#Patikimlangmuna.😘
"Augusta Rebekkah Perez! Bilisan mo diyan! Baka mabugahan na naman tayo ng apoy ng boss mo kapag naghanap iyon ng tao at wala tayo sa opisina!"
"Nandiyan na!"
Nagmamadaling pumasok si Rebekkah sa pantry at lumapit sa kaibigang sina Aira at Janna. Ang mga ito ang pinaka-malapit niyang kaibigan simula ng magtrabaho siya bilang sekretarya dito sa The Rodriguez Chemicals Corporation.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Aira sa kanya pagkaupo niya sa silyang katapat nito.
"Siyempre, binilhan ko pa si Sir Cairo ng lunch niya. Alam mo naman na hindi ako pwedeng kumain ng hindi pa siya naaasikaso, di ba?" Sagot niya bago inilabas ang baon mula sa dalang lunch bag.
Iniikot ni Aira ang mga mata sa kanya. "Kaloka ka friend! Twenty minutes before one at heto't kakain ka pa lang pero parang busog na busog ka na mapagsilbihan mo lang iyang boss mo ng lunch?" Patutsada nito.
"Boss niyo din naman iyon 'no! Saka para namang hindi pa kayo sanay eh lagi naman akong ganito kay Sir Cairo." Tugon niya kay Aira bago sumubo.
Ngumiwi si Janna. At alam na alam niya ang ngiwi nitong iyon. Kung gaano kaingay kasi si Aira ay siya namang sobrang tahimik nitong si Janna. Hindi ito usually mahilig makisawsaw. Pangiwi-ngiwi lang ito kapag may hindi nagustuhan o di kaya'y pangiti-ngiti lang kapag natuwa. Pero sa oras na magsalita ito, lagi iyong sapol. Mahihiya ka talagang magdahilan at sumalungat. Kagaya na lang ngayon.
"Hay nako, Bekkha. Kung pagsilbihan mo iyang boss natin, daig mo pa ang girlfriend! Girl, secretary ka ni Sir Cairo at hindi girlfriend, okay? Kung ganyan ka ng ganyan lagi, my gosh, tatanda kang dalaga!"
"Maka-matandang dalaga ka naman, Janna! Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko ah. Saka parte ng trabaho ng isang sekretarya na asikasuhin ang boss niya 'no."
"Parte rin ba ng trabaho mo ang pagpantasiyahan siya at gawing pamantayan sa mga lalaking nanliligaw sa iyo?"
Hindi siya naka-imik. Sabi na nga ba, dapat talaga hindi na lang niya ito pinatulan.
"Kasi kung siya ang pamantayan mo, naku, good luck na lang sa matres mo girl. Baka tuluyan na iyang pumikit."
Sunod sunod siyang napa-ubo dahil sa sinabi nito. Mabilis niyang nilagok ang tubig.
"Twenty nine pa lang ako, Janna! Kung makapag-salita ka, parang magkwa-kwarenta na ako ah! Makakahanap din ako ng lalaking magmamahal sa akin at mamahalin ko din. Masyado lang akong busy ngayon. Hayaan mo, kapag lumuwag ang schedule ni Sir Cairo, aasikasuhin ko naman ang love life ko."
"Anong akala mo sa pag-ibig? Nahahanap agad kapag nasa mood ka ng mag-hanap? Saka, iyan din ang sinabi mo four years ago pero ano ka ngayon? No boyfriend since birth pa din! Naku Bekkha, nagkakatotoo na ang sumpa! Ilang taon na lang, ipapa-raffle na iyang matres mo." Aira said while trying so hard not to laugh out loud.
Inirapan niya ito. Tuwang tuwa talaga ang lukaret habang nakikipag-high five pa kay Janna!
"Bully kayo friend?" Sarkastikong wika niya sa dalawa.
"Sinasabihan ka lang naman namin ng mga pwedeng mangyari sa iyo kapag ipinagpatuloy mo iyang useless mong pagtangi sa boss natin, Bekkha." Pangaral ni Janna sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sealed with a Kiss
RomanceAugusta Rebekkah Perez had been warned about the curse of working for Mr. Cairo Miguel Rodriguez. Ang sabi nila, tumatandang dalaga daw ang mga dalagang walang boyfriend na pumapasok sa kumpanya nito. Ang sabi niya, hindi mangyayari iyon dahil hindi...