"Tim maghiwalay na tayo pirmahan mo na iyang divorce papers na iyan,ayaw ko na sayo lalo na ngayon at pabagsak na Ang kompanya mo,Wala na akong mapapala pa sayo."sabay iwas ni Stephanie ng tingin sa asawa ayaw niyang makita nito ang kalungkutan sa mga mata niya."
"Wife,anong maghiwalay?h'wag mo nga akong binibiro ng ganyan.'diba nangako ka na sa hirap o ginhawa hindi mo ako iiwanan."pero ano to? Bakit may ganito? Sabay dampot nito sa divorce paper habang unti unting tumulo Ang mga luha nito."
Masakit sa kanya ang makitang nasasaktan ang lalaking halos buong buhay niyang minamahal at mamahalin pa,pero anong magagawa niya kung ito lamang ang tanging paraan para hindi tuluyang bumagsak ang kompanya nitong dugo't pawis Ang pinuhunan nito."
"Sige na tim permahan mo na yan para makaalis na ako at huwag mo na rin isipin ang mga pinapangako ko sa iyo dati dahil Hindi lahat ng promises ay matutupad." Nakatungong Sabi niya pa sa asawa."Agad tumayo Ang lalaki at agad siyang niyakap nito nang sobrang higpit.'wife please h'wag naman ganito oh! Hahanap ako ng paraan para hindi tuluyang babagsak ang kumpanya natin,huwag mo akong iwan ikaw na nga lang nagbibigay ng lakas sa akin tapos iiwan mo pa ako."
"Please timothy permahan mo nalang yan at nang makaalis na ako."walang emosyong sabi niya sa asawa sabay tanggal nito sa pagkayakap nito sa kanya."
"Ito ba talaga ang gusto mo wife? Sige pepermahan ko Ito,pero hindi ibig sabihin na susuko na ako sa iyo dahil ikaw lang ang pinapangarap ko na makasama hanggang sa huling hininga ko." At pangako ko na magsusumikap ako para makabangon ulit Ang kumpanya at pagdating ng araw na matatag na ulit Ito hahanapin kita kahit saan para mapa sa akin ka ulit."agad pinermahan ni timothty Ang divorce paper nila ng asawa,habang si stephanie naman ay pigil hininga at pigil ang mga luha."
"Ito na."ikaw na Ang bahala sa mga iyan,may Isa Lang akong hihilingin sayo bago ka umalis,pwede ko bang mahalikan ang asawa ko sa huling pagkakataon."agad na lumapit si stephanie kay timothy at siya na mismo ang unang humalik dito." Bawat paghalik ay puno Ito ng pagmamahal."si Timothy na mismo ang pumutol sa halikan nilang dalawa ." Wife,saan ka man magpunta Sana mag iingat ka palagi at sana kumain ka sa tamang oras dahil wala na ako sa tabi mo para paalalahanan ka."pagkatapos niya iyon sabihin ay agad na siyang tumalikod at pumanhik sa kwarto nilang mag asawa,ayaw niya itong makita na lumabas ng bahay dala ang maleta nito mas lalo siyang masasaktan."
"Pagkaayat ni Timothy doon din pinakawalan ni Stephanie ang mga masaganang luha sa kanyang mga mata sabay hila ng maleta niya palabas ng bahay nilang mag asawa, ang bahay na puno ng mga masasayang alaala nilang mag asawa."
BINABASA MO ANG
"A wife sacrifice"
Cerita Pendekgaano mo man kamahal ang isang tao, kailangan mo pa rin itong masaktan para sa ikabubuti ng lahat." a wife sacrifice kadalasan ito ang nangyayari sa buhay ng mga maybahay kailangan magsakrapisyo para sa Asawa at anak.