kierra's POV
Napapikit ako habang hawak ang aking ulo sa sobra sakit nito dahan dahan kong minulat ang aking mata at nakita kong nasa isang kwarto ako na pulos puti bawat sulok at walang ibang gamit maliban sa isang kamang hinihigaan ko ngayon.
Agad akong nagtaka sa lugar na kinaroroonan ko at dali dali akong tumayo sa kama at bumaba ng bigla akong matalisod.Napatingin ako sa aking paa at naka kadena iyon.Pinilit kong hatakin ang kadenang naka gapos sa paa ko ngunit hindi ito matanggal.Halos kalahating oras nakong gising mula kanina hindi ko kakayanin ang lugar na ito kung magtatagal ako para akong mababaliw sa nakikita ko sa boung paligid ni wala akong makitang ibang kulay maliban sa puti at napansin ko ding naka sout ako ng isang kulay puti na dress.
May biglang tumunog na napakalakas at napapikit ako at napa takip sa aking tenga.Para bang tunog sa The Purge sa isang palabas na napanood ko ngunit sobrang lakas niyon.Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko dahil wala akong kasiguraduhan kung anong nangyayari sa paligid ko at kung anong lugar itong kinaroroonan ko.
Ng matapos ang malakas na tunog ay nagmulat ako ng aking mata at napatingin ako sa aking paa
Nakita ko kung paano bumukas ang bilog na naka ipit sa paa ko at kaagad ko itong hinatak.Sumagi sa isip ko ang mga kasama ko kanina hindi ko maisip kung anong oras na dahil wala akong makita na kahit anong liwanag mula sa labas.Dali dali akong lumabas mula sa pinto para alamin kung nandito din ba sila Xenah pagka labas ko ay nakita ko ang boung paligid na kulay itim kabaliktaran ito sa kinaroroonan ko kanina pati ang mga paintings bawat dingding ay parang pang demonyo ang mga nakaukit bigla akong kinabahan sa nakita ko sa boung paligid kung ano anong tanong ang pumasok sa isip ko habang naglalakad sa kung saan."Help me plssss!!!!!!!!!!"
Nagulat ako ng may isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid binilisan ko ang aking paglalakad para hanapin kung saan iyon nanggagaling maya maya pa ay nakita ko sa isang malaking sala ang mga kasamahan ko kanina lahat sila ay naka gapos at naka busal ang bibig pero si Maxine ay nakita ko sa gitna at nakaupo sa isang silya at nakatali ang kanyang paa, nakapatong ang dalawang kamay niya sa isang maliit na lamesa.Nakaturok sa kanyang kaliwang palad ang isang kutsilyo.Halos manlambot ako sa nakita ko para akong mahihilo sa sobrang daming dugo na pumapatak sa sahig kaya dali dali akong lumapit sakanya
"kierra plss help meeeeee!!"-sigaw nito sa sobrang sakit
"max, pls calm down,okay?"-pagpapakalma ko sakanya habang nakatingin sa kanyang mata"I will help you just wait"-sabi ko dito at agad akong tumingin sa paligid kung anong pwedeng gamitin para maalis ang kadenang naka tali sakanila
Habang naghahanap ako ay biglang nag senyales si Clyde at hindi ito makapag salita dahil naka busal ang kanyang bibig agad akong lumapit sakanya at inalis ang telang nasa kanyang bibig."There's..A key..Under the..Chair"-Habol hiningang turo niya saakin sa may ilalim ng upuan kung saan naakupo si maxine dali-dali ko itong kinuha at sinusian ang lock na nasa kamay at paa ni clyde at agad kaming lumapit kay max.
Inalis ko ang kadenang nakatali sa paa niya at si clyde naman ang humawak sa kanyang mga kamay
"Don't worry baby please Calm down"-Pagpapakalma ni Clyde at napatingin ako kay max puro luha ang kanyang mata at pilit na iniinda ang matinding sakit na nararamdaman.bumilang ng tatlo si clyde at walang alinlangan na binunot ko ang kutsilyo na nasa kamay ni maxine
"FUUUUUUUUUUUUCKKK!!!"Malakas na sigaw ni maxine ng mahugot ko iyon agad akong lumapit sakanya,pumunit ako ng maliit na tela sa aking damit at binendahan ko ang kanyang kamay habang si clyde naman ay inalis sa pagka kadena ang iba pa naming kasama.
Lahat kami ay tipon tipon sa sala at nakaupo si maxine ay pilit pading pinakakalma ni Clyde.
"What's happening?"-tanong ni aiden
"Sa tingin mo ba alam din namin kung anong nangyayari ngayon?"-sarkastikong tanong ni Denver
akmang susugodin siya ni Killian ngunit agad namang pumagitna si clyde sa kanilang dalawa
"Will you please stop arguing"-sigaw ko."Pare parehas lang tayong walang alam dito kaya wag kayong magkagulo"-dagdag ko.
Maya maya pa ay biglang namatay ang lahat ng ilaw kahit kaunting liwanag ay wala kaming maaninag agad nanamang namuo ang takot at kaba sa aking dibdib halos lahat kami ay nag dikit dikit pare pareho kaming walang alam sa kasunod na mangyayari iniisip ko na sana panaginip na lang ang lahat ng ito.Biglang bumukas ang ilaw at nagulat kami ng iba na ang lugar na kinaroroonan namin.Kung kanina ay sa sala na pulos itim ngayon ay nandito kami sa isang malawak na kwarto at kulay asul at pula ang ilaw sa bawat sulok at may iba't ibang gamit na nsa itaas ng lamesa napansin kong nawala din ang iba kong kasama
"Anong nagyayari satin?bat tayo nandito?"-takot na tanong ni Maxine na para bang maiiyak na sa takot at sakit ng kanyang kamay na naka benda.
"I wish this is all a dream"-bulong ko sa sarili ko.Hindi ko na alam kung ano paba ang kakaibang mangyayari sa susunod
BINABASA MO ANG
Devil's Game
Mystery / ThrillerKielly was invited by her friends to go in a night party.Everyone is enjoying the secret party in the yacht,there's a lot of students there, pero hindi nila alam ayon pala ang huling oras na magsasaya sila.There's an evil man who created a game for...