CHAPTER 9
Ngayong araw ang pahinga ko, pero heto ako at nakaupo sa couch namin dahil nandito ang kambal kasama sina Eli at syempre mawawala ba naman ang luko lukong magnanakaw ng halik? Andito din syempre si Khal at heto sya ngiting ngiting nakaupo sa tabi ko at kanina pa ako tinititigan. Naiirita na ako sa totoo lang! Ang sarap nya... ihambalos sa pader para di na makangiti. Bwiset!
"Hindi ka ba titigil? Kanina ka pa ah!" Pagtataray ko sa kanya. Bahagya syang nagulat sa sinabi ko pero balik ulit sa pagtitig saken. O baka naman may dumi ako sa mukha? Dali dali kong kinuha ang salamin sa ilalim ng table pero agad din nya akong pinigilan.
"Wala kang dumi sa mukha. I just love... staring... at... you." Sabi nya ng di inaalis ang tingin sa akin. Sinabi nya yon ng mabagal at sa mahinang tinig. Natitigilan akong napatingin sa kanya. Hindi ko talaga alam ang tama nito sa utak. Baka may sipon na to sa utak. Malamig pa naman ang panahon.
"Hindi mo alam kung gaano ako katagal na naghintay para matitigan ka ng ganito." He added ng hindi ako sumagot sa sinabi nya. Hindi naman yon tanong pero pakiramdam ko ay kailangan kong sagutin yon. He is so sincere when he says that. I should not be feeling this but literally his words are giving me goosebumps!
"Ano bang pinagsasabi mo dyan? You're drunk already. You guys should go home.... Kan pauwiin na natin sila." Sabi ko kay Kan habang nakaturo sa mga to. Hindi ko nga alam na pupwede pala ang lalake sa apartment na to.
"Maaga pa naman Tin oh!" Pag-angil ni Quiel habang papasok sa kusina. Kukuha pa ata ng makakain at maiinom. Madidisappoint lang sya dahil walang laman ang kusina namin.. yun ang alam ko.
Maghahapon pa lang ngayon. Inistorbo nila ang pag-aaral namin ni Kan kaninang umaga. Hindi namin alam na pupunta sila dahil wala naman silang sinasabi nung nakaraang linggo tapos hindi pa kami parehas nagbubukas ng cellphone. Napagdesisyunan kasi namin ni Kan na kung mag-aaral kami ngayong araw ay papatayin namin ang parehong cellphone para walang manggulo. Pero ayun at pagkakain namin ng tanghalian habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin ay bigla silang dumating.
Inulan pa ako ng pang-aasar nila ng makitang naghuhugas ako ng mga pinggan. Ang sabi pa ay laking mayaman daw ako pero pinagliligpit lang ako ni Kan dito sa apartment at kung ano ano pang tungkol sa akin dahil lang sa nakita nila akong nagliligpit. Napag-alaman na lang namin na pinag-usapan nila kanina sa group chat na pupunta sila dito dahil hindi nga kami nagrereply ay inisip nilang payag kami. Wala na kaming nagawa ng mag-umpisa silang ituring na nasa sariling bahay nila sila.
Si Quiel na nauna na sa banyo dahil kanina nya pa daw pinapatay ang tawag sa kanya ng kalikasan at nagagalit na daw sa kanya. Habang si Quier ay dumiretso sa sink sa cr habang hindi pa nakakapasok si Quiel dahil kagigising lang daw nya ay nahigit na sya agad ni Quiel. Si Uno na agad binuksan ang tv sa sala habang hinahanap sa netflix ang naudlot nyang pinapanood dahil sa biglang pag aaya ng mga kasama. Si Eli ay nahuli ng dating.
Si Khal ay pinuntahan agad ako sa sink sa kusina at sinuotan ako ng apron dahil baka daw mabasa ang damit ko. Nakalimutan ko na kasing magsuot noon dahil alam ko namang saglit lang ako magliligpit. Tinulungan nya pa akong magpunas ng mga pinggan bago ilagay sa pingganan. Ewan ko ba dito, sinabi ko namang ako na pero tumanggi sya at tinulungan pa din ako.
"Bangin na talaga yang iniisip mo." Ang salitang narinig ko na nakapagpaudlot sa pag-iisip ko ng nangyare kanina. Hindi naman malalim ang iniisip ko a. Bumuntong hininga ako at ininom ang beer in can na nasa table kaharap ko. Kanina pang ito ang iniinom ko dahil ayaw na daw nila maulit yung kakulitan ko na hinigitan ang kulit ni Quiel.
YOU ARE READING
Apple and Shantin
General FictionDo reincarnation exist? Maniniwala ka bang, dahil lang binato ka ng apple ay ikakasal ka na? Binato ka na nga, nasaktan ka na tapos ikakasal ka pa isang GGSS na lalake?? (Baka gwapo talaga) At mangyayaere yung kelan mahal na mahal mo na, kung kelan...