[Be aware of typographical and grammatical errors. My apologies.
-realtadep]Panimula
"Anjie, halika kumain ka na. May shanghai pa rito oh, saka spaghetti dala ng kapit bahay nating si Orly, birthday raw nu'ng anak niyang bunso." tawag ni Nelberto sa anak niyang si Anjie dahil panigurado niyang hindi pa ito kumakain dahil babad sa gadget ang dalagita.
"Ayoko Tay! Nakita ko masyado nilang pinaghandaan 'yung handaan nilang 'yun e!" sigaw ni Anjie sa kaniyang Ama.
"Handaan nga eh, malamang paghahandaan talaga 'yon. Pinaghandaan pala, eh bakit ayaw mong kumain nito?" nagtatakang tanong ni Nelberto habang nginangasab na ang spaghetti at isang shanghai.
"Eh nakita ko matagal na nila 'yang niluto eh! Dalawang buwan na. 'Yan 'yung hindi nila naubos na handa nu'ng bagong taon, eh!" para namang dinagukan ng buhay si Nelberto kaya't halos matumba siya sa kaniyang kinauupuan at hindi malaman ang gagawin kung wawakasan na ba ang kaniyang buhay o iluluwa ang kaniyang mga kinain.
Wakas
[Ps. Nakuha ko ang ganitong klase ng ideya kay Sir Jet Saborga. Isa siyang manunulat at mayro'n siyang fb page iyon ay, "Garantisabog Stories". Idol ko talaga siya huhu, kaya sinulat ko 'to. Kung may nagbabasa man nito, I highly recommend na basahin niyo rin ang mga katha niya sa page niya, mayroon din siyang libro sa pagkakaalam ko. SOLID mga gawa niya, pramis!!✌🏻]
BINABASA MO ANG
KOLEKSYON
RandomKoleksyon ng mga kuwentong hanggang iisang pahina lamang. Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner...