Kylie’s POV
Nakita ko si Xavier malayo sa grupo ng mga aplikante. May yosi sa kanyang bibig habang hawak niya sa isang kamay ang bote ng mineral water. Hithit-buga siya. Paulit-ulit.
Smoker ang loko.
Nakapuwesto siya sa may bintana para doon na rin niya palabasin ang usok mula sa kanyang sigarilyo. Walang masyadong ilaw sa kwarto kaya ang tama ng liwanag ay sakto sa kanya. Sakto lamang sa kanya.
May urge akong kunin ang cellphone ko at kuhaan siya. Isang pindot lang, dahil kakaiba sa mata ang eksenang nakikita ko. Ewan. Pero maganda sa paningin ko ang dating ng isang misteryosong hubad na lalaki sa may bintana. Nostalgic. Parang scene sa isang indie film.
“Excuse me...” mahina kong tawag. Pero bingi yata ang mokong. Pisti.
Imbes na humarap, tumalikod pa siya sa akin. Saka ko napansin ang nakasabit na blue Jansport backpack sa kanyang likod. Pero mas nakaagaw ng atensiyon ko ang ibang bagay.
Tang ina ‘yan.
Oo. ‘Di pa rin siya nakadamit. Ay meron naman. Pero underwear lang. Suot ni Xavier ang itim na... alam-mo-na at kitang-kita ko ang... alam-mo-na.
Nadevirginize na ang mga mata ko. Gash. I wanna fucking slap that fucking ass.
E ano kaya kung ‘yang eksaktong tagpong iyan ang kuhaan ko sa cellphone ko? Hmmm... asa pa. E dinadaga na naman ako.
“Excuse me!” mas malakas na ngayon ang boses ko.
Lumingon siya. Nakalagay pa rin ang yosi sa kanyang bibig. “Eh?” sabi niya sabay tanggal sa earphone na nakapasak pala sa kanyang tenga. “Bakit po?”
Kaya pala hindi niya ako marinig. Nakikinig pala ng music. Syet. Hay naku Ky.
Nagkatitigan kami. Namula ang pisngi ko. Oo, chinito nga ang loko. ‘Yung balat niya parang kulay mocha ice cream. ‘Yung buhok niya medyo dry na ewan. Hindi siya ganun kaitim, tamang kayumangging kaligatan (wow deep pare). In fairness... sa unang kita ko palang ay masasabi kong... may dating siya.
“Bakit po?” magalang (o pa-effect lang kaya) niyang ulit na tanong sa akin. Inalis na rin niya sa wakas ang yosi sa kanyang bibig at tinapik-tapik ang nabuong upos dito.
Nakita ko ang kabuuan ng katawan niya. Lean. Hindi prominent ang kanyang abs pero lean. At may laman ang biceps niya. Halatang batak sa exercise.
“Uhm... Pinapatawag na kayo ni Miss Queenie, assembly niyo na para sa announcement mamaya.”
“Hmmm?” tanong niya na napapataas ang kilay.
Nakakailang kapag medyo slow ang kausap mo. “Tawag na kayo para sa briefing,” sagot ko.
Ayokong magpaapekto. Pero alam mo yun, may grabeng kakaibang matinding feeling sa pagtitig niya sa akin. Tinging malalim na tagos sa kaluluwa. O tinging parang huhubaran ka. Nyay!
Siya ‘yung tipong kayang makipaglabanan ng titigan. At susuko ka sa chinito niyang mga mata.
“Briefing,” wika niya sabay bitaw sa hawak na yosi. Apak sa yosi (Tol nakapaa ka lang, masakit ba? Hmmm... parang ‘di naman). “Briefing ba kamo?”
Tumango ako. Bingi ba ito, tanga o nang-aasar lang? Buset. “Briefing nga,” kumpirma ko.
Ngumiti siya, ngiting malandi. O dahil ba sa smirk niyang nakita ko na sa ilang Kpop idols gaya ni G-Dragon. Grabe ito. “Briefing. So briefs pala ang gusto niya, ayaw niya nito...”
BINABASA MO ANG
Let's Pretend
Teen FictionAgent Yellow is back on action. This time, on a double mission which involves his expertise: disguise and roleplaying. After accepting his cousin's request to background check a certain guy, Y will pretend to be a hawt stripper on the club. And as B...