Chapter Three: Academia Celestia

1 0 0
                                    

Chapter 3: Academia Celestia

Ayano

             ALAS-SINGKO ng madaling araw. Mulat na mulat na ang aking mga mata habang nakatitig sa kisame. Napaaga ako ng gising. Paulit-ulit pa rin sa aking isipan ang mga nangyari kahapon at kagabi.

I've had enough and after everything I've found out, I don't think I could get out of this room. I couldn't even find the courage to stand up. I just wanna go back to sleep and wake up on my old bedroom.

Habang ako'y nagmumuni-muni ay nakarinig ako ng magkakasunod na ingay mula sa doorbell ng condo. Napabuntong hininga nalamang ako at bumangon mula sa aking pagkakahiga.

Agad akong naglakad papunta sa front door at binuksan ang pinto. Natigilan ako ng makita ko kung sino ang nakatayo ngayon sa harap ko.

"Hindi ka ba nagsasawa sa kasasakay diyan? Uso maglakad, walang maniningil sayo." anang ko at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Woah, sumusungit ka ata ah? May dalaw?" pang-aasar niya.

Pumasok ito sakay ng scooter niya. Well, sino ba naman ang kilala kong nakasakay sa scooter.

No other than Killian Dusk De Courdrey himself.

"Walking is too tiring. " anang niya saka ako pinakatitigan.

"Maligo ka na nga! Lalabas tayo. First day of school tapos male-late ka? Hayst, sabay na tayong mag-agahan." anang niya saka pumasok sa kwarto ko. I followed him and saw him rummaging through my stuff. Then he looked at me.

"Ano? Tatayo ka lang ba diyan? Go, wash yourself. I'm picking your clothes, we're going to eat breakfast outside."

I pouted. "Sungit." bulong ko sabay pasok sa banyo.

Killian

         PAGPASOK niya sa banyo ay agad kong inilagay ang isang maliit na device sa apat na sulok ng kanyang kwarto. Lumabas din ako at nilagyan ang lahat ng bahagi ng condo niya. The device I put is called 'Oculus' which means 'Eyes'. Don't get me wrong, hindi ko siya bobosohan. I'm not a stalker.

She is my top priority for now and her safety is my responsibility. I recieved a call coming from the Head Principal and was informed about her case after I accompanied her in her Condo.

Kaya lang ay limitado ang ibinigay nilang impormasyon. Ang tanging sinabi lang sa akin ay nagmula siya sa isang makapangyarihang angkan at dapat protektahan at bantayan.

Sa biglaang pagdating niya dito ay hindi dapat maapektuhan ang sistema ng paaralan.

I am so confused about what he said but I was told that I must keep my eyes on her, guard her and keep her safe. And invading her privacy is one of the ways to keep her safe.

Dapat ay alam ko lahat ng impormasyon tungkol kay Ayano, but when I searched about her on the student's profile, The informations are limited and some files are somewhat restricted.

Inihanda ko na ang susuotin niya. I was told that she is quite ignorant of how the world works as she was isolated as she grow up. She's too innocent to be put into this place. Somehow, I felt the urge to protect her. I see her as a cute little sister I wish I had.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon. Iniluwa ang nakatapis at basang si Ayano na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa akin. Yeah, I know this is totally awkward. Napaiwas ako ng tingin at tumikhim.

"H-Handa na yun susuotin mo. I suggest you get dressed and then fix your stuffs. I'll wait you on the living room. E-Excuse me."

Ayano

Game of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon