Just like any other undercover missions that I've done in the past, lagi akong tinatamaan ng nerbiyos sa day one ng roleplaying. For me, mas okay na 'yon kesa naman sa wala kang nararamdamang kaba. It just proves na you are goddamn heck serious on your job. At ayaw mo lang namang pumalpak.
"Pre..." isang tapik sa balikat ang nanggulat sa akin. Si Drew, the cocky bastard. Naka-topless siya at skinny jeans. Nagmumura ang abs niyang pang-Cosmo. "Mukhang nasobrahan ka sa kape a... tapik ko lang nagugulat ka na."
Ngiti. Ngiting pilit na sinamahan ko ng iling. "Pre... kinakabahan kasi ako," pag-amin ko sa kanya in my fake straight Tagalog accent.
"Tss... ikaw pa ba naman Xavier!" sigaw ni Drew sabay batok sa ulo ko. "Pare, ito na ang moment natin!This is it! Imadyinin mo na lang na nasa Bench Fashion Show tayo! Whoooo!"
Niyugyog-yugyog niya ako. Drew is one hell of an intense guy. Nakasama ko na rin siya ng ilang oras habang pinapractice namin ang choreography namin for this big night. Oh mind you, ako pala ang gumawa ng buong choreo para sa event na ito and teaching Drew and Stanley is way hella hard. Insert swaggy bored face here. E kasi hindi naman sila member ng Kpop boyband unlike me, they are strippers kaya more on giling and sexy moves ang forte nila.
Parang nakainom pa rin ng Red Bull si Drew sa pagka-hyper. "This is the big night, Xav! Our big night! Nakita mo ba ang dami ng tao sa labas? Jampacked! Whooooo!"
The fuck Drew. Can you fucking calm your ass right now?
Magkasabay naming sinilip mula sa backstage na tinatambayan namin ang buong view ng club. Medyo maaga pa pero kita mong iba ang dami ng tao. Adam the owner for sure announced about this so-called big night and grand introduction of his newly hired strippers. Kitang-kitang marami ang socialites and gay patrons sa crowd. I wonder if Angel will be here tonight. Ang alam ko lang ay narito ang target ko, sina Raymond at Kylie na tanaw ko sa malayo na relax na relax na nakaupo sa isang table and sipping some alcoholic drinks.
"Dapat nagpapapogi na tayo ngayon e," muli akong hinatak ni Drew pabalik sa dressing room namin. Naroon din ang ibang datihang stripper na magsisilbi munang back-up namin para sa engrandeng gabing ito. Nakipag-bro handshake kami sa kanila bago muling prenteng naupo ang kasama ko habang hinahagod ang kanyang buhok.
"Asan ba si Stanley?" I searched for the third member of our crew, the guy with fake dyed corn slash porn yellow hair. "Siya ang may dala ng costume natin diba?"
Umiling si Drew. "Malay ko sa ugok na 'yon... Baka nga nakalimutan niyang ngayon ang big night natin e."
"Ganon? Huwag naman sana."
Naisip ko lang, what will happen after the performance? Dadaan ba kami sa pa-auction at ipapa-take home ba kami sa customers? Kailangang mabantayan ko si Kylie. Kung pwede nga sana, si Kylie dapat ang mag-take home sakin e. Wait... does she even have enough money to buy me? I should keep an eye on her and Raymond.
Napansin yata ni Mr. Presko ang pagiging sobrang seryoso ko. "Yosi? Pampakalma lang. Mukha ka pa ring ninenerbiyos e." He pulled out a cigarette from his pocket at sinindihan niya ito, walang paki sa mga taong nasa paligid niya.
Tinatakam ako ng usok ng yosi pero kailangan ko ng kontrol. Not today, asshole. "'Wag na. Salamat na lang."
"Pre... masyado kang seryoso. Ano ba kasing gumugulo sa utak mo ha?" Isang batok na naman ang ibinigay ni Drew sa akin. Sadista yata 'to e.
Sumimangot ako. "Wala." Anong gumugulo sa utak ko? This fucking investigation about this guy named Raymond.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Stanley AKA Stan Your Man. Nakangisi siya sa amin na parang bata. He was carrying a big paper bag.
BINABASA MO ANG
Let's Pretend
Genç KurguAgent Yellow is back on action. This time, on a double mission which involves his expertise: disguise and roleplaying. After accepting his cousin's request to background check a certain guy, Y will pretend to be a hawt stripper on the club. And as B...