Chapter 9

2.8K 37 1
                                    

"Kuya. Si Randal nandito" sinundan ni Selah ang kapatid sa kusina matapos niya makipag usap sa telepono. Di niya alam paano nakuha ng lalaki ang kaniyang cellphone number. Stalker ba siya?

Buong pagtataka ang gumuhit sa mukha ni Briar. Nakuyom nito ang kaniyang kamao dahil sa narinig. Nagseselos siya noong nakapartner nito ang kapatid sa isang project.

"Bakit siya nandito? Paano niya nalaman na birthday mo ngayon?"

"Di ko din alam eh. Papasukin ko ah?"

"Paalisin mo yon" nakapamulsa itong tinungga ang isang bote ng beer.

"Sayang naman ang effort non makapunta dito kuya. Tsaka malay mo baka may dala iyong regalo sa akin"

Kumunot ang noo nito at pabagsak na inilapag ang bote sa kitchen counter. Di naman iyon narinig ng mga bisita kasi malayo ang kusina at silang lahat ay nasa sala pa, kumakain. Maagang uminom si Briar at tila pa nauuhaw sa alak.

"Gusto mo naman?"

"Uhh... Sige na kuya. Ngayon lang to. Promise di ako didikit sa kaniya" nakataas pa ang isang kamay nito na parang nagpapanatang makabayan.

"Siguraduhin mo talaga kundi patay ang lalaking iyan sakin. Humanda siya.

"Yeyyy thank you kuya" niyakap ni Selah si Briar at hinalikan pa sa pisngi.

Biglaang pagtawag ni Randal ulit sa cellphone ng dalaga. Agad naman nitong sinagot ang tawag. Sinenyasan niya itong i loudspeak para marinig niya ang pag uusap nilang dalawa.

"Hey, where are you?"

"On my way."

"Okay. Take care can't wait to meet you"

Nag end call na si Selah at siya namang pagmamaktol ng matandang kapatid.

"May pa take care pa ang gagong yon ah. Makakatikim talaga siya sakin pag ginalaw ka niya. Distansya ah"

Natawa nalang siya sa inakto ni Briar. Ano yan? Social distancing? Quarantine ba?

"Opo"

"Hindi ako nagbibiro, Selah" seryoso na ang tono ng boses nito. Tinungga na naman niya ang bote ng beer hanggang sa maubos na ang laman non.

His brother looks hot while drinking that beer. Nakakabasa ng panty. Ibinura niya agad iyon sa isip niya. Ang harot niya talaga.

"Samahan na kita. Wala akong tiwala sa gunggong na iyon" nauna na itong maglakad palabas sa kusina. Nakita niyang may ibinulong pa ito sa kanilang ina. Tumango naman ito. Nauna na siyang lumabas sa pintuan na sinundan naman niya agad. Di nito alam kung may lahi ba ito ni Quicksilver ang kaniyang kuya dahil nasa kabila na agad ito ng daan. Parang mas excited ba ata ito makita si Randal ah. She smells something fishy. Yaoi. Umiling nalang ang dalaga sa kaniyang pag iisip. Epekto ata ng gutom, kung ano ano na ang pumasok sa isipan. Di niya namalayan ang pag harurot ng isang truck. Malakas ang pagkakabangga, natilapon si Selah sa malayo. Si Briar naman ay lumingon at tila huminto ang pagtibok ng kaniyang puso sa nakita. Ang driver ng ten wheeler truck na nakabangga sa babae ay hindi man lang bumaba para tingnan iyon. Iniba nito ang daan na tinahak at pinatakbo ang truck. Talaga namang walang konsensya ang driver non. Tumingin siya sa kabilang daan kung nakasunod ba talaga ang kapatid niya pero wala ito doon. Nakukutuban na siya.

"Selaaaaaah" maluha luha niyang tinakbo ang kinaroroonan ng biktima. Sana di totoo ang kaniyang naisip. Sana nanaginip nalang siya, matanggap pa niya iyon. Palakas nang palakas ang tibok ng puso niya hanggang sa makalapit ito sa nagkukumpulang tao. Mabilis pa sa alas kwatro ang tsismisan ng mga tao ni wala man lang tumulong dito.

"Paraanin niyo ako!" pasigaw nitong tugon sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang magbulungan. Siniksik niya ang sarili para makita niya kung sino ang biktima at gumuho ang kaniyang mundo. Napaluhod 5iya nang makita ang kaniyang kapatid na duguan at walang malay. Nanginginig ang kaniyang kamay at di makagalaw. Si Selah, ang mahal niya, ay nakahandusay sa daan.

"S-selah..." dahan dahan niyang inabot ang mukha ng dalaga at hinaplos iyon. Rumaragasa na ang mga luha sa kaniyang mukha. Niyakap niya ang kapatid at paulit ulit na tinawag ang pangalan at niyugyog.

"S-selah, w-wag mo ako iwan..." kumirot ang puso ni Briar. Hindi niya matanggap ang nangyari. Bakit ba sa kaniyang mahal pa ito nangyari?

Ilang sandali pa ay narinig niya ang tunog ng ambulansya. Inilagay na si Selah sa stretcher tsaka sinakay sa ambulansya. Si Briar ay sumama na din para bantayan si Selah, hawak hawak nito ang kamay at patuloy na kinakausap ang walang malay. Nanalangin din siya sa Diyos na sana mailigtas ang dalaga. Alam niyang marami silang ginawang mali pero lumalapit pa din siya sa Panginoon para magdasal.

"Please hold on. Don't leave me" halos pabulong at pumiyok na ang boses ng binata sa kakaiyak. Sa wakas, nakarating na din sila sa ospital.

"Dito na muna kayo sir" sabi ng nurse at isinara na ang pinguan sa ICU. Napahilamos siya sa mukha. Sinisi niya ang sarili sa nangyari sa kaniyang kapatid. Kung di lang sana siya naunang maglakad edi sana di mabangga si Selah. Mabantayan pa niya ng maigi ang kaniyang mahal. Pabalik balik ang lakad niya sa hallway. Pinagtinginan pa nga siya ng tao pero wala siyang pakialam. Ang gusto lang niya ay mailigtas ang kapatid. Nagdasal siya ng paulit ulit.

"Sana mailigtas pa siya. Pasensya na po at ngayon lang ulit ako lumapit sa inyo. Hindi ko kaya mawala si Selah sa akin" walang lakas na bumagsak siyang umupo sa bench. Hindi pa niya nalinis ang sarili. Puno pa ng dugo ang damit niya. Hindi siya aalis hanggang wala pang maibigay na balita ang mga doctor sa kaniya.

Isang oras pa lang ang lumipas nang makatanggap siya ng tawag ng kaniyang ama.

"D-dad?"

"Son, where the hell are you two? Bakit hindi pa kayo bumabalik?"

"Dad" humikbi na si Briar. Di niya kayang itago lang ang naramdaman.

"Umiiyak ka? Bakit?" kinabahan na ang ama sa kabilang linya. Ganon na din ang ibang tao doon sa bahay na nakikinig din sa usapan nila.

"S-si Selah..."

"Anong nangyari?"

"N-nasa ospita k-kami--"

"What?" pupunta na kami jan.

"Maiwan na muna kayo dito."

"Sasama kami..."

"Tinakbo ng mag asawa ang nakapark na sasakyan. Ang iba naman ay lumabas na din sa condo at sumakay sa kotse nila Dawson at Kit. Naghati nalang sila sa kasya ng sasakyan tutal malalaki naman ang mga kotse nito. Sinundan nila ang kotse ng mag asawa patungog ospital.

Si Briar ay nakatulala pa din sa kawala. Naghihintay siya sa updates ng doctor kasi hindi padin sila lumabas.

Maya maya pa ay lumabas na ang doctor "Are you the relative of the patient?"

"I am"

The doctor heaved out a deep sigh. Sadness flashed on her face.

"I'm sorry but we did everything we could but she didn't made it"

"Ano? Hindi ako naniwala na wala nang ibang paraan. Iligtas niyo ang kapatid ko!" niyugyog nito ng malakas ang balikat ng doktor. Napasalita siya ng tagalog nang wala sa oras dahil sa galit. Alam niyang may magagawa pa pero di nila sinubukan. They should try harder.

Bakas sa mukha ni Briar ang galit, lungkot at pagkadismaya. Hindi gumalaw ang doktor kasi naintindihan nito ang naramdaman. "I'm so sorry, sir." The grip on her shoulders is tight at nang lumuwag ito ay siya ding paglakad papalayo ng doktor.

"Briar, what happened?" narinig niya ang boses ng ina na sobrang nag alala. Papalapit ito sa gawi niyang nakaluhod. Nanghihina ang kaniyang katawan. Sobrang gulo ng isip niya. Parang ang bilis ng pangyayari. Okay pa naman kanina tapos biglang ganito.

"AAAAHHH~" isang malakas na suntok ang pinakawala ni Briar sa sahig dahilan para magdurugo ang kamay nito. Paulit ulit niyang sinuntok ang sahig. Narinig niya ang paglapit din ng iba pa nilang kaibigan. Naaawa sila sa binata dahil siya ang naapektuhan sa lahat. Malungkot din ang mga magulang nila syempre, naiiyak na din ang kanilang ina. Ang kanilang ama naman ay walang ibang nagawa kundi ang yakapin ang mag ina. Sobrang lungkot ang sinapit nila. Selah is their only princess at nawala pa ito sa kanila. Di pa nga nila naamin ang relasyon nilang dalawa pero agad naman itong kinuha sa kanila.

Forbidden Love (AN INCEST LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon