"Kinabukasan nagising ng maaga si timothy at agad niyang kinuha Ang cellphone nang asawa na naiwan nito,agad niya itong tiningnan,walang kahirap hirap niya itong nabuksan dahil walang password na nilagay ang asawa niya.
"Pagkabukas niya sa cellphone ay bumungad sa kanya ang mukha nilang dalawa ng asawa niya dahil iyon ang naka screen wallpaper nito,
Agad na tiningnan ni timothy ang mga message nito,at doon napatigil si Tim ng tingin sa isang number na naka unregistered number pero familiar ito sa kanya.Bawat basa niya sa mga message ay unti unting napakuyom ang kanyang mga kamao."
Tama nga ang mga kaibigan niya sa paghihinala kay nico."So sa simula palang si Nico na ang dahilan na nagkaproblema ang kompanya at sa pagka aksidente ko at sa maging pakikipaghiwalay ng kanyang asawa dahil tinakot niya ito."
"Puno ng galit na dinial ni timothy ang number ni nico.Hindi nagtagal ay sinagot naman nito ang tawag niya.
Hello!kuya napatawag ka may problema ba? Agad na tanong nito sa kanya.
"Nasaan ka ngayon at bakit hindi ka man lang nagpapaalam na magleave ka?pinigilan ni timothy ang sarili na hindi n'ya masigawan ang kapatid,kailangan niya munang magmahinahon para hindi isipin nito na alam na niya ang lahat."
"Pasensya kana kuya hindi ako nakapagpaalam sa iyo urgent kasi ang pinunta ko dito sa canada,pero don't worry kuya next day uuwi na rin ako d'yan.
"Kahit na urgent iyang pinuntahan mo sana nagtext ka man lang diba lalo na at may problema tayo sa kompanya ngayon,at sa kasamaang palad iniwan na pati ako ng asawa ko."sinadyang sabihin iyon ni timothy Kay nico para malaman nitong tumupad ang asawa sa usapan ng dalawa."Ano kuya iniwan ka ng asawa mo?" Ang kapal din naman pala ng mukha ng babaeng iyon para iwanan ka pagkatapos mo siyang ,pag aralin at mahalin ng tapat, nagkaproblema ka lang sa kompanya iniwan ka..tsk,tsk gold digger nga naman.
"Sabi ko naman sa iyo kuya na dapat si Martha nalang iyong pinakasalan mo Mahal na Mahal ka nun at isa pa mayaman ri yun."Napa smirk nalang si timothy sa tinuran ng kapatid.
Wala na akong magagawa Nico nangyari na ang dapat mangyari at tama ka kung sana si martha nalang iyong pinili ko mas lalo pa siguro lumago ang kompanya natin."gustong niyang masuka sa mga sinasabi niya.
Si Martha Ang babaeng patay na patay sa kanya noon na halos maghubad na sa harapan niya para mapansin lang niya, si Martha rin Ang gumawa ng mga bagay na maaaring maikasisira sa kabilang dalawa ni Stephanie, pero dahil sa mas may tiwala kami sa isa't isa ni Stephanie Hindi ito nagtagumpay sa mga paninira nito sa kanila."
"Pero ngayon nagtagumpay ito dahil sa tulong ng kapatid niya dito,kaya Hindi rin siya titigil na hindi magbabayad Ang mga ito sa kanila."
Pagkapos ng tawag niya sa kapatid ay ay agad niyang tinawagan ang mga kaibigan niya.
"Mga bro pwede ba pumunta muna kayo rito may importante lang akong sasabihin sa inyo, ayaw kung sa office tayo mag usap."
Sige bro dadaan kami d'yan sa bahay mo."
Hindi rin naman nagtagal at dumating na kaagad ang dalawang kaibigan niya."
"Balita bro?! Sabay na tanong ng dalawa sa kanya.
