Muli

19 1 0
                                    

[Be aware of typographical and grammatical errors. My apologies.
-realtadep]

 -realtadep]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Panimula



Nasa supermarket ako at tumitingin ng mga chips na puwede kong bilhin nang may isang lalaki ang naramdaman kong tumigil malapit sa 'kin at wari ko'y tinitingnan niya ang kabuuan ko kaya napalingon ako sa kanya.

Hindi ko inaasahan kung sino ito kaya hindi agad ako nakapagbigay ng reaksyon. Nagkatitigan kami na para bang nag-uusap ang mga mata namin. It's him. Si Jolo, my ex-boyfriend, 11 years ago. Siya 'yung taong sinukuan ako dahil masyado raw akong maambisyon. Wala naman na 'yon sa 'kin ngayon dahil kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.


"Amanda? Sabi na nga ba ikaw 'yan, eh. K-kumusta?" Para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon, pero nakita ko rin sa mga mata niya ang tuwa.


I smiled at him. "Yes, Jolo. I'm good. How about you? I heard you're engaged now."


Bigla niyang naitikom ang bibig niya sandali bago sumagot, "May balita ka pa pala sa 'kin? Pero... No. N-nagback out si Katie. Hindi na tuloy ang kasal namin." Bahagya akong nagulat dahil noong nakaraang buwan ko lang naman nalaman na engaged na sila at ngayon... hindi na pala. Bakit naman kaya nag back out ang soon to be wife niya sana? I felt sorry for him.


"I-I'm sorry for that. I didn't know." I released.


"No.. No it's okay. Ginusto naman namin parehas... Ikaw, how about you? Wala na akong balita sa 'yo. Hahaha. Miss or Mrs?" Hindi ko kaagad nasagot ang tanong niyang 'yon. Bumalik sa 'kin panandalian ang nakaraan naming dalawa, hanggang sa sinabi niyang 'sumusuko na siya'.


"Attorney, Jolo. Atty. Amanda Dela Cruz." Ngumiti ako at dahan-dahan din siyang ngumiti.


"Congrats. Congratulations, Amanda. Natupad mo na ang pangarap mo. I'm so proud of you, Attorney."


Everything takes time. Mapapag-ibig man 'yan o karera sa buhay. You just need to wait for your turn. For your turn to love and your turn to your chosen path. Having these two at the same time is a blessing, but sometimes you need to give up one of these two–for you to accomplish the other one. Well again, waiting is indeed. If it's really meant for you then it is.

Wakas

KOLEKSYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon