Elle's POV
"Elle maganda pala yung Harry Potter noh." Sabi saken ni Jastine, syempre ako bilang potterhead nakuha niya ang attention ko.
"Oo naman, nagbasa ka or nanuod?" Tanong ko naman.
"Nanuod lang, ang haba kaya nung libro at ang mahal pa. Pang dota ko nalang yung presyo nun dun sa computershop sa kanto" kahit kailan talaga tong mga kutong lupang to adik na adik sa Dota saka Mobile Legends.
"Alam mo maganda dun sa part na papatayin na ni Professor Snape si Dumbledore" kaswal kong sabi.
"Teka mamamatay si Dumbledore? Potek naman nito SPOILER" oh? Di pa pala napanuod sa kumag hahahaha.
"Oy anong dinadaldal niyo jan?" Tanong ng kadarating na kalbo.
"Oy Opaw! San ka galeng? Pakopya naman ng assignment oh! Di ako naka gawa magdamag akong naglaro ng Rank Game sa ML eh" pinitik naman ni John ang noo ko. Aray hah.
"Yan kase. adik kana diyan. Wala pa si Bryce? Isa pa yun adik din sa laro" at umupo sya katabi ni Jastine. Kinuha niya yung assignment namin sa Biology at binigay saken.
"salamat hah. Wag mag alala kukunin ko lang ideya" sabi ko kahit yung too kokopyahin ko naman lahat. Aba! Kabanas kaya mag isip ng ipang paraphrase!
"Goodmorning mga kutong lupa at isang duwende!" Ayan na naman si Bryce sa pang aasar saken. Umagang umaga eh.
"Di bale nang duwende maganda naman. Ikaw? Height lang yung maayos sayo mukha ka paring aso." Di naman ako papatalo ano.
Narining kong nagpipigil ng tawa yung dalawa sa gilid ko. Hahahaha ano ka ngayon higante na mukhang aso.
"Ewan ko sayo! Pakopya na nga lang ako" oh diba magbarkada nga talaga kami parehong tamad eh.
Andito nga pala kami sa Student lounge sa 3rd floor katapat lang nito ang room namin. Maingay doon sa loob kaya dito kami tumatambay o di kaya'y sa canteen. Mga patay gutom tong mga kasama ko eh.
Di nagtagal tumunog na yung bell hudyat na magsisimula na ang klase namin.
During the discussion, wala puno ng daldalan yung table namin magka grupo kaming magbarkada at ako pa ginawang lider as if naman may matino akong nagawa. Hahahaha.
"Table 5? ..... TABLE 5 are you listening?" Sinasabe ko na nga ba. Umuosok na naman yung ilong ng guro namin sa Bio.
"Sorry po sir" paumanhin ko nalang sa guro.
"Wag nga kayo maingay mamaya na yan. Baka mag quiz pa wala tayong masagot." Suway ko sa mga kasama ko.
Sumunod naman sila at nakinig nalang hanggang matapos ang klase buti walang quiz. May alam din kaya ako Mitochondria is the powerhouse of the cell. Oh diba.
Tiningnan ko ang cellphone ko may dalawang mensahe pala, galeng sa boyfriend ko at galeng naman sa unknown number yung isa.
Una kong binuksan yung sa bf ko syempre priority eh. Hihihi
"I love you, fie" nakakawala talaga ng pagod tong lalaking to. Mahal na mahal ko to.
"I LOVE YOU MORE,FIE" at pinindot ko yung send.
Binuksan ko naman yung sa unknown number at mukhang alam ko na kanino to galing.
"Hey, I'm here outside your room. Hintayin kita matapos. You wanna grab some snacks?"
Siya yung lalaking chat ng chat sakin simula nong pasokan. Nagkakilala kami sa gc. At first I thought some friendly chatting lang since pareho naman kami ng strand. Pero napapansin ko iba na yung pinupunto niya. Lumabas nalang ako at pinuntahan sya.
"Hi, tara na sa canteen" bati ko sa kanya at ngumiti. Napagdisisyunan kong samahan nalang sya sa canteen at may sasabihin din naman ako.
Nag order ako ng cheeseburger at coke. Magbabayad na sana ako ng bigla niya binigay sa tindera yung pera niya. Aalma pa sana ako pero hindi nalang syempre mas masarap kapag libre.
Dito kami umupo sa labas na bleachers punong puno kase sa loob.
"Kumusta yung klase mo? Himala ah pinaundayunan mo yung alok ko." Di nako nag kwento noh. Ayaw ko siyang paasahin kaya sinabi ko na yung pakay ko.
"Drew, I'm sorry... may boyfriend na kase ako" mukhang nabigla ata sya sa sinabi ko pero ngumiti parin naman sya.
"Ganun ba. Sorry baka magalit pa boyfriend mo sayo dahil sumabay ka saken. But I like you... ok lang naman siguro diba kung ipapafeel ko saiyo na gusto kita. Di naman sa aagawin kita." Naawa ako kay Drew kaya ngumiti nalang ako bilang ganti.
Alam ko namang marami pang mga babae dito sa school, makakahanap pa siya ng higit saakin.
Hinintay ko nalang ang mga barkada ko sa labas ng school. Para sabay-sabay na kami kumain ng lunch. Hindi na kasi ako pumasok pa pagkatapos namin magkausap ni Drew. I felt really sorry for him.
Dumating din naman ang mga kutong lupa kaya agad kami pumunta don sa palagi naming kinakainan.
Habang umoorder yung iba napapansin kong may parang tumitingin ng bawat galaw ko. Kinikilabutan ako kaya agad kong inilibot ang paningin ko at maynapansin akong taong nakaitim tinitingnan niya ako at nung napansin niyang tinitigan ko siya pina andar niya yung motor niya at umalis. Weird.
"Ok kalang?" Tanong saken ni Bryce.
"Oo naman. Teka .. asa nga pala sina Kyla at keyde?"
"Papunta na sila dito hihintayin ko nalang si kyla para sabay na kaming makapag order" gustong gusto talaga ni Bryce si Kyla kahit alam naman nitong walang pagtingin si kyla sa kaniya.
Kung tutuosin hindi naman talaga ganun kasama ang mukha ni bryce. Trip ko lang talaga siyang asarin na mukhang aso kasi inaasar din naman niya akong duwende.
Matangkad si bryce, moreno and gwapo di naman. Ewan ko ba kay kyla kung anong trip niya sa mga lalaki. Di naman kami ganun ka close. Mas close kasi ako sa mga barkada kong lalaki. I'm one of the boys ika nga.
After dumating ni kyla at keyde ay kumain na sila bryan. Di ko parin matanggal sa systema ko yung kaba kung bakit ako tinitingnan nung lalaki kanina. What the hell was that?
"Guys. Uwi na muna ako see you tomorrow kapag gaganahan akong pumasok mwwuah hahaha." Bigla akong tinawag ni mother nature eh, tapos yung lagusan ng tae ko namimili kaya kailangan ko talagang umuwi.huhuhu help
"Oy aabsent kana naman! Elle magtanda ka nga pano na yung grades mo niyan?" Ayan na naman si tatay jastine.
"Sus parang just now lang tayo. Sabi nga ni Sir Anatomy may calendar yang sinusunod si elle. M-W-F papasok yan tapos T-TH aabsent." Sabat naman ni John Opaw sa tatay kong si Jastine hahaha.
"Kala mo naman hindi mag ka-cutting classes yan pagka MWF eh umaga lang naman present yan. Di na natin nakikita ang duwende pag hapon na" ayan na naman si bryce sa duwende nyeta.
"Ohsha bahala na kayo diyan alis na ako ciao. Paki excuse nalang ako sa mga guro"
Bago ako maka alis doon narinig ko pang sabi ni kyla kung paano ko raw ba nagawang hindi mabagsak at matataas yung grades ko.
Syempre kahit ganito ako ka siraulo di naman ako pabaya sa quizzes at exams noh.
Before ako umuwi pumasok muna ako ulit sa school dahil ilalagay ko yung ibang libro ko sa locker.
Namangha ako dahil may nakadikit na black roses sa locker ko. Kinuha ko ito thinking na galing ito kay Drew, black respresents his pain siguro dahil sa sinabi ko sa kaniya kanina.
Bukas ko na lang sya pasasalamatan.
-------------
Author alert: this is my first time writing guys. Give this story a chance to grow I promise I won't disappoint. Thank you for reading and voting.
BINABASA MO ANG
READ BETWEEN THE LINES
Mistério / SuspenseI was there, I saw everything! but I kept silent I don't want to be involved. I lied to protect my peace. And that lies led me to my downfall. akala ko ok na ang lahat matapos ang nangyari noon. akala ko lang pala yun. Dahil ngayon magsisimula pa l...