Bro nabuksan ko na ang cellphone ng asawa ko at doon ko nakita ang mga message ni nico sa asawa ko ,dahil Wala namang number si Stephanie Kay nico ay unregistered lamang ito,pero ng tiningnan ko ang number dito sa cellphone ko doon ko nalaman na kay nico pala iyon."
At doon ko na kumpirma na siya din Ang may kagagawan ng aksedinte na nangyari sa akin,at hindi lang siya nag iisa sa mga plano niya kasama niya si martha."
Tinakot nila si Stephanie na kung hindi pa siya aalis sa tabi ko sa kabaong na daw Ang huling pagkikita naming dalawa.
At gusto rin ni Martha na pasakitan ako ni Stephanie ,na magfile siya nang divorce paper para kung saka sakali man na masyado akong masaktan at maghahanap ng karamay siya na ang lalapit sa akin at gagawa ng paraan para mabuntis ko siya at wala na akong excuse para pakasalan ko siya kaagad."
Napakasama talaga ng babaeng iyon bro, tsk!
Sinabi mo pa,buti nga matalino din talaga itong asawa mo bro,dahil kahit sumunod siya sa mga gusto ng dalawang demonyong iyon,ay nag iwan naman siya ng evidence para makatulong sa inyong dalawa."
Anong plano mo ngayon bro?
Nalaman mo na ipakulong mo ba sila deritso?""Nope! Pinaglaruan nila kaming mag asawa kaya gagawin ko rin ang gusto nilang mangyari."smirk".
Anong ibig mong sabihin bro na buntisin mo talaga iyong martha na iyon?"
"Baliw ka ba bro? Ba't ko naman bubuntisin iyon,iisang babae lang gusto ko na maging ina ng mga anak ko noh! Si Stephanie lang.
So ibig mong sabihin magpanggap ka na broken hearted ka talaga para lalapit sa iyo ang babaeng iyon?"
Yeah! At kailangan ko kayong dalawa dito sa plano ko." Matutulungan niyo ba ako?"
Of course! we can help you anytime bro!
Habang pinag uusapan nila ang mga plano nilang gawin para mapasakay Ang dalawang may pakana para pahirapan silang mag asawa.
Si Stephanie naman ay nanghihina sa kasusuka Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya dahil Hindi pa siya umalis sa poder nilang mag asawa ay nararamdaman na niya ito,may hinala na siyang buntis siya pero hindi muna niya ito pinagtuunan ng pansin dahil sa kaiisip niya kung ano ang gawin niya para tumigil ang mga ito sa binabalak nitong masama sa asawa niya,may duda na siya Kung sino ang mga ito ,pero mas pinili niyang hindi magpadalos dalos at sundin na lamang ang mga gusto nitong mangyari."
Kaya naisipan niyang iwanan nalang niya ang cellphone niya,Sana nga lang nakita ni timothy iyon."sigh".
Miss na miss na niya ang lalaki lalo na ang mga panlalambing nito sa kanya pero wala siyang magagawa lalo na at alam niya na lagi siyang pinapasundan ng mga tauhan nito kaya kailangan niyang magpanggap na sobra niyang mesirable,para hindi maghihinala ang mga ito.bumili rin siya ng cellphone na katulad na katulad sa luma niyang cellphone para hindi maghihinala ang mga ito na iniwan niya Ang cellphone niya sa bahay nilang mag asawa."
Lahat ng hakbang na ginawa niya ay napagplanohan niya itong mabuti, at umaasa rin siya na Sana nakita ng asawa ang lumang cellphone niya at gumawa na rin ito ng paraan para matapos ang lahat."

BINABASA MO ANG
"A wife sacrifice"
Historia Cortagaano mo man kamahal ang isang tao, kailangan mo pa rin itong masaktan para sa ikabubuti ng lahat." a wife sacrifice kadalasan ito ang nangyayari sa buhay ng mga maybahay kailangan magsakrapisyo para sa Asawa at anak.