"Iha,sige iiyak mo lang,Kung hindi mo pa kayang ikwento ang lahat, okay lang saka mo na ipagpatuloy kung kaya mo na."agad niyang niyakap ang tiyahin at doon siya umiyak sa balikat ng tiya niya."
"Sa kabilang banda ay naglalasing din si Timothy at sinamhan ito ng mga barkada na sobrang naawa sa kalagayan niya." Pero isa sa barkada niya ang hindi natuwa na naglalasing lang siya."
"Pwede ba bro tama na, halos araw araw ka na lang ata na kaharap ang bote ng mga alak na iyan!"sa tingin mo ba babalik Ang asawa mo kapag lagi kana lang naglalasing d'yan." Bro baka nakalimutan mo na may kumpanya ka pa na kailangan makabangon kaya please lang,back to your senses,Hindi porke iniwan ka nang asawa mo titigil na rin ang buhay mo."
"Iyan Marco ang madali sa iyong sabihin dahil wala ka naman sa sitwasyon ko,alam niyo kung gaano ko kamahal ang asawa ko na siya Ang buhay ko,pero wala na,iniwan na ako na hindi ko nga kung ano ba talaga ang eksaktong dahilan niya."tumulo na naman ulit ang mga luha niya,oo bakla man tingnan pero anong magagawa niya sobra siyang masasaktan.""Kaya nga itigil mo ang kakainom mo ng alak d'yan at alamin mo kung ano ang dahilan,dahil sa pagkakaalam ko sobra kang Mahal nang asawa mo para iwanan ka."dahil sa nakikita ko sa mga panahon noong naaksidente ka wala siyang plano na iwan ka,ni ayaw nga noong umalis sa tabi mo."
Kung ako sa iyo bro mag imbistega kana habang maaga pa at makasama muna ulit ang pinakamamahal mong asawa." Don't worry bro dahil tutulungan ka namin ni Kent."sabay tapik nito sa balikat ng kaibigan."Salamat sa inyo,teka nasaan nga pala si Nico parang ang tagal na niya atang hindi nagpapakita?" Takang tanong no Timothy sa mga kaibigan."
" Balita ko bro nasa Canada iyon noong nakaraang buwan pa iyon,ewan ko ba sa lalaking iyon hindi man lang tumatawag kahit ni isa sa atin."
"Hindi ka pa nasanay sa lalaking iyon ,palagi naman iyong missing in action kahit nga nakaratay itong si timothy sa hospital hindi nga yun bumisita."Bro kayo ba ni Nico ay may pinagtatalunan o something na hindi kayo nagkakasundo sa isang bagay?" Diba kinakapatid mo siya pero napapansin ko noong college tayo hindi na kayo masyadong nagkakausap ang tahimik din ni Nico parang ang laging tahimik."tanong no Marco kay tim.
"Noong last natin sa college bro nalaman ko na anak pala siya ni daddy sa labas, at doon nagbago ang lahat ng pakikitungo namin sa isa't isa at mas lumala pa noong sa akin ni daddy pinamana ang kumpanya niya."pero naging okay naman kami noong siya din ang naging coo ng kumpanya, pero hindi nga lang naging tulad ng dati ang closeness namin tulad ng dati."
"Bro hindi ka ba nagtataka kung bakit nawala si nico simula noong nagka problema ang kompanya ninyo, diba dapat kayong dalawa ang nagtutulungan para Hindi tuluyang babagsak ang kompanya.""Anong ibig mong sabihin Marco?"pinagdududahan mo ba ang kapatid ko?
Bro, don't get me wrong ah,pero nagtataka lang talaga ako sa mga kinikilos ni Nico noong mga nakaraang buwan.
"Diba sabi mo nga na nagkaroon kayo nang hindi pagkakaunawaan?" Kung ako sayo bro imbistigahan mo na siya bago pa ikaw ang maunahan kung siya man ang may kagagawan ng lahat ng nangyari sa iyo.""Sige bro,bukas na bukas babalik na ako sa kompanya at sisimulan ko na ang dapat kung gawin para malaman ko ang katotohanan."
Tinawagan mo ba si stephanie bro pagkatapos niyang umalis dito?"tanong ulit ni marco kay tim.
"Hindi bro eh,ayaw ko rin muna kasi siyang guluhin."Bakit kaya hindi mo i try magtanong sa kanya bro baka may alam siya sa lahat ng nangyayari.
"Bro tawagan mo kaya ngayon!
Agad kinuha ni timothty ang kanyang cellphone para tawagan ang asawa, pero laking gulat nila ng nasa ilalim ng sofa Ang tumutunog na cellphone,agad sinilip ni marco at doon nga nakita nila ang cellphone ni Stephanie."
"Bro bakit iniwan ni Stephanie ang cellphone niya rito?"naguguluhang tanong ni marco.
"Akin na bro,Kita nalang tayo ulit bukas,baka hinahanap na rin kayo Ng mga asawa niyo,pasensya na kayo mga at pati kayo naabala ko."
Ano kaba bro ano pa't magkaibigan tayo kung hindi naman tayo nagdadamayan."
Sige bro bukas ulit tutulungan ka namin para matapos ang problema mo."
"Salamat Marco at sayo Kent."nakangiting pasalamat niya sa dalawa.Sige bro aalis na kami, h'wag kanang maglasing dito ah.
Sige bro,yeah hindi na ako iinom ng alak dahil hindi naman iyon ang makakatulong sa akin.
"Nang makaalis Ang mga kaibigan niya agad siyang pumanhik sa kwarto nilang mag asawa pagkatapos niyang maisarado ang pinto."
Pagkapasok niya sa kwarto nila ay nararamdaman na naman niya ang pangungulila sa asawa."
BINABASA MO ANG
"A wife sacrifice"
Short Storygaano mo man kamahal ang isang tao, kailangan mo pa rin itong masaktan para sa ikabubuti ng lahat." a wife sacrifice kadalasan ito ang nangyayari sa buhay ng mga maybahay kailangan magsakrapisyo para sa Asawa at anak.