When we first meet

12 2 0
                                    

#if you're not afraid
Of what love brings
Then endings are beginnings of beautiful  things...

Chapter 2

   Pagkatapos siyang ipakilala ni Melda sa mga staff ni Sharmine ay nagvideochatting sila ng huli. Bukas na talaga sila magkikita ni mr.Tan.
  Ang role niya sa pagpapadala sa kanya sa opisina ay ang pag-aaral ng financial reports nito at kung paano maibalik sa pundo ng shop ang pera na deniposits sa resort. Ang resorts ay kumikita na sa kasalukuyan at nag-iisip pa siya kung paano ang promotions na gagawin para mas lalong tangkilikin pa ito ng mga tao.  Hindi siya ang manager for operation niyon pero kinoconsider nito ang suggestions niya dahil kaibigan niya ang manager.
   Sakay ng bus papuntang Baclaran church. Nagpaalam siya kay Melda na i -stroll ang Maynila mag-isa sapagkat busy naman ito kapag niyaya niya.
  "Kuya baclaran ha. Wag mong kalimutan."
  "Yes miss ganda. Isisigaw ko naman iyon e."
  "Bayad ho."
  Nang suklian siya nito ay tumingin na siya sa dinadaanan ng bus. Buti nalang at maaga siyang nakaalis sa opisina ni Sharmine. Makikita pa niya ang Maynila na may araw.
  Nang makatanggap siya ng tawag kay Charice. Ang kaibigan niyang manager ng Rain's fashion sa Palawan. Inayos niya ang pagsuot ng headset.
  "Kumusta ang Maynila mega."
  "Ayos lang mega. Namamasyal nga ako ngayon e. Happy to be alone."
  "Okey,itago mo yang celfone mo ha baka masnatch yan naku."
  "Pag -enteresan pa ba niya ang keypad sa ngayon? Bibilhan ko nalang siya kung gugustuhin niya. Wag lang ito kasi may sentimental value."
Humalakhak si charice dahilan para ilayo niya sa tenga ang headset. Naiiling na minasdan ang paligid. Ang mataong lugar ng baclaran. Natatanaw niya na rin ang Mall of Asia.
  Hay sa wakas narating niya na ang famous baclaran church. At ang mga tiangge na pakiramdam niya ang sarap mamili. Kung meron lang sana siyang pamilya ngayon ay tiyak mamimili siya para sa mga ito. At ipasasalubong niya sa Aklan.
  Pumasok siya sa entrance ng simbahan at ang biniling kandila ay sinindihan iyon para maisama rin sa mga nakasinding kandila doon.
Nang paglingon niya sa gawing kanan ng mga upuan ay makita ang familiar na bulto ng isang lalaking matagal niya nang binaon sa limot.
  Mabilis niyang nilapitan ito at patay-malisyang umupo sa bakanteng inuupuan nito sa bandang kanan. Sinuot niya ang dark eyeglasses niya at pasimpling minasdan ang mukha nito.
  Sinadya niyang mahulog ang hawak na panyo para mapansin siya nito.
  "Lolobelle? Ikaw ba yan?"
  Tinanggal niya ang salamin sa mata at umiling.
  "Ano yun mama? Ako ba ang tinutukoy mo?"
  "Ikaw nga. Ikaw si Lolobelle."
Pinulot niya ang panyo at pinasok sa bag niya.
  "Nagkakamali ka. Kamukha ko lang siguro."
  Tinangka niyang tumayo ngunit pinigilan nito ang braso niya. Ngunit hindi siya nagpapigil. Lumabas parin siya ng simbahan. Ngunit akalain ba niyang nakasunod pala ito sa kanya.
  Tumigil siya sa may mga halaman at punongkahoy roon sa gilid ng daanan.
  "Tanggap ko naman na nagalit ka sa akin. Pero masisi mo ba ako at hinanap ko ang sarili ko dito sa Maynila? Kumusta ka na."
  "Naman.Alam mo yun,nakalimutan na kita e. Sana hindi nalang tayo nagkitang muli. Hindi ko rin alam kung bakit parang hinihila ako papunta sa lugar na ito."
  Hindi niya ito tinangkang harapin. Pinagalitan niya ang sarili."ang sabi mo nakamove- on ka na. Pero bakit parang may galit parin diyan sa puso mo?"sinita niya ang sariling reaction pagkakita sa kanyang ex.
  "Thanks God at nagkita tayo ulit. At dito pa sa lugar na ito. It's a miracle diba?"
  Hinarap niya ito at ngumiti.
  "Hindi ko naman ito hiniling kay God. Ikaw,hiniling mo ba?"tinaasan niya ito ng kilay
  "Oo e. Kuwan kasi, walang closure na nangyari sa atin. Ito na siguro iyon."
  Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa.    Ibang-iba na nga si Dennis. Parang class ang dating nito. Niyaya siya nito sa Mall of Asia. At kumain sila sa isang Italian restaurant.
  Isa na pala itong manager sa isang bangko sa Makati. At madalas daw itong nasa simbahan dahil sa isang panata.
  "Well congrats ha. Anyway kumusta ang status mo ngayon. Are you married or single?"
  Kaswal niyang tanong habang kumakain. Parang wala nang dating sa kanya ang tanong niyang iyon. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon.
   "I'm engage now. Actually, naghahanap kami ng wedding planner. Yung dati kasing nakuha namin nagback out kami kasi ayaw na nang girlfriend ko."
  "Ah ganun ba? Good. Kasi may irerecommend akong wedding planner. Artista ang may-ari at tiyak magugustuhan niyu."
  Ginabi na sila doon sa mall. Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad sila habang nagkukuwentuhan. Hanggang sa hinatid na siya nito sa makati. Ngunit hindi siya nagpahatid sa mismong building. Ayaw niyang malaman kung saan siya nakatira.
  At bukas mismo after nang office hour daw nito ay magkikita sila para madala niya sa office ng wedding planner.
  
  Nakatambay sa kotse niya si Jim dahil aabangan niya ang pagdating ni Lolobelle. Napag-alaman niya sa guwardiya na hindi pa raw ito nakauwi. Nakaupo siya sa compartment ng kotse nang matanaw ang naglalakad na babae. At kilala niya kung sino iyon. Si lolobelle iyon."
  Nang mapatapat ito sa kanya ay kumunot ang noo nito at inirapan siya. Bumaba siya at hinawakan ito sa kamay.
  "Ano sa tingin mo ang ginagawa mong ito lalaki."
  "Inaantay talaga kita. Tinawagan ako ni Sha na bantayan ka. Samahan palagi dahil baka maligaw ka rito at mapagtripan sa kalye."
  Tumawa si Sharmine.
  "Talaga? Inutos niya sayu iyon. Alam mo patawa rin ito si ma'am Sha. Ano akala niya sakin bata? Anyway thanks but no. Hindi kita kailangan. Period. Goodnight."
   At tinangka niya nang pumasok nang building. Isinara ni Jim ang compartment ng kotse  at hinabol si Lolobelle.
"Belle wait,"
  "Jim ano ba." Nasa may elevator na sila.
  "Halika, go with me."
  Wala na siyang magawa dahil pinagtitinginan sila ng guwardiya at ang ibang nasa lobby.
  Sumakay siya sa kotse nito. Ilang oras din at narating nila ang bahay nito sa Cavite. Sa isang sikat na subdivision iyon na nakita niya lang sa magazine.
  Ipinasok nito hanggang garahe ang kotse. Umibis ito at ganun rin siya. Hindi niya na inantay na ipagbukas pa siya nito ng pintuan ng sasakyan. Mag-iilusyun ba siya na siya ang isang beda sa pelikula?
  "Ibenenta sa akin ito ng isang kaibigan. Nagmigrate na sila ng asawa niya sa Canada."
  "Hindi ko naman tinatanong a."
  May mga gamit pa ang bahay. Nagsimula siyang mag -inspeksyon nang kabuuan nito maliban sa ikalawang palapag.
  Minabuting tumahimik nalang si Jim para hindi na magtaray si Lolobelle. Ito palang ang unang nakakaalam na meron siya nito. Kahit si Melda ay inilihim niya ang bagay na ito.
   Mga tatlong kuwarto ang nasa itaas. Magkasunod silang dalawa bumaba ng makita ni Belle ang mga kuwarto.
  "Hindi ka ba napapagod? Kasi ako pagod na pagod na Jim. What next?"
  Binagsak ni Belle sa sofa ang katawan. Umupo rin si Jim sa tabi nito.
  "Sinong lalaki ang naghatid sayo kanina.?"
  "My ex." Deretsang sagot niya
  "Nagkita kayo dito sa Maynila?"
  Tumango siya. Isinandal ang ulo sa upuan. Hinimas-himas ang sentido dahil sa nadaramang antok.
  "Mahal mo pa ba siya?"
"Hindi na. Ikakasal na siya. Actually bukas magkikita ulit kami sa office. Nerecommend kung si ma'am Sha ang kunin nilang weddingplanner."
  "Good.very nice suggestion."
  Naikuwento niya na kay Jim ang tungkol sa buhay niya noon kasama ang exboyfriend niya na si Dennis. Itinuring niyang anak ang anak nitong namatay nang dahil sa sakit sa puso.Fourteen years old lang ang girlfriend ni Dennis nang mabuntis nito. At namatay iyon sa panganganak sa bata. At siya ay naging siyota rin nito kahit alam niyang panakip-butas lang siya. Siya ang nag-alaga sa bata at nang mawala ito ay para narin siyang nawalan ng sariling anak. Napahikbi siya ng maalala ang nakaraan. Mahal na mahal niya ang batang yun dahil kaibigan niya rin ang ina nito.
   "Tahan na."
    "Yung pagkikita namin ni Dennis its reminds me na ito talaga siguro ang role ko sa mundo. Ang panakip-butas nang mga lalaki."
  "Wag mo sabihin yan. You came in my life at nilagay na kita sa puso ko para maging tirahan mo. Mahal ko man si Sharmine noon pero bilang kaibigan nalang. Tinanggap ko na hindi ko siya kailanman maging akin. At thankful ako kay God na dumating ka."
  Niyakap ito ni Jim. Hinaplos-haplos ang ulo.
  "Namiss ko yung bata Jim. Ang sabi ko noon sa sarili ko noong may nangyari sa atin. Na sa na ay mabigyan ulit ako ni God nang another Angel. Pero wala e."
  "Minahal mo ba talaga ako noon?"
  Tumango si Belle. Hindi nga siya halos makausap noong umalis si Jim at bumalik ng Maynila. Ipinagtabuyan niya kasi ito dahil ang akala niya pinaglaruan lang siya ng lalaki.
"Kung sakaling may nabuo ilalayo mo ba siya sa akin? How i wanted a child too, sweetheart."
  Hinagkan siya ni Jim sa noo,sa ilong niya at sa magkabilang pisngi niya. At muling ikinulong sa mga bisig nito. Umiiyak silang dalawa ngayon dahil hindi na nila maibalik ang dati. Alam nilang may tao silang masasaktan. At kaibigan pa nito si Melda. At kapag sinunod nila ang kanilang mga damdamin tiyak na ikagagalit ni Sharmine at Rodz. Magkakasiraan silang lahat. Pero sila ay kasali rin kung paano sila nagkatagpo at nagkalapit ni Jim.
 
  Pagkagising ni Jim ay nagkukumahog siyang maghanda ng sarili para sa pagpasok ng opisina. At pagdating roon ay tinawagan  si Sharmine. Pinagtapat niya na kay Sharmine ang tungkol sa kanila ni Melda. Na iniingatan niya ito at nererespeto kaya hindi pa sila umabot sa malalim na relasyon. Kaya ipinatigil na ni Jim ang pagrereto ng mag-asawa sa kanila ni Lolobelle.
  Muntik na nitong mabitawan ang telepono nang makitang papasok sa opisina si Lolobelle.    Nakahanging blouse ito at nakikita ang pusod. Nakasuot ng red sandals na 3inch ang takong. Ipinatong lang sa likuran nito ang kulay peach na blazer. At tenernuhan iyon ng blue skinny jeans. Pakiramdam ni Jim ay rumarampa itong naglalakad. Tumingin siya sa paligid at nakatingin rito ang mmga staff.
  Madadaanan siya nito sa kinauupuan niya sa receiving area. Bago ito umupo sa mesang nakalaan para rito.
  "Bakit ganyan ka makatingin." Baling nito sa kanya.
  Tumayo siya at binulungan ito na ayaw niya ang suot nito.
  "Gusto ko lang maturn off ka sa akin. Mr. Ano nga apelyido mo?"
  Bumalik na sa trabaho ang mga staff malayo sa kanila.
  "Tan."
  Napanganga si Lolobelle sa narinig. Naniningkit ang matang tumingin kay Jim. Tumayo at nilapit ang mukha rito.
"Tan ha. So, ikaw ang mysterious depositor ni Ms Sharmine. All the way, niloko mo ako. Pinaikot. Ikaw lang pala ang taong imemeet ko dito sa Maynila."
  "Hindi ko alam yan. Ang akala ko kilala mo na ako. After all Belle, its not a big deal for us." Sinampal niya ang lalaki. Napaurong ito hawak ang pisngi. Iyon ang eksenang naabutan ni Melda. Nahuli itong pumasok dahil may kinausap pa sa labas ng building.
  "It's not a big deal sa pagmumukha mo. Lumayo ka sa akin. Please dahil baka ako ang magwalk out dito."
  Muli siyang umupo ng matanaw na papalapit na si Melda.
  "Belle..."
  "Anong nangyayari friend. Nakita kong sinampal mo ang boyfriend ko. Anong ginawa niya sayo."
  Hindi siya sumagot. Sinimulan niya nang magtrabaho. Gamit ang computer. Nanggigigil siya at pinipigilang maiyak. Naiiyak pa naman siya kapag naiinis.Nakita niyang nagtatalo ang dalawa sa sofa. Medyo malayo ng konti sa kanyang mesa. Nagpunas siya ng luha dahil sa inis niya kay Jim.
  Ilang sandali ay nagtungo siya sa area ng mga staff. Abala ang mga ito sa pagprepare ng nalalapit na kasal ng client na rinig niya ay kaibigan raw ni Sharmine.
  Umupo siya may snack table ng mga iyon. May dalawang nagkakape doon.
  "Hi!"
Binati niya ang dalawa at ang celfone na ang inatupag. Nagtatry siyang makontack si Rodz.
Inalok siya ng dalawa ng kape. Nagpapatugtog  pa ang mga ito ng kanta ni Regine Velasquez at Paul Anca na "It's Hard To Say Goodbye."
  "May pinagdadaanan ba kayo?" Bulong niya sa dalawa saka tumayo
Hindi niya nakita ang pagtaas ng kilay ng dalawa Jena at Margie.

This Time I Hold You Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon