Lauren POV
*Baaaaaang!*
Nang marinig ko ang pagputok ng baril, hindi ko muna pinaandar ang kotse ko. Naghihintay ng tamang oras, tamang timing.
Mariin kong tinititigan ang bawat kotse. At nang makakita ako ng isang kotse na naiba ng direksyon dahil sa isa pang kotse, yun na ang oras.
I started the engine at 250 km/h. And in just a snap, naunahan ko ang lahat.
I smirk as I saw their disappointed face dahil sa ginawa ko. I focused my eyes on the road. Hindi ko na narinig ang sigawan ng mga tao but I don't care.
Malapit na ako sa first flag nang may naramdaman akong papalapit sa akin. Napatingin ako sa kaliwa ko. There's a dagger there. Meron din sa kanan. Palapit na ang dalawa.
I stopped my car harshly dahilan para magtama ang dalawang dulo ng dagger.
Napatingin ako sa rear view mirror. Merong isang kotse na malapit na sa lugar ko. Ini-start ko agad ang engine ko at pinaharurot ulit ang kotse ko sa bilis.
Pero nang mapatingin ako sa harap, merong isang kotse na naunahan ako. Tsk.
Binilisan ko ulit ang pagpapatakbo. Pero nakarinig ako ng malakas na pagbungguan ng ibang kotse.
Napatingin ako sa rear view mirror.
Apat na kotse ang nagbanggaan. Dalawa ang nasusunog sa ngayon.
Napailing ako. Tsk.
Pinabilis ko ulit ang engine ko.
Nasa tapat na ako ng kotseng naunahan ako.
Tumingin ako sa side mirror. Hindi ko makita ang itsura niya. Tinted ang kotse.
Ganun na lamang ang gulat ko nang bagalan niya ang kotse niya. Dahilan para mauna ako.
Why did...
Napailing ako.
Concentrate, Lauren.
Tumingin nalang ako sa daan.
***
Bawat street na nalagpasan ko ay may obstacle at kailangan kong malampasan. Good thing, nauunahan ko sila.
Lima nalang kami. Hindi ko alam kung pang-ilan ang mga gang na nasa likuran ng kotse ko.
*Baaaanng!*
Napatingin ako sa likod.
Two cars bumped into each other. Yung isa naman, nakaiwas at nakasunod. Tatlo nalang kami ngayon. Katatapos lang namin sa 2nd street wala nang nagsisigawan na tao.
Tinuon ko ang tingin ko sa daan.
1 hour and 36 minutes na kaming nagkakarera.
Nangangalahati na ako sa finish line. I straightened and tightened my grip on the wheels of my car. I looked intently sa daan.
I was about to step on the accelerator but something bumped into my car from behind.
It's a black Buggati. Because of that, nauna ang grey lamborghini. Tsk. Damn it!
Pumantay ang Buggati sa kotse ko. Ibinaba ko ang side window to breathe some air. Pero nagulat ako nang ibaba din niya ang side mirror niya.
Napatingin ako doon.
He's a guy wearing a black glasses.
He smirk and pointed a silver dagger at me pero hindi siya nakatingin. Nakahawak ang isa niyang kamay sa wheel ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
Vigorious Gangster
Action"You never know how strong you are until being strong is the only choice you have."