Huling Silong

8 0 0
                                    

[Be aware of typographical and grammatical errors. My apologies.
-realtadep]

-realtadep]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Panimula



"Hindi ka ba napapagod mabuhay?"



Lumingon ako kay Makoy dahil sa sinabi niyang 'yon. Kasalukuyan kaming nasa waiting shed ngayon at nagpapatila ng ulan. Wala kaming dalang payong, mabuti may waiting shed dito malapit sa eskuwelahan namin. Kaming dalawa lang ang eksaktong nandito.



"Nakakapagod mabuhay, Shiela." nakita ko ang pag-ngisi niya. Sa pagkakakilala ko kay Makoy, hindi siya 'yung taong bigla na lang babanat ng mga ganito.



Masayahin naman siya dati, pero sa paglipas ng panahon, bigla na lang siyang nagbago. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Hindi ko na naririnig ang mga tawa at mga biro niya. Madalang na lang kung magsalita, madalas pang nakatulala sa kawalan. Hindi ko talaga alam ang nangyari, hindi siya nagsasabi. Kaya akala ng lahat, ayos lang siya. Hindi pala.



"Paulit-ulit na lang. Cycle. Gigising ka madaling araw pa lang, walang laman ang tiyan, maghahanda para may mailakong pandesal. Kailangan mong bilisan, bago sumikat ang araw dapat nakauwi na dahil mahuhuli ka sa klase."



"Hindi sapat ang pera mo papunta sa school, walang pagpipilian kung hindi maglakad. Kakain pa ba ng isang buong meal para sa tanghalian? Pandesal na lang din, dahil 'yon lang naman ang available, eh. 'Yon lang nakayanan, ayos na 'yon."



"Kung minsan, hindi pa maiwasang makatulog sa klase kahit sa anong kagustuhan mong makinig at matuto. Wala eh, kung hindi ka sana nagtrabaho nang gabi edi sana hindi ka aantukin. Kung hindi ka rin nagtrabaho nang gabi, sana wala ka rin sa eskuwelahan, panigurado... nasa lansangan ka o 'di kaya nama'y sa kangkungan."



"Sa pag-uwi, hindi na dapat sumakay ng jeep. Ipunin na lang para kung sakaling may biglaang ambagan para sa proyekto, may pambigay, hindi na mangangamba pa. Pag-uwi, hindi mo dapat kalimutan ang mga gawaing bahay. Ikaw na lang ang inaasahan ng pamilya mo pagdating sa lahat, dapat kang kumilos."



"Bago mag-gabi, kailangan nasa palengke ka na o 'di kaya nama'y sa lugawan ni Aling Nasyon, salitan, maalin sa dalawang trabaho kailangan mong pasukan para sa kakarampot na kita. Para na rin kahit papaano, makaahon sa araw-araw."



"Hanggang sa pag-uwi mo, hindi mo alam kung nakaabot ba ng isang oras ang tulog mo. Hayaan na. Panibago na namang araw, pero ganoon pa rin ang mga dapat gawin... Nakakapagod pala talaga."



Nagsimulang mangilid ang mga luha ko. Hindi ko na sana gustong makita pa ang eksenang 'to. Masakit, sobra.



"Minsan naisip ko, gusto ko na lang matapos lahat ng 'to. Nakakapagod na. Pagod na pagod na 'ko." nagsimulang pumatak ang mga luha niya kasabay ng ulan. Gusto ko siyang aluin pero hindi ako makaalis sa puwesto ko. Maayos ang pagkakatindig ko pero, hindi ako makagalaw sa puwesto kong 'to.



"Naisip ko nga, parang nabubuhay na lang ako kasi kailangan. Kailangan, eh. Kailangan kong mabuhay, kailangan kong makasurvive, kailangan kong gawin 'to kahit pagod na 'ko. Kahit nawawalan na 'ko ng lakas para magpatuloy." tuluyan na rin akong napaluha.



"Pero naiisip ko kasi pamilya ko, eh. Paano na sila 'pag nawala ako, 'di ba? Naiisip ko pa lang, parang hindi ko na kaya. Nalulungkot ako lalo. Nasasaktan ako. Kaya, ilang beses man na pumasok sa isip kong kitilin ang sarili kong buhay, hindi ko ginagawa." pinunasan niya na ang mga luha niya nang mapansin na tumila na ang ulan, ngumiti siya sa'kin.



"'Wag kayong mag-alala nina Jer. Makakaahon din ako-kami. Malalagpasan ko rin lahat ng 'to. Pasensya ka na, sa'yo ko pa nasabi lahat ng 'to. Salamat sa oras mo, Shie. Tila na, una na 'ko ha?"



Hindi, 'wag kang umalis. 'Wag, Makoy. Please.



Gusto kong pigilan siya. Gustong-gusto. Kaso pati boses ko, walang lumalabas. Umiiyak lang akong nakatingin sakanya habang naglalakad siya papalayo sa kinaroroonan ko, sinuong niya ang basang daan, papatawid sa kalsada hanggang sa...mabunggo siya ng isang van at tumilapon.




Humahangos akong napabangon sa kinahihigaan ko. Panaginip. Kinuha ko ang cellphone ko at nang makita ko ang date na nakalagay sa screen lock pa lang ay naintindihan ko na kung bakit napanaginipan ko 'yon.




Isang taon, pagkamatay ni Makoy. Gaya ng nasa panaginip ko, ako ang huling kasama niya nang mga oras na 'yon. Noong una, sinisisi ko ang sarili ko dahil wala man lang akong nagawa para iligtas siya. Kasalanan ko. Sana may nagawa man lang ako.



Pero nakapagsalita pa siya bago niya kami iwan. Lumuluha siya ng mga oras na 'yon, nakangiti rin. Ang sabi niya,



"May mga... bagay lang talaga sa mundo na hindi... natin... kontrolado. Kung... nakatadhanang mangyari... mangyayari. Wala tayong... kasalanan do'n."



Wakas

[Ps. Gusto ko lang sabihin na hindi kailanman naging at magiging solusyon ang pagkitil ng (sariling) buhay para malutas ang 'yung mga problema. Stay safe. ✌🏻]

KOLEKSYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon