindi pa tapos ang klase niyo, sa pagkakaalam ko." Biglang sabat nito.

Imbis na sagutin siya ay nagdire-diretso lang ako ng akyat hanggang sa makapunta ako ng kwarto ko.

Binaba ko naman si kite sa kama ko at nagpalut na ako ng damit. Balak ko din pumunta sa mall para bumili ng mga gamit niya. Meron naman akong naipon kaya, gagamitin ko iyon.

....
Mall

Nakapunta naman ako ng ligtas dito pero may nararamdaman akong kakaiba, nararamdaman kong parang may sumusunod saakin.

Dahil sa aking pakiramdam ay mabilis akong kumilos at binili na ang mga gamit para kay kite.

Pagkalabas ko ng mall ay saktong may nakabunggo ako.

Ang pagkakaalam ko, walang tao sa harap ko.

"Pasensya na." Ayun na lamang ang sinabi ko at dali dali akong umalis.

Napatigil lang ako ng may naramdaman akong kakaibang pakiramdam. Iba ang prisensya nito.

Nagtaasan ang balahibo ko kaya umalis na ako doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Inlove With A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon