PROLOGUE

188 3 0
                                    

Yet Another Teenage Love Story

by PrEtTyMeSHiE

PROLOGUE:

Love...

Pangalan ng crush mo ang lumabas sa isipan mo, 'no? HAHAHAHA!

'Yan na nga ang sinasabi ko, eh.

Kapag pag-ibig talaga ang pinag-uusapan, lahat yata nagiging baliw. Isa ka na dun. Don't deny it.

Sabi nila, "Love makes you happy."

Pshhh... Sabi lang nila. Maniwala ba naman kayo?

For me, “Love makes your simple and beautiful life complicated in every angle of it.”

Para sa 'kin, ang pag-ibig ay katangahan lang 'yan. Nawawala ang sense ng mga senses mo.

1. Sense of sight --- nagbubulag-bulagan ka sa pag-ibig;

2. Sense of hearing --- nagbibingi-bingihan ka sa mga payo ng mga taong concern sa kalagayan mo. All you hear are the sweet words of the person you stupidly fall for;

3. Sense of touch/feel --- nagiging insensitive ka sa mga taong tunay nagmamahal sa'yo;

4. Sense of taste --- nawawalan ka ng gana sa pagkain;

5. Sense of smell --- hindi ka na nakakaamoy at nakakahinga ng maayos dahil sa baradong sipon sa ilong mo dahil na rin sa pag-iyak-iyak mo sa taong hindi ka naman mahal.

Ang mga binanggit ko ay nangyari na sa mga taong tanga sa pag-ibig.

At isa ako doon... Sa mga dakilang tanga pagdating sa pag-ibig...

Kailan kaya ako makakaranas ng tunay na pag-ibig?

Sa taong una kong minahal ngunit iniwan ako? Pero gustong makipagbalikan sa akin?

O sa taong kinaiinisan ko pero minahal ko? Kaso nga lang ang tanong mahal ba ako?

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

Ba't ba sa lahat ng pwedeng panaan ni Mr. Cupid, eh ako pa?

Ba't kasi napaka-complicated ng buhay pag-ibig?

Hindi ba pwedeng maging as simple as

adding numbers?

Yet Another Teenage Love Story (on going)Where stories live. Discover